"thud", ang malakas na tunog ng bote ng beer nang malakas na inilapag ni Rauke ang bote ng beer na iniinom nito.
"Kasal?!", ang malakas at gulat na tanong ni Rauke sa ate nito na si Gabriella. Sinabi na kasi nito ang pasya niya na pagpapakasal sa investor na pinagkakautangan ng kanilang daddy.
"Seryoso ka ba Gab?", ang di rin makapaniwala na tanong ni Alaric kay Gabrielle. Habang nakaupo sila sa isang lamesa sa isang bar na matagal na nilang pinuntahan na pagmamay-ari ng kaibigan ng kanyang lolo Alano. Dito sila natuto na uminom na magkakapatid, teenagers pa lang sila at kahit na isang babae si Gabriella ay dinadala sila rito ng kanyang lolo, para turuan siyang uminom na parang lalaki, para hindi siya kayang lasingin ng sinuman na lalaki.
Inubos muna ni Gabriella ang laman ng kanyang iniinom na beer, saka niya pigilan ang magpakawala ng malakas na dighay.
"burp", ang dighay niya, "excuse me", ang sabi niya sa mga kapatid at saka siya tumangu-tango.
"Wala ng iba pang paraan Alaric, Rauke, kakasuhan daw si daddy kapag hindi nabayaran ang five million na ininvest ng lalaking, uh, matandang investor", ang sagot ni Gabriella sa mga kapatid na nakakunot na ang mga mukha ng malaman na malaki ang pagkakautang nila.
"What?", ang gulat na tanong ni Rauke, "Ganun kalaki ang utang ni daddy?", ang di makapaniwala nitong sabat.
"Hayaan mo makulong si daddy, wala naman ginawa siyang mabuti para sa iyo", ang sagot ni Alaric na naging saksi sa mga pinagdaanan niyang sakit noong kabataan pa niya.
"Hayaan ko man na makulong si daddy pero paano ang rancho?", ang tanong ni Gabriella sa kapatid, "hindi ko pa alam ang extent ng pagkalugi ng ng rancho, ang Highlands company ay, wala ng pag-asa dahil nag-file na ng bankruptcy si daddy, ang Highlands Ranch na lang ang tanging dapat natin na maisalba, alang-alang sa mga lolo natin", ang sagot ni Gabriella, bago siya muling kumuha ng bote ng beer sa isang ice bucket. Binuksan iyun at muli niyang tinungga ang laman nito.
"Baka naman pwede pa tayo makahanap ng ibang paraan Gab", ang sagot ni Alaric sa kanya at sa pagkakasalubong ng mga kilay nito ay alam niyang pati ito ay namumroblema na rin. Pero, nagdesisyun siya na sabihin sa mga kapatid ang tunay na kalagayan ng kanilang tinitirhan na lupain, gusto niya na maging handa rin ang mga ito sa anuman na maaring mangyari.
"Kaya nga Gab imagine ikakasal ka sa isang amoy mothballs?", ang giit ni Rauke sa kanya at hindi niya napigilan ang umirap sa batang kapatid na sa edad nito ay happy go lucky pa rin, kahit pa maaasahan na rin naman ito sa rancho ay may kapilyuhan pa rin ito at di pa seryoso sa buhay.
"Hindi pa naman ako pumapayag, gusto ko muna makita ang mga libro ng rancho, baka may natitirang pag-asa pa tayo, o di kaya ay magbenta tayo ng lupain natin, gusto ko sana makita ang mga titulo ng lupa natin", ang sagot niya sa kapatid.
"Ang alam ko nasa opisina iyun ni daddy", ang sagot ni Alaric pagkainom nito ng beer mula sa bote.
"Eh kung isa kina Lucas o Carlos ang pakasalan mo?", ang sabat na tanong ni Rauke sa kanya at napaungol si Alaric sa sinabi ng bunsong kapatid.
"Puro ka talaga kalokohan", ang inis na sabi ni Alaric kay Rauke.
"Kalokohan ba iyun? Mas kalokohan ang magpakasal sa matanda", ang giit nito.
"Rauke, ang bata pa ng mga iyun", ang kunot noo niyang saad sa kapatid, na ang tinutukoy ay ang mga kaibigan nito na nagmamay-ari rin ng mga rancho hindi kalayuan sa kanila.
"Pfft, kasing-edad ko lang naman sila, dalawang taon lang ang tanda mo sa akin", ang giit pa rin ni Rauke sa kanya, "alam ko may gusto sa iyo si Lucas, ako lang ang idinadahilan nun kaya panay ang dalaw sa rancho", ang dugtong pa nito.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
Lãng mạnStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981