Chapter 34

2.9K 122 57
                                        


"What?" ang taka at gulat na tanong ni Presley sa kanya, kumunot pa ang makikin nitong noo at ang magagandang pares ng kurbadang mga kilay nito ay halos magtagpo sa gitna.

"Wag mong tanggapin ang kaso," ang muli niyang pag-uulit sa kanyang sinabi. Ipinatong niya sa ibabaw ng lamesa kanyang kanyang mga bisig katabi ng maliit na tasa ng iniinom niyang kape.

"Pero, wala namang inilalapit na kaso sa akin si Seth?" ang naguguluhan na sagot sa kanya ni Presley kasabay ng pagtanggi nito ay ang pag-iling naman ng ulo nito sa kanya, at ito rin ay ipinatong ang mga siko sa ibabaw ng lamesa.

"Hmm, hindi ka pa siguro niya natatawagan, pero, nagsabi na siya sa akin na interisado siya na kunin ka niya bilang abugado sa isang kaso na nangyari sa Villacenco, ten years ago," ang giit niya kay Presley na bahagyang gulaw ang ulo at mukhang nakuha niya ang atensyon nito sa sinabi niyang kaso noong nakalipas.

"Hmm, tungkol saan ba ang kaso?" ang usisa ni Presley sa kanya, at sandali siyang nag-alangan na sagutin ang tanong nito baka kasi umandar ang pagiging abugada nito at magkaroon ng interest na tanggapin ang kaso at kalimutan ang salitang kaibigan. Hindi naman niya ito masisisi pero umaasa siyang mamamayani ang pagkakaibigan nilang dalawa katulad ng pagkakaibigan ng kanilang mga lolo, noong nabubuhay pa ang mga ito.

"I want you to promise first Presley na hindi mo tatanggapin ang kaso, at sasabihin ko sa iyo ang lahat," ang sabi niya kay Presley. Oo. Maganda na sa isang kaibigan at abugado na may sinumpaan sa confidentiality ang kanyang pagbuksan ng mabigat niyang bagahe sa kanyang mga balikat at mas lalo na sa kanyang puso.

"As a friend, hinihiling ko ito sa iyo, at bilang isang abugado ay maglalahad ako sa iyo," ang sagot niya kay Presley na matagal na pinag-aralan ang kanyang mukha.

Nababasa kaya nito ang kanyang itinatago? Pero nakahanda na siyang ilahad ang lahat, ang sabi niya sa kanyang sarili. At pinagmasdan niyang dahan-dahan na tumangu-tango si Presley sa kanya.

"Okey," ang sagot ni Presley sa kanya kasabay ng pagtango ng ulo nito.

"It was a robbery with homicide case of Mr. Enrico Domingo, isa sa manggagawa namin sa rancho," ang panimula niya at nanatili na walang imik ang mukha ni Presley at mukhang handa na ito sa kanyang paglalahad bilang isang abugado na walang panghuhusga.

"Sampung taon na ang nakalipas, gabi nun at tandang-tanda ko ang maalinsangan na panahon habang nangangapal ang mga ulap at nakakabingi na ang dagundong ng malalakas na kulog at matatalim na kidlat, I was seventeen and very much inlove and my mind was in turmoil,".......

***

"I love you," ang malambing na sabi ni Seth kay Gabriella sa kabilang linya habang kausap niya ito sa kanyang phone.

"I love you Seth," ang sagot ni Gabriella sa kanya at nabakas niya ang pagkariin ng pagkakasabi nito ng mga kataga ng pagmamahal sa kanya at parang lobo na napuno ng hangin ang kanyang puso sa labis na saya na kanyang naramdaman.

"Namimiss na kita, wala na naman akong katabi sa kama mamaya." Ang sabi niya kay Gabriella at hindi niya kailangan na magkunwari at patunugin na malungkot ang kanyang boses dahil talagang nalulungkot siya. Parang kulang na kasi ang gabi para sa kanya lalo pa at nasanay na siyang matulog na katabi sa kama si Gabriella.

"Naku, tigilan mo nga ako Seth, kung alam ko lang baka katabi mo ngayon yung ka-ngusuan mo sa exhibit!" ang galit na sagot sa kanya ni Gabriella at hindi niya napigilan ang matawa. Tumayo siya sa kanayng swivel chair at humakbang siya palapit sa bintana ng kanyang opisina at tumanaw siya sa abalang kalsada ng siyudad. Ibang-iba ang tanawin an iyun kaysa sa rancho at hinahanap-hanap niya iyun. Gusto niya sana na sa Pedrosa na lamang mag-base ng kanyang opisina at magtayo na rin doon ng isa pang extension ng pabrika ng kanyang motorsiklo.

The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon