Parang may pumulupot na mga daliri sa kanyang leeg at humigpit ang kanyang lalamunan na dahilan para mahirapan siyang huminga.
Bakit kasama nila ang dating PNP chief? Humingi ng tulong si Seth? Ang natatakot niyang tanong sa sarili.
"Oh, wow, it is an honor to meet you sir, hindi lahat nabibigyan ng opportunity na mameet ang magaling na PNP chief," ang masayang sabi ni Seth at pinagmasdan ni Gabriella kung paanong nagpalitan ng handshake ang dalawa.
"Ikinagagalak ko rin na makilala ang nag-iisang motorcycle producer na Pilipino na nakapasok sa international market,” ang masaya naman na sagot ng pamosong PNP chief at halos manlaki na ang butas ng ilong ni Gabriella para lang makahinga siya ng maayos.
“I’m proud to introduce my wife, Mrs. Gabriella Kirkland Buenavidez, may ari po sila ng isang rancho sa south,” ang pagpapakilala ni Seth sa kanya at damang-dama ni Gabriella ang pagiging proud ni Seth na ipakilala siya nito bilang asawa.
Pero kung sa pagkakataon siguro na tamang mag-uusap lamang sila at magkakamustahan ay baka halos lumipad ang kanyang puso sa saya sa paraan ng pagpapakilala sa kanya ni Seth, pero hindi. Hindi lumipad ang puso niya sa galak, kundi halos lumabas ang kanyang puso sa kanyang dibdib sa labis na kaba, dahil ang matandang General ay naroon para tulungan si Seth na maisiwalat ang lahat, lahat ng kanyang inilihim at hanggang sa sandali na iyun ay umuusig sa kanyang konsensiya.
“It’s not everyday that you’ll meet a beautiful woman, mukhang napaka swerte ko ngayon, “ang magiliw na sabi ni General Dela Vega sa kanya at inilahad nito ang kamay sa kanya. Kanya naman na inabot ang kanyang nanlalamig na kamay sa matandang heneral.
“It’s an honour to m-meet you sir,” ang kinakabahan at magalang niyang sagot rito.
“Chief na lang ang itawag ninyo, maupo tayo,” ang pagyakag nito sa kanila at hindi naaalis ang authoritative nature nito bilang isang hepe. Sa pagkakataon na iyun ay pasalamat si Gabriella na tinulungan siya ni Seth na maupo dahil sa nanlalambot na ang kanyang mga tuhod at gusto na niyang mabuwal sa pagkakatayo.
“Ayos din mga linyahan mo Chief ah, sana nagamit mo iyan noong nililigawan mo si Aurora, naku, matikas lang ito pero nuknukan din ito ng torpe,” ang sabi sa kanila ni Atty. Ceresco na ginugud taym ang kaibigan.
“Tumigil ka nga,” ang natatawang sagot naman ni Chief sa kaibigan.
“I’ll get us some coffee,” ang alok ni Seth at kinuha nito ang mga kape na gusto ng mga itong inumin at siya naman ay nag-umpisa nang kumulo ang sikmura. Pakiramdam niya ay masusuka na siya sa sandali na iyun sa labis na kaba.
Sinundan ni Gabriella si Seth ng tingin habang naglalakad ito palayo para umorder ng kanilang kape.
Seth bakit? Ang tanong ng isipan niya, akala ko ba hindi na siya tutuloy na pabuksan ang imbestigasyon? Ang hinanakit pa niya.
“Are you okey Gabriella?” ang alalang tanong ni Chief sa kanya at mula kay Seth ay lumipat ang kanyang mga mata sa matandang heneral.
“Uhm, po?” ang balik tanong niya rito.
“Namumutla ka kasi, may dinaramdam ka na?” ang sabat naman ni Atty. Ceresco sa kanya.
“Uhm, w-wala naman po,” ang nautal niyang sagot dito.
“Oh I know that look, buntis ka?” ang sabat ni Chief at nag-init ang kanyang mga pisngi. Hindi niya aakalain na ang isang matikas na heneral pa ang magsasabi na buntis siya. Buntis na nga ba siya? Ang biglang tanong niya sa sarili.
“Oh, expert ka na talaga sa ganyan,” ang sabi ni Atty sa kaibigan nito.
“Sunud-sunod ang mga apo ko, eh ikaw ba? Si Andres mo?” ang tanong nito sa matandang abugado.
BINABASA MO ANG
The Bribe To Be - Gabriella Kirkland - Kirkland Series (completed)
RomanceStrictly for mature readers only 18 and up. Please be guided. Her family has deeply hurt him from the past, and now, it's time for retribution, and she's going to be the payment that he has always wanted. Completed February 2, 2021 © Cacai1981