Chapter 7

3.4K 98 2
                                        

AN: Patnubay at gabay ng nakatatanda ay kailangan. Lol hindi naman SPG talaga, medyo lang. I'm no good sa mga medyo sensored na scene so pasensya na. 


Chapter 7

"Surpr---Hey! You okay?" Nabitin sa ere ang lahat ng sasabihin ni Jake sa dalaga at agad na lumapit dito. Jasmine knows how pale she looks now.

Inalalayan sya ng binata na makapaglakad hanggang sa living room at pinaupo sya. Sandali itong nagpaalam at saka bumalik na may dalang baso ng tubig. Agad naman nya itong tinanggap at ininom nang diretso ang laman ng baso. Saglit na umalis si Jake para buksan ang ilaw. Ilang sandali pa ay bumaha na ang liwanag sa paligid. Jasmine let her breath go and faced him.

"Okay ka na?" Bakas pa rin ang pag-aalala sa boses ni Jake.

"You almost killed me. I thought I've been robbed or there's a killer inside my house that has just been waiting for me to come home." Okay, OA. Pero totoo talagang natakot sya kanina. Halos himatayin na sya kung hindi lang sya agad nalapitan ng binata.

"I'm sorry. I was just trying to surprise you..." Tinitigan nya ng matagal si Jake. Malay ba naman nya na sa pwedeng tumakbo sa isip nito. Hindi ito nagpakita sa kanya kanina after work at isang text lang mula dito ang natanggap nya buong araw.

"What were you thinking? At paano ka nakapasok dito?" Hindi naman nya matandaan na binigyan nya ito ng spare key.

"I used my skills." He said humorously. "Sinubukan ko lang naman kung magwo-work sa pintuan mo." At ipinakita nito sa kanya ang isang mahabang wire. It must be about 12 inches long. "I used to do this trick when I got locked up at my own house before."

Amused na napatingin sya dito. Tatlo ang lock ng pintuan nya at nagawa nitong buksan iyon.

"Pwede ka na palang akyat-bahay." She joked. Nakarecover na sya. Tumayo ang dalaga at naglakad papunta sa kusina con dining room. Pero natigilan sya nang makitang may mga pagkain sa mesa. Automatic syang napalingon sa binata na nakasunod sa kanya.

"Well... That's what the surprise should be." Jake said while scratching the back of his head. Pinaglipat niya ang tingin sa mga pagkain at sa binata.

"I---uh..." Bigla ay wala syang masabi.

"Dont worry, I brought all the ingredients. Walang nabawas sa supply mo. Nagamit ko lang yung gas." Then he smiled gorgeously.

"Silly... I don't really mind. I mean, I don't care if you cook everything from my fridge. It's just that --- what's the occasion?" Naguguluhang tanong nya.

Pero sa halip ay ipinaghila sya ni Jake ng upuan at pinaupo sya. Saka ito umikot sa upuan na nasa harapan nya.

"Well... Today happened to be my birthday." Natigilan bigla ang dalaga sa narinig.

"Oh my God..." Sabi nya at napatakip ng kamay sa bibig.

"What?" Takang tanong naman ng binata.

"I'm sorry, I didn't know." Tarantang sabi nya. "Gosh, bakit hindi mo man lang sinabi sakin? I could have bought a gift for you. Or give you my house key para hindi ka na naging tresspasser. Or maybe---"

"Hey, calm down." Natatawang inabot nito ang kamay niya at hinawakan. Agad naman syang natahimik. "It's okay. Okay na sakin na pinahiram mo sakin ang bahay mo at hindi pinakulong for trespassing."

Natawa sya dito.

"Ikaw naman kasi. You should have told me para ibinigay ko na lang ang susi. Nagpagkahirap ka pa."

"Para sana ma-surprise ka. Kaso epic failed na naman." Nagkatawanan sila.

Hours later ay masaya na silang nagkukwentuhan. Natapos na silang magdinner mula sa hinandang pagkain ni Jake. At kasalukuyan silang nakasalampak sa living room, parehong nakasandal sa paanan ng couch at inuubos ang laman ng bote ng champagne.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon