Chapter 10

3K 79 1
                                    

Chapter 10

Kapag sabado, nakaugalian na ni Jasmine ang mag-general cleaning pagkatapos mag-almusal. Mas gusto nya kasing magstay sa bahay matapos ang limang araw na pagtatrabaho. Ito na rin ang exercise nya.

Matapos nyang iligpit ang mga pinagkainan ay nagsimula na ang dalaga na maglampaso ng sahig kasabay ng malakas na volume ng DVD player. Kahit paano man lang ay matapatan nya ang malakas na ingay ng kapitbahay nilang mahilig magvideoke.

Enjoy na enjoy na sa paglilinis ang dalaga ng maramdaman nya ang vibrate ng cellphone nya mula sa bulsa. Number lang ang nagregister sa screen. Hininaan nya muna ang music at saka sinagot ang unknown na tumatawag.

"Hello?"

"Hi. Is this Jasmine?" boses ng babae ang nasa kabilang linya.

"Yes... who's this?" kunot noo na sagot ni Jasmine.

"This is Jake's mom. Can we meet? Emergency."

Dahil sa narinig ay nawala na ang lahat ng tanong sa utak nya. Emergency. Parang naging keyword sa kanya iyon na kumilos na agad at puntahan ang mama ni Jake. Hiningi na lang nya ang address kung saan sila magkikita at mabilis na nagprepare. Ni hindi na nya nagawang itabi pa ang mga panlinis na nakakalat sa living room. At kung paano nito nakuha ang number nya, hindi na rin alam ng dalaga.

Wala pang isang oras ay nasa byahe na si Jasmine papunta sa lugar na sinabi ng mommy ng binata. Inihinto nya sa parking lot ng isang restaurant ang sasakyan at mabilis na pumasok doon. Hindi naman sya nahirapang hanapin ang ginang.

"Hi. You're quick!" nakangiting sabi nito nang makalapit sya. "Have a seat."

Agad syang umupo sa katapat nitong silya.

"Good morning po. How's Jake po? Maayos na po ba sya?"

Nagtatakang napatingin sa kanya ang ginang. And to her surprise, humalakhak ito.

"I'm sorry. I can't help it." Sabi nito na patuloy pa rin sa pagtawa. "You thought Jake was in a bad state?"

"E di ba sabi nyo po, emergency?" nagtataka na rin sya sa nangyayari. Ano bang klaseng trip meron ang nanay ni Jake? Parang mas malakas pa yata ang topak nito sa anak.

"Oh, hija... You really made my day." Dumampot ito ng tissue at ipinunas pa sa mata. "Jake is fine. But the real emergency is he just left me because of some urgent reasons. So, I called you. Hindi ko naman inakala na ganun ang pagkaintindi mo sa 'emergency'."

Jasmine didn't know how and what to react. Seriously? Jake's mom just pulled prank on her. Ano pa ba ang ibang ibig sabihin ng emergency?

"Nakakaloka. Halos pinalipad ko pa yung sasakyan just to be here on time." Natawa na rin sya nang marealize ang ginawa. She just overthinks things again.

"But I'm glad that you're here. Anyway, have you eaten?" tanong ng ginang.

"Yes po. I just had my breakfast."

"Great. Then let's go." Tumayo na ito bago pa sya makapagtanong kung saan sila pupunta. Baka dalhin sya nito sa bundok tralala, wala man lang syang dalang armas. Wallet, cellphone at susi lang ang napagkaabalahan nyang dalhin. Well at least, may pera sya.

"Wait lang po. Saan tayo pupunta?" tanong nya ditto habang habol nya ang paglalakad.

"I have a schedule at the spa today. So, let's go. Yung sasakyan mo na lang ang gamitin natin. Dinala kasi ng magaling kong anak ang kotse."

Lumabas na sila ng restaurant at pinuntahan ang sasakyan. Kung alam lang nya na gagawin lang pala sya nitong driver, hindi na sana sya pumunta. But on the other hand, this is pretty amazing. Parang mother and daughter-in-law bonding lang. Pinigil nya ang hagikhik dahil sa naisip.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon