Chapter 12
Nagcarpool na lang sila papunta sa simbahan. Sa kanila sumabay ang tatlong pamangkin nya na mas gustong kasama sya kesa sa mga magulang. Kaya naman nagmistulang pupunta sila sa field trip ng araw na iyon. The christening was held at one of the most beautiful churches in Antipolo, kung saan doon nya rin pinapangarap na ikasal.11:30 na ng makauwi sila sa bahay just in time for lunch. The huge backyard was decorated creatively. Naka-catered ang buong venue na ginanap sa gilid ng malaking pool. Maraming dumating na bisita, mga katrabaho at kaibigan ng mga kapatid ng dalaga. It was a fun experience lalo na at nakita nyang nakakasundo na ni Jake ang mga kuya niya. Sa totoo lang ay mula noong umuwi sila sa bahay galing sa simbahan, hindi na nya halos nakausap ito dahil hinatak na ng mga kapatid nya sumama sa mga ito. At hanggang sa dumating ang gabi ay nagtatawanan pa rin mga ito. She wouldn't mind really. Natutuwa lang sya na hindi KJ ang binata at game na game sa kwentuhan.
"Hmnn... Tigilan mo na ang pagtitig sa kanya. Konti na lang, matutunaw na yan." Napalingon sya kay Ate Sandra na hindi man lang nya naramdamang katabi na pala nya.
"Kanina ka pa dyan, ate?" kinuha nya ang baso ng wine na inabot nito sa kanya.
"Hindi naman. Pero nakita namin ni Janine kung gaano ka na katagal nakatingin sa 'friend' mo." Pang-aasar pa nito. Maya-maya ay lumapit sa kanya ang ate Janine at ate Kyla nya, na asawa ni Kuya Luke, at sumama sa kanilang dalawang magkapatid.
"Hindi mo talaga sya boyfriend, ha?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Ate Kyla.
"Ate naman... Kaibigan ko nga lang sya."
"Pero bet mo?"
"Ate..."
"Pero hindi nya masagot." Ngumiti ng nakakaasar si Ate Janine na inapiran pa ang ate Sandra nya. Talaga nga naman kapag nagsama-sama ang mga ito, wala na naman syang panalo.
"Pero in fairness ha? This guy, Jake, looks like a nice man. He seems responsible too." Proud naman na napangiti si Jasmine saka muling nilingon ang binata na bahagyang kumaway nang makita syang nakatingin sa pwesto nito.
"He is..." she said as she waved back and smiled.
"In fairness, I like him better than Bryan." Sabi ni Ate Sofia.
"Sandra, ano ka ba?" saway ni Ate Janine ditto.
"What? Wala naman akong sinabing masama. And I'm sure, hindi na rin naman affected ang kapatid natin sa kanya. Right, Jas?" nilingon sya ng mga ito with a concerned look na ikinatawa nya.
"Of course. And I won't stop you from whatever you wanted to say. Opinion nyo naman yan." Sagot ng dalaga. Lumakad sya sa malapit na sofa at naupo.
"See? Sa totoo lang, hindi ko talaga gusto si Bryan. Noong una, siguro, okay naman. But as the time goes by, parang napapansin ko masyadong nagiging self-centered ang loko. Kaya noong nalaman ko na wala na sila ni Jasmine, naku, kulang na lang magpaparty ako." Hindi na nakaimik si Jasmine. Napapansin na rin pala ng mga kapatid nya iyon at dahil sa respeto ay hindi na sya nito pinakialaman.
"I have the same thoughts actually." Sabi ni Ate Kyla. Nakaupo ito sa sofa sa harapan nya at de kwatro. "But I never told Jasmine about it because I know she's a wise girl and she'll figure it out. And she did."
"Thank you, mga ate. E natakot din yata ang lokong yun sa inyo kaya hindi na kami tumagal." Biro ng dalaga.
"Aba dapat lang. Sa amin pa lang, tiklop na sya. E ano pa kaya kapag kasama na ang mga kuya mo." Nagkatawanan sila.
"Pero sis, kapag sinaktan ka nyan ni Jake---" agad na pinutol na nya ang sasabihin ng kapatid.
"Ate, hindi nga kami. Hay naku, ewan ko sa inyo. Puntahan ko na yun. Naparami na yata ang inom."
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomansaJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...