Chapter 18
Jasmine has been staring at her monitor for she don't know how long. Basta napansin na lang niya pagpatay noon at nang bumukas ay naroon na ang logo ng kompanya nila na iniikot ang bawat espasyo ng screen. Screensaver. She's being unproductive as the day passed by. Hindi maganda iyon. She used to be a team player. Pero kahit na anong gawin niyang focus sa trabaho, walang nangyayari. Matutulala din siya uli hanggang sa mamalayan niyang hapon na naman at kailangan na niyang umuwi.
"Earth to Jasmine. Welcome back Jas!" She heard her officemate, who was sitting beside her, snapping.
"Ano yun?" Tanong nya ng matauhan saka nilingon ito.
"Kanina pa po nagriring ang telepono mo. Baka gusto mo sagutin?" Sabi nito saka napailing.
Noon nya lang nilingon ang cellphone na nagriring ng malakas. Nakafull blast iyon but surprisingly, hindi man lang natawah ang pansin niya kanina. She grabbed the phone and saw her sister's name flashed on the screen.
"Ate..." She tried to sound like she's okay. Pero nagmukha lang siyang paos na uwak.
"Have you been crying the whole night?" Bungad nito sa kanya. Pero hindi siya sumagot. "I think my suggestion will do you better. Umuwi ka na muna dito sa bahay. It's not good for you living alone for now. Baka bigla ka na lang magsuicide dyan."
She wanted to laugh upon hearing her sister's sentiment. Malayo sa isip niya ang magpakamatay. Hindi naman siya suicidal.
"I'm fine, ate." She wanted to say she's been there and she was able to overcome it. Pero lalabas lang siya na sinungaling.
"You don't sound like it. Stop pretending. Just pack your bags and go home. Pupunta si Kuya mamaya dyan para sunduin ka."
She rolled her eyes. Wala na talaga siyang lusot sa mga ito.
"Ate naman..."
"Bye sis. See you later. Agahan mo ang uwi mo. The kids are excited to see you."
Nang mabanggit ang pamangkin ay wala ng nagawa si Jasmine. She miss the kids. Kaya naman noon din ay nagdesisyon syang umuwi na nga lang muna. Maybe two or three days is good enough. Para lang tigilan na siya ng mga kapatid. Pagbibigyan na lang niya ito.
Muli niyang hinarap ang trabaho at pinili na magfocus. Good thing, she was able to do her job. Gusto pa nga sana nya magovertime. Siguradong kapag nilunod niya uli ang sarili niya sa trabaho, kahit paano ay maooccupy ang utak niya. It worked with her before at siguradong effective din iyon kung gagawin niya ngayon. Pero nang maalalang susunduin siya ng kuya nya ay nawala na sa utak niya ang pagstay ng ilang oras pa sa trabaho. Siguradong lagot na naman siya doon kapag pinaghintay niya ito ng matagal. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa siyang sunduin. She has her own car at pwede naman siyang magdrive mag-isa papunta sa Antipolo.
When the clock strikes five, she grabbed her things and went home. Ilang minuto pa lang siya na nakakapasok sa bahay ay dumating naman ang kuya niya. Surprisingly, binigyan siya nito ng oras na mag-ayos ng gamit na dadalhin at hindi siya nginarag which he always do.
"Let's grab something to eat. Saan mo gusto?" Tanong ni Kuya Samuel na ikinalingon niya. They were driving along Edsa.
"Kahit saan na lang. Basta libre mo." Doon lang naalala ng dalaga na almusal pa ang huling kain niya sa araw na iyon. Kim asked her to have lunch with the team but she declined. Hindi siya nakaramdam ng gutom.
"Kapag ako ang pumili, Thai restaurant ang bagsak natin. Baka sakalin mo pa ako." Napangiti si Jasmine sa sinabi ng kapatid. She hates Thai food, marami kasing nakalagay na kung ano anong herbs sa pagkain ng thai. And she finds it hassle to eat dahil kailangan nya pang himayin ang mga iyon bago pa siya makakain.
![](https://img.wattpad.com/cover/27546564-288-k69461.jpg)
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomanceJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...