Author's Note:
Namiss ko mag-AN. Haha! Anyway, maraming salamat sa patuloy na nagbabasa at naghihintay sa mabagal na update. Nawala ang momentum ko sa pagsusulat kaya hindi ako maka-move sa next step ng updates. Sorry, guys. Alam ko naman na naiintidihan nyo ako. I got a lot of projects. PHR Novel is one of these at sana ipagdasal nyo na maging successful. Haha. Anyways, me and few of my co-authors are organizing a certain plan called 'Reaching Out Project'. It's like reaching out to less fortunate children and giving them help in any way we can. We are still working on it. Pero for those whose interested to join in this project, please add me on facebook, Cassandra Grace LIB, and we'll pm you the complete details. Let's work things out together.
Thank you, sweeties!
****
Chapter 4
"Noong isang araw, flowers. Ngayon naman chocolates. Aba, baka ang susunod nyan, kasalan na." Komento ni Helga.
"Kasalan agad? Pwedeng mag-jowa muna?" Banat naman ni Kim.
Pero hindi ito pinansin ni Jasmine. Bagkus ay tinapunan nya ng tingin ang apat na box ng chocolates na nasa table nya. May maliit ulit na sobre doon kung saan nakalagay ang note. Pero kahit hindi nya basahin, alam na agad ng dalaga kung kanino nanggaling ang mga chocolate na iyon. At balak pa yata syang patayin ng binata dahil sa mga ibinigay nito.
"Kanino galing?"maang na tanong ni Kim sa kanya.
"Nagtanong ka pa talaga?" amused na sagot ni Jasmine sa kaibigan saka naupo sa swivel chair. As if naman na hindi nito alam.
"Alam ba ni Mamang Pogi na bawal ka sa chocolates dahil mati-trigger ang tonsilitis mo?"
Gusto nyang matawa. Halos alam na nang binata ang mga bagay tungkol sa kanya, pero hindi nito nalaman na bawal sya sa chocolates at sa kung ano mang matamis.
"Mukhang hindi nya alam..." tipid na sagot nya.
"E di ibig sabihin, ibibigay mo ulit yan sa amin?" excited na tanong ni Helga.
"Akala ko ba 'you dont accept recycled gifts'?" ginaya nya pa ang linya ng kaibigan.
"Maliban sa ganitong sitwasyon. Hindi mo naman talaga inayawan yan. Bawal lang talaga sayo kaya mo ibibigay sa amin." Natawa si Jasmine sa narinig.
"Galing mo talaga magdahilan." sabi ni Kim.
"May point naman diba, bakla? Aminin mo!" pakli ni Helga na ikinatawa ng ibang officemates nila.
"Ewan ko sa inyo. O ayan..." inabot nya sa kaibigan ang chocolates. "Bahala na kayo dyan. Magta-trabaho na ako."
"Naku, baka magalit si Mamang Pogi kapag nalaman nya na ipinapamigay mo lang ang gifts nya sayo. Ano na lang ang sasabihin noon?" sabi ni Kim.
"Wala syang sasabihin. Ibinigay nya na sakin ang mga yan. Choice ko na kung anong balak kong gawin sa kanila." sagot nya. "At saka concern ka ba talaga? Gusto mo bawiin ko yan?"
Agad na inilayo ni Kim ang chocolates sa kanya. "Nagtatanong lang, masama ba?"
Natawa si Jasmine.
"Jowa mo na yun?" si Helga naman ang nagtanong. Bagaman nakaupo na sa pwesto nito sa tapat nya ay nakikinig pa rin pala.
"Hindi no?" mabilis nyang sagot.
"E ano? The usual 'friends lang kami'? Ganun?", react naman ni Kim.
"Hindi rin. We're not even friends."
"E ano pala?"
Dahil doon ay napaisip din ang dalaga... Ano nga ba ang estado nila?

BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomansaJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...