Chapter 9

3K 89 0
                                        

Chapter 9


Lunch?

Napangiti si Jasmine nang mabasa ang text message ni Jake. Hindi na sya nagdalawang isip pa at agad na sinagot ang tanong ng binata.

Sure.

Great. I'll be waiting at the lobby at 12noon. See you, gorgeous.

Hindi mawala ang ngiti ng dalaga habang paulit-ulit na binabasa ang sagot ni Jake. Mabilis syang nagtype at pinindot ang 'Send'.

See you, handsome.

Handsome? Saan nanggaling yun? Did she just send that?

Pero bahala na. Ang mahalaga ay masaya sya dahil magkikita na ulit sila ng binata. Halos isang linggo nya itong hindi nakita dahil may inasikasong project. Pero hindi naman ito pumalya sa text at tawag. Minsan pa nga ay facetime pero madalas hindi nya sinasagot dahil ayaw nyang makita nito ang kilig nya. Baka isipin nito, masyado na syang nagfi-feeling. As much as possible, she doesn't want to assume. Lalo na at wala naman silang napag-uusapan pa.

11:30 pa lang ay tumayo na si Jasmine at dumiretso sa rest room. Mula sa bag ay kinuha nya ang pouch at nagretouch. She also made sure na maayos ang buhok nya at hindi rin gusot ang suot nyang damit. Bigla ay natigilan ang dalaga. Why is she suddenly being conscious? It was Jake. They're friends; and she was going on a lunch, not a date.

Five minutes before twelve noon, she went back to her desk. Nilapitan agad sya ni Helga.

"Sasabay ka ba samin maglunch? Parang bet ko magburger."

She smiled as she shook her head. "Pass muna. Nagyayaya si Jake maglunch eh."

Helga's lips formed an 'O' kasabay ng nakakalokong ngisi.

"Kaya naman pala masyadong maganda. May date!" malakas na sabi ng kaibigan nya na kulang na lang ay kurutin nya sa singit.

"Lunch. Hindi date, magkaiba yun."

"Sus, ganun din naman yun. Ang dami mo pang palusot. E saan ba kayo kakain?"

Nilingon nya ito. "Wala syang sinabi. So hindi kayo pwedeng sumunod."

Natawa na lang si Helga. "Hindi daw date pero ayaw mo kaming pasunurin. Gusto mo lang masolo si pogi e."

"Ako lang inaya eh." Pang-aasar nya dito. "Sige na. Baka naghihintay na yun sa baba."

Sumigaw pa ito ng 'enjoy' pero hindi na nya nilingon ang kaibigan.

Past twelve na nakababa ang dalaga sa lobby. Agad nyang natanawan si Jake na matiyagang naghihintay sa kanya habang nakaupo sa isa sa mga couch. Napansin nya rin ang pasimpleng sulyap sa binata ng mga kababaihang naroon. She can't help but show a proud smile. Gwapo naman talaga ang binata. Pati nga sya ay hindi mapigilang hindi mapatitig dito.

Naglakad sya papalapit kay Jake. Napaangat ito ng tingin mula sa hawak na cellphone ng maramdaman ang paglapit niya. A smile automatically drawn on his lips.

"Hi. Sorry, I made you wait." hinging-paumanhin ng dalaga. "Kanina ka pa?"

"No problem. I just arrived." sagot nito habang diretsong nakatitig sa mga mata nya. Agad syang nagbaba ng tingin dahil hindi nya matagalan ang titig nito. Maya-maya ay lumapit ang mukha ng binata sa kanya. Pigil hininga na napapikit ang dalaga sa pag-aakalang hahalikan sya nito. May ibubulong lang pala. "You look lovely."

Namula yata ang buong mukha ni Jasmine dahil sa narinig. Kapagkuwa'y tinaasan nya ito ng kilay para itago ang pamumula.

"Lovely? In jeans and blouse?" natatawang tanong niya dito.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon