Chapter 11
Makalipas ang ilang oras nang pakikipagtitigan sa telepono, sa wakas ay napagdesisyunan rin ni Jasmine na tawagan si Jake. Dinampot nya ang cellphone at dinayal ang number ng binata. Ilang ring din ang nakalipas bago ito sumagot. Nahiya naman bigla ang dalaga dahil baka busy din ito.
"Hey, Jas..." narinig nya sa kabilang linya ang gwapong boses nito.
"Hi." Paano nya ba itatanong sa binata iyon? Baka iturn down lang sya nito. Pero bahala na nga. "Pasensya na sa istorbo ha? I know busy ka yet I'm still calling you at this hour." She knew for a fact na alas dose na rin iyon ng madaling araw.
"No worries, Jas. Alam mo naman na pwede kang tumawag anytime." Napangiti sya sa narinig.
"Yeah. Anyway, uhm... Will you be free on Sunday?" tuloy tuloy na tanong nya. Tumanggi man ito, at least she tried.
"I was planning to visit the site in Laguna."
"Ahh... O sige, next time---"
"Saan tayo pupunta?" she heard a hint of excitement in his voice.
"Binyag kasi ng pamangkin ko, yung nasa Antipolo. Naisip ko lang na ayain ka. Pero okay---"
"I'll go." Putol na naman nito sa sasabihin nya.
"Pero may lakad ka. Mas importante yun."
"Mas importante ka. And when it comes to you, I'll always find time."
Did he just say that? Hindi na tuloy mawala-wala ang ngiti ni Jasmine. Talagang kinilig na naman sya.
"Sure ka okay lang ha?" tanong nya.
"Of course. O sige ganito na lang. I'll go with you in Antipolo and in return, samahan mo rin ako sa Laguna to check the site. Deal?"
"Deal!"
*****
Sunod-sunod na busina sa labas ang narinig ng dalaga. Bahagya syang sumilip sa bintana at agad na nataranta ng makitang dumating na si Jake.
"Wait lang!"
Tinakbo nya ang cellphone na naiwan nyang nakapatong sa lababo saka nya hinablot ang sandals na nasa hagdan at mabilis na isinuot. Muling humarap sa full-length na salamin ang dalaga at tiningnan ang sarili. Somehow, nasatisfy naman sya sa hitsura nya kaya dinampot na nya ang bag kasama ang susi ng bahay at saka lumabas na.
"Good morning!" bati nya kay Jake na agad lumapit sa kanya para kunin ang dala nyang bag.
"Good morning. Give me your bag."
"Ha? Oyy ano ka ba? Ako na. Kaya ko na to." Pero mukhang walang balak magpatalo ang binata.
"Then give me your keys. Ako na lang ang magla-lock ng bahay." Doon ay hindi na sya nakatanggi. Iniabot nya dito ang susi at hinayaan na ang binata sa gustong gawin.
"Let's go."
Ipinagbukas pa sya nito ng sasakyan at maya-maya lang ay nasa byahe na sila. Natawa pa sya ng makitang may paper bag pa ng isang kilalang fast food chain na nakapatong sa dashboard.
"Pasensya na. I woke up late at hindi na ako nakapagbreakfast sa bahay." Sabi ng binata habang nagmamaneho.
"Ano ka ba? Okay lang naman na ma-late ka." Sagot ng dalaga. Six in the morning kasi ang usapan nilang dalawa na susunduin sya nito sa bahay. Mahirap na dahil baka matamaan sila ng traffic sa EDSA at hindi sila umabot sa binyag na magsisimula bandang alas diyes ng umaga.
"It's never okay to be late."
"Edi sana nagtext ka na lang para sa bahay ka na lang kumain." Kinuha nya ang paper bag para inspeksyunin ang laman. Merong burger at large fries kasama ng isang bottled water na ni isa ay hindi pa nagagalaw. Inalabas nya ang mga iyon sa paper bag at binuksan ang burger saka nya itinapat kay Jake.

BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomanceJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...