Chapter 3

4.1K 122 8
                                    

Chapter 3

Inis na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama si Jasmine isang umaga. It was Saturday and all she wanted to do is rest. Pero sa ginagawa ng kapitbahay nya ngayon, imposible na ang inaasam nyang pahinga. Pwede naman kasi mag-videoke na hindi masyadong malakas, iyong tipong matutulig ang buong barangay.

"Mabuti sana kung maganda ang boses." Reklamo nya.

Tumayo na lang si Jasmine at dumiretso sa banyo. Hindi na rin naman sya makakatulog kahit pilitin nya pa.

Mula nang magkaroon ng kanya-kanyang pamilya ang mga kapatid ni Jasmine ay nagsimula na rin syang bumukod. They own a huge house in Antipolo, and she used to live there when her parents were still alive. Pero nang mawala ang magulang ay ipinamana ng mga ito ang malaking bahay sa panganay na kapatid nila. Doon na rin ito bumuo ng pamilya. And if only it was her kuya's choice, malamang na doon pa rin sya nakatira ngayon. Hanggat maaari ay ayaw syang pakawalan ng kapatid nya. But she's too old to live with her brother's family. Besides, may matino naman syang trabaho at magandang sweldo para mabuhay mag-isa. Paminsan-minsan ay dumadalaw sya sa mga kapatid nya to bond with them.

Sa ngayon ay nakatira sya sa isang townhouse sa isang subdivision sa Makati. She bought that house seven years ago. It was a three-bedroom townhouse with a spacious garage and a nice garden. A perfect place for her.

Paglabas nya mula sa bathroom ay saka nya lang nasulyapan ang wall clock sa kwarto nya. It was 8am. Maagang nambulabog ang kapitbahay nila.

She walked to her closet and picked up her favorite worn-out shorts and an oversized shirt. She put her hair into a messy bun saka sya lumabas ng kwarto at dumiretso sa kusina para magluto ng breakfast. She was in the middle of cooking when she someone pressed the doorbell.

Hindi na bago sa kanya iyon. Malamang ay iyon na naman ang kapitbahay nya na mahilig humingi sa kanya ng asukal. Noong unang kumatok ito at humingi ng asukal sa kanya ay nawirduhan sya. Napagkamalan pa nga nya itong bangag. Umaga din kasi iyon at may dala pa itong tasa ng mainit na kape. Isa pa, hindi naman kasi sobrang mahal ang asukal para hindi nito kayaning bumili. But as the time pass by, nasanay na sya dito. At ngayon nga, she even bought a kilo of sugar to give it to her neighbor.

Bahagyang hininaan nya muna ang apoy sa stove at saka binuksan ang hanging cabinet para kunin ang supot ng asukal saka sya naglakad papunta sa pinto para buksan iyon.

But shock was an understatement when she finally opened the door. Halos mabitiwan pa nya ang hawak na asukal at nakatitig lamang sa taong napagbuksan ng pinto. Hindi ito ang kapitbahay nya na kundi ang lalaking pinakahuling inaasahan nyang makita. Why, this man just gave her sleepless nights!

Ilang segundo pa ang lumipas bago sya natauhan.

"Good morning!" Masiglang bati ni Jake.

"What... are you doing here?" Hindi naman sya dating bulol. Pero kapag kaharap nya ito, parang nagbubuhol ang dila nya.

"Well... I wanted to see you. So, I invite myself here." Napataas ang kilay nya sa sagot nito.

"Makapal rin pala ang mukha mo, no?" Diretsong sabi nya na ikinatawa lang nito ng mahina.

"Occasionally..." he answered with a chuckle. Akala yata ay nagbibiro sya. "Can I come in?" Muling napataas ang kilay ni Jasmine. Wala talagang kahihiyan ang lalaking ito!

"Aalis ka ba kung ipagtatabuyan kita?"

"No." Maikling sagot ng binata.

She took a deep breath and opened the door wider. Hindi na nya kailangan magsalita dahil pumasok na ito sa loob at at home na naupo sa couch nya.

"You got a nice place."

Medyo nasiyahan naman sya sa sinabi ng bisita. Pero agad syang nataranta ng maalala ang niluluto.

"Stay here..." Sabi nya lang at tumakbo papunta sa kusina.

Abala sya sa harap ng kalan nang marinig ang boses ni Jake mula sa likuran. Likas sa kanya ang pagiging magugulatin kaya halos mapatalon sya sa gulat. Mabuti na lang at napigilan nya magmura.

"And you cook, too." Amazed na sabi nito.

Bahagya nya lang itong nilingon. "Yes."

"Your ex-boyfriend doesn't know how precious you are to let you go just like that." Natigilan si Jasmine sa sinabi ng binata. Nag-init bigla ang ulo nya at hinarap ito.

"Really, why are you here?" Inis na tanong nya dito.

Gusto nya itong ipagtabuyan palabas ng bahay nya. Qala itong karapatang pag-usapan ang mga bagay na tungkol sa kanya dahil hindi naman sila lubos na magkakilala.

"I came here to see you."

"Dont be a bullshit, Mr. Alegre. We're not friends. At hindi ko alam kung paano mo nalaman kung saan ako nakatira. Malay ko ba kung pinaimbestigahan mo na pala ako."

"Why would I do such thing, love? If in the first place, in a snap and I'll know things about you. You may not be an open book, but you are easy to read..." Naguluhan ang dalaga sa sinabi nito.

"W-why?"

"Why what?"

"Why do you want to know everything about me?"

"WHY DO YOU want to know everything about me?" Napangiti ang binata.

"Because you are interesting..."

Tinitigang mabuti ni Jake ang dalaga. She has one of the sweetest faces he'd ever laid his eyes on. Heart-shaped face, small pointed nose, small lips and almond-shaped eyes. She has a fair skin. Based on his calculations, she stands five feet and five inches. She's slim with curves from the proper places and beautiful legs that went forever.

She's wearing a worn-out short that shows her beautiful legs and an oversized shirt. But how come this woman can easily turn him on? Hindi ito nakasuot ng skimpy clothes. At sa ganitong pananamit ba talaga sya tumatanggap ng bisita?

Pinukaw nito ang interes nya. Hindi na sya makatulog ng matino dahil dito. He was always thinking about her. Naiisip nya ang mga bagay na hindi nya naiisip gawin dati dahil sa babaeng ito. Unang pagkikita pa lang nila sa may hallway sa elevator area ng building, he was already taken by her. Lalo na noong hindi sya nito pinansin. Wala pang babae ang gumawa noon sa kanya. All his life, women would do everything para lang mapansin ng binata.

Marahan siyang lumapit kay Jasmine. Natigilan na naman ito at hindi nakakilos, nananatiling nakatitig lamang sa kanya.

He leaned softly to her.

She smells like lavender and lemon. And God, he couldn't resist it.

He leaned closer hanggang sa marahang magdikit ang kanilang braso. He heard Jasmine gasped from their closeness. Hanggang sa marinig na nilang pareho ang mahinang 'click' mula sa in-off nyang stove sa likuran nito. Napatingin ito sa kanya.

"I have a proposal to make, love... We have a chemistry and I know you can feel it. Why don't we give it a try? I can help you move on and make you realize that we're really meant for each other." Natahimik ito. Mukhang nagulat sa sinabi nya. "You don't have to do anything. Ako ang bahalang kumilos. You'll just sit there and wait. And I'll make sure you're going to love me at the end of this."

"You're insane, Mr. Alegre. Hindi magandang laro ang naiisip mo. And if you thought I'm---"

"From now on, you should start calling me Jake or love if you want to. I like it better." He smiled. "And you don't have to answer now. I am giving you two days. That would be enough to make up your mind."

Napailing si Jasmine. "You are impossible, Mr. Alegre."

"It's Jake, love." Lumayo na sya ng bahagya dito. "I'll go now, see you in two days."

Sumaludo pa sya sa dalaga bago tuluyang makalabas. Napangiti pa sya nang nasa sasakyan na sya palabas ng subdivision ni Jasmine. He couldn't wait to see her again.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon