Chapter 6

3.8K 81 3
                                        

Chapter 6

"Is there something you want to share?" Napalingon si Jasmine kay Kim. Nakangiti pa rin sya dahil kakabasa lang nya ng text message sa kanya ni Jake.

"Hmn? Wala naman." Pasimpleng sagot nya saka niya hinarap ang computer para ituloy ang trabaho.

"How about the reason of that smile?"

"Ano ka ba? Bawal na ba ngumiti ngayon? Lahat na lang nang napapansin mo, nabibigyan mo ng meaning." Nakangiti pa ring sabi nya.

"Dahil kapansin-pansin naman talaga. Tingnan mo ngayon, you look insane. Bigla ka na lang dyan ngingiti. Mukhang may progress na sa lovelife nyo ni Jake ah." Napailing na lang si Jasmine sa sinabi ng kaibigan.

"You know what, you're overthinking things lately. Magtrabaho na nga lang tayo..."

Hindi na rin nangulit ito pero binigyan sya ng kakaibang ngiti. Mabuti na lang at naka-leave si Helga ngayon. Dahil kung hindi, baka maghapon syang nasa hot seat. For sure, hindi sya tatantanan ng mga kaibigan nya.

It's been a few days mula nang encounter niya sa ex-boyfriend na si Bryan. Hindi sana sya papayag sa proposal ni Jake na tulungan siya nitong umarte sa harap ng mga tao. But the moment she saw Bryan with that girl, she felt helpless. At si Jake lang ang naroon para hingian nya ng tulong.

Naalala nya pa ang nangyari noon matapos ang insidente sa coffee shop. Inihatid sya nito sa bahay nya dahil hindi ito pumayag na magdrive pa sya.

"Thanks for the help, Jake. I really appreciate it. I can't imagine myself facing him alone." Sincere na sabi nya habang nakapark sa harap ng bahay ang kotse ng binata. Hindi pa sya agad bumaba.

"It's not really a big deal, love." He gave her a sweet smile. "I hope I impressed you with my acting skills." Dahil doon ay marahan syang natawa.

"I do. I really do. Pero dapat hindi mo na lang sinakyan yung sinabi ng waiter na m-mag-asawa tayo. It could have gone worst." Pero sa halip na pagkabahala ang makita nya sa mukha nito ay nakangiti pa ang binata. Parang aliw na aliw sa nangyayari.

"Isn't it exciting? It's like hitting two birds in one stone dahil sa nalaman nya. That's what he gets for being a jerk." Pero napailing lang sya sa sinabi nito.

"That's a great help and I had a long day. Thanks again and for driving me home."

"You're welcome. See you!"

"And I guess you're spacing out because of him..." napabalik sa kasalukuyan ang utak ni Jasmine ng marinig ang boses ni Kim.

"I'm not... May iba lang akong iniisip." Pagdadahilan nya.

"At marunong ka na rin magdahilan ngayon." Dagdag pa nito. "Okay lang naman umamin, girl. We're not teens anymore para sa mga ganyan. At isa pa, we're friends diba? So anong reason ng acting mo na yan?" Natatawang sabi nito.

Dumating ang lunch at naisipan nilang kumain sa paborito nilang resto. Malapit lang iyon sa opisina nila.

"So, kayo na?" Napatigil si Jasmine sa pagsubo ng pasta at napatingin sa kaharap.

"Hindi nga. Diba nga, sinabi ko na sayong imposibleng maging kami." Ulit nya dito at saka itinuloy ang pagkain. They've been talking about Jake for almost an hour already at mukhang mas kinikilig pa ang bruha kesa sa kanya.

"Well, I think you don't know much about guys yet." She rolled her eyes.

"And you think you do?"

"Mas advanced naman ang mga alam ko compared sayo. For several years you've been too loyal with that ex-boyfriend of yours and you forgot to look at the other guys." Jasmine looked at her friend with disbelief. Pagtataksil ba ang ibig nitong sabihin?

"Well, of course! I have a boyfriend, remember? Alangan naman na maghanap pa ako ng iba."

"It's not 'paghahanap', dear. It's about admiring them. According to my boyfriend, Romeo, it's fine with them if girls look at the other guys. Like admiring them because they are good looking, for example. But of course, just plain admiration. Your heart should always belong to somebody." Napailing sya sa sinabi nito. "For sure, you're not aware of it dahil kay Bryan lang nakatutok ang mga mata mo."

Napaangat ang tingin nya sa pagbanggit nito sa pangalan ni Bryan.

"I'm not saying sorry for saying his name." Inunahan na sya nito bago pa man sya makapagsalita. "So, going back to the topic, guys have their own ways to get the girl's attention. And Jake has it and he's willing to give it to you. He offered something he thought you really need during this time. Affection."

"Because he wanted to help---"

"A stranger..." putol ni Kim sa sasabihin nya. "Sinong matinong lalaki ang lalapit sa babaeng never niyang nakilala at mag-ooffer na tumulong para makamove on ka? Insane, right?" Natigilan sya at napaisip sandali. She's thinking the same thing in the past few days. Hindi naman sya ganun kafrustrated para hindi maisip ang mga ganung bagay.

"What is your point exactly?" She grabbed a glass of water and took a sip.

"That he likes you..." Muntik na nyang maibuga ang tubig na nasa bibig nya dahil sa narinig.

"That's completely insane! I told you, that's impossible to happen..."

But she can't deny the fact that Jake is not hard to fall in love to. He's a great company. Hindi na rin sya magtataka na baka isang araw ay mahulog sya dito. Pero kung ang binata ang mai-inlove sa kanya, iyon ang imposible.

Nang mag-uwian ay nagkaroon ng importanteng lakad si Kim. Dapat kasi ay sabay silang uuwi pero on the latter part of the day, nagtext ang boyfriend nito at susunduin daw ang kaibigan para sa isang importanteng event. Kaya mag-isa lang syang uuwi nang araw na iyon.

Nang bumukas ang elevator sa 2nd floor ay inaasahan nyang naroon si Jake. Nasanay na sya sa presensya nito na palagi na lang sumusulpot doon kapag uuwi na sya. Pero nang araw na iyon ay walang Jake Alegre na nagpakita. Bigla ay nalungkot sya. Pero dapat ay hindi sya nakakaramdam ng ganoon sa binata. Wala syang karapatan dito.

She got inside her car and drove home.

Usually, around sa 7pm ay nakauwi na si Jasmine. Pero dahil sa matinding Friday traffic, inabot sya ng halos alas otso bago makarating sa bahay. Nagulat pa ang dalaga nang makitang may kaunting liwanag na nanggagaling sa loob ng bahay nya. Agad na inalala ng dalaga kung naiwan nya bang bukas ang ilaw kanina bago sya pumasok sa opisina. Sigurado syang nakaoff ang lahat ng iyon. She never leaves her lights on before leaving the house. Kinakabahan man ay bumaba pa rin sya sa sasakyan. She grabbed her bag from the front seat and walked straight to her main door. Wala syang gate dahil tiwala naman sya sa security ng subdivision na tinitirhan. And for a couple of years, ni minsan ay hindi naman sya nawalan ng gamit.

She fished for her house keys inside her bag and carefully put it in. Biglang nanlamig ang buong katawan ni Jasmine nang malamang bukas iyon. Alam nyang nakalock iyon bago sya umalis. Never nya iniiwan na hindi nakakandado ang bahay nya.

Biglang tumaas ang adrenaline rush ng dalaga at ready na sya sumigaw nang buksan nya ang pinto. Pero hindi na sya nakapagsalita pa sa bumungad sa kanya...

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon