Chapter 15

3.1K 73 3
                                    

Chapter 15

It has been more than two weeks since Jake started staying in Laguna. And it was insane to admit that Jasmine missed his presence. But she has no choice. Kahit ilang beses nyang itanggi sa sarili na hindi nya namimiss ito, kinukulit naman siya ng utak niya dahilan para mapuyat siya gabi-gabi.

On the other hand, he became extra sweet since 'that' day. Although he was in Laguna, he never failed calling her. Minsan wala namang kwenta ang pinag uusapan nila pero tumatagal iyon ng mahigit isang oras. But no doubt that Jasmine was enjoying talking to him. Funny, pero hindi na yata makukumpleto ang araw niya nang hindi man lang naririnig ang boses ng binata.

"We've been waiting for you!" kakapasok pa lang ng dalaga sa entrance ng opisina ay sinalubong na agad siya ng kaibigang si Kim.

"Ha?" nagtatakang react nya sa kaibigan.

"Ikaw ha? Level up na talaga ang haba ng hair mo. Abot hanggang EDSA na." tudyo pa sa kanya ni Helga na bigla na lang sumulpot.

Confused of what's going on, she tried to ignore the two. Nag-uumpisa na naman ang mga ito sa pang-aalaska sa kanya. Nilagpasan na nya ang dalawa at dumiretso na sa cubicle nya. Only to stop herself from walking.

There was a big beautiful bouquet on her table. Dahil sa laki noon ay nasakop na ang kalahati ng mesa nya. Makulay na carnation, roses at baby's breath ang pinagsama-sama sa isang pumpon. Nang lingunin nya sina Kim at Helga ay mas lumapad pa ang ngiti ng mga ito.

"It's been waiting for you for an hour now." sabi pa ni Helga.

Hindi na napigilan ni Jasmine ang sarili. Napangiti na rin siya saka naglakad palapit pa sa cubicle nya. There was a note and it says:

Good morning to my most favorite person.

From your favorite guy,
J. Alegre

Ps. I just hope this won't end up with someone else's hand.

Nagtataka man kung paano nalaman ni Jake na hindi nya kinuha ang bulaklak noon ay hindi na lang siya nagreact. She was so happy to even question everything.

Uupo na sana ang dalaga nang magring naman ang cellphone nya.

"Hello..." Pinanlalakihan nya ng mata ang mga kaibigan na alam nyang nakikinig.

"Good morning. Did you receive it?"

Napangiti si Jasmine at napatingin sa bouquet. "Yes. They're beautiful. Thank you."

"You're welcome. Kumain ka na?"

Gustong matawa ng dalaga. Seriously? They're having that kind of conversation - the usual kumain-ka-na-anong-gawa-mo questions?

"I'm about to grab something to eat when you called. Kakarating ko lang sa office."

"You shouldn't skip breakfast. Alam mo bang breakfast ang pinakaimportante sa lahat ng meal?"

"I woke up late, hindi na ako nakapagluto. At saka, you don't have to worry about me. Malaki na ako, I can take care of myself." sagot niya dito.

"Tingnan mo 'to. You're making me worry tapos ikaw, wala lang sayo? Hindi ka man lang worried sa pwede mangyari sayo?" she giggled upon hearing his rant.

Wait.

Did she just do that?

"At pinagtatawanan mo pa ako." reklamo pa ng binata.

"Wag ka na nga kasi mag-alala." bahagya nyang hininaan ang boses dahil obvious na ang pakikinig ng mga kaofficemates niya sa sinasabi niya. Hindi na lang si Kim at Helga. "Eh ikaw ba? Nagbreakfast ka na?"

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon