Chapter 20

5.3K 120 5
                                        


Chapter 20

She woke up alone in the bed the next day. Napasulyap sya sa oras, it was eight in the morning. She should be preparing for work during that time. But, no. She's too lazy to get up. Besides, her body feels sore. Wala sa loob na napangiti siya. She wasn't sure how many times they did it last night. Pero wala siyang pinagsisihan. She gave herself willingly to him. She felt loved and adored. And he, the man she loves, made her a complete woman.

Siguradong hahanapin siya ng boss niya sa araw na iyon. Mag-iisip na lang siya ng magandang alibi.

Bumangon na siya at binalot ng kumot ang sarili saka tumuloy sa banyo. Sinipat niya ang sarili sa salamin. There were red marks in her neck and few on the upper part of her breasts. Bahagyang namula ang mukha niya at pilit na iwinaksi ang nasa isip. Tumuloy na lang siya sa pagliligo. Nang matapos ay saka niya lang naalala na wala siyang dala na extrang damit. Tanging ang suot niya lang kagabi ang damit na meron siya, na ngayon nga ay hindi niya na makita. Good thing, she always bring extra undies with her. Damit na lang talaga ang problema.

She wrapped herself in a towel and walked outside the bathroom. Maghahanap na lang siya ng damit sa closet. Baka may naitabing gamit doon si Jake. Luckily she found a shirt. It was too big for her, but it will do. Kesa naman maghapon niyang ibalot ang sarili sa kumot.

Umabot lang hanggang sa kalahati ng hita niya ang damit. Pero disente pa rin naman tingnan.

Nang matapos ayusin ang sarili ay bumaba na siya. Nasa hagdan pa lang ang dalaga ay naaamoy na niya ang nilulutong pagkain. She went straight to the kitchen. Naabutan niya doon ang binata na nakatalikod sa pintuan at busy sa pagluluto. She tiptoed and walked up to him. Niyakap niya ito mula sa likuran na labis na ikinagulat ng huli.

"Good morning." She greeted.

Nakangiting binitiwan ni Jake ang kawali at hinarap siya.

"Good morning, love." And without any other word, he kissed her quick. "Hungry?"
"Hindi pa naman. What are we having for breakfast?" sinilip niya ang niluluto nito. There were sausages and bacons. May sunny-side up na rin na naluto at nakalagay sa island.

"Baconsilog and tapsilog, we also have toasted bread and butter. Coffee?" alok nito sa kanya.

"I'll do it." Kumalas siya ng yakap dito at hinarap ang percolator. "Heavy breakfast, huh?"

"We need this. We hadn't eaten dinner last night. Yung isa kasi dyan..." Jake asked, looking at her with a mischievous smile on his lips.

"What? I didn't do anything." innocently she answered. Pero nararamdaman na niya ang unti-unting pag-akyat ng dugo sa mukha niya.

"You seduced me." pang-aasar nito sa kanya.

"Not my fault. You fell for it."

Natatawang lumapit sa kanya ang binata at niyakap siya. She felt him kissed her head.

"And I didn't regret anything. You made me the happiest man on the planet. That's the reason why I love you." sincerely he said. And that statement alone made her heart melt.

"I love you, too." Kumalas siya ng yakap dito at hinalikan sa labi ang binata. "Now go ahead and finish cooking. Baka masunog na ang niluluto mo."

"Oh. Right." Mabilis na binalikan nito ang kalan. "I'm almost done. Maupo ka muna dyan and watch your handsome boyfriend cook for you." Hinarap nito ang piniprito pero maya-maya lang ay lumingon ito uli sa kanya. "Can you imagine how romantic this is? I'm cooking breakfast for the two of us. Para na talaga tayong mag-asawa."

Natawa siya sa sinabi nito. She couldn't agree more. Surprisingly she's not against to the idea of getting married. Hindi dahil isa-isa nang ikinakasal ang mga kaibigan niya, pero dahil mahal niya talaga si Jake  and she's never been sure in her whole life, ngayon lang. It may be too soon for them to get married lalo na at kagabi lang sila naging official na couple, pero sigurado naman siyang walang tutol sa magiging desisyon niya. Her family loves Jake as well as her friends. Hindi pa niya nakikilala ang tatay ng binata pero sigurado siyang mabuting tao din ito. She smiled at the thought. What have she done to deserve him? This guy is too good for her yet he never gave up.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon