Just to let you guys, know. We're already at the peak. So we're lucky if we'll hit 25 chapters maximum for this. If not, I'll try to finish this at 20 tops; depending on the situation. Truce? Truce.
Chapter 14
It was Sunday morning when Jasmine woke up with the loud noise coming from her phone. Somebody's calling her. She saw Jake's name on the screen. Ilang araw na rin silang hindi nagkikita nito dahil nagsimula na ang project ng team ng binata sa Laguna.
"Good morning!" agad na bungad nito sa kanya pagkasagot nya pa lang ng telepono.
"'Morning..." she answered in a sleepy voice.
"Did you just wake up?" eksakto naman na napahikab siya nang magtanong ito. He must have heard that she heard him chuckled from the other line.
"I slept late last night. How are you?" tumagilid pa si Jasmine sa pagkakahiga at niyakap ng mahigpit ang malaking unan na nasa kama niya. Tuluyan nang nagising ang diwa niya pagkarinig pa lang niya sa boses ng binata. Kung ito ba naman ang gigising sa kanya tuwing umaga, siya na yata ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.
"I'm doing okay. I'm actually here in front of your door."
Nanlaki ang mga mata ni Jasmine sa narinig. Mabilis pa sa alas kwatro na tumayo sya sa kama at sumilip sa bintana. Naroon nga sa tapat ng bahay niya ang sasakyan ni Jake.
"Adik ka. Bakit hindi mo agad sinabi? Wait lang. Pababa na ako." Narinig niya pang natawa ang binata sa kabilang linya.
"Relax. I'm not going anywhere."
Mabilis lang na tiningnan nya ang suot na damit. Mabuti na lang at disente naman iyon kaya bumaba na siya at dumiretso sa pintuan. Naroon ang binata at gwapong-gwapo ito sa suot na polo shirt at khaki shorts.
"Good morning!" masayang bati nito.
"Good morning. Pasok ka." Hindi naman niya kailangan magdalawang salita dahil agad na naglakad na ang binata papasok. Isinara niya uli ang pinto at pasimpleng inayos ang magulong buhok.
"Bakit ka pala nandito? Diba nasa Laguna ka dapat?"
"I told you I would be visiting you often. And besides, I want to go to church today. Magpapasama sana ako kung okay lang." nakangiting sabi nito habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Ahh... O sige. Sandali lang. Maliligo lang ako." Naglakad na sya papunta sa hagdan pero napatigil din nang may naalalang sabihin. "Teka, kumain ka na ba? May food ako sa ref. Kaso leftover yun sa dinner kagabi, kung okay lang sayo. Initin mo na lang. May instant food din ako sa cabinet."
Ngumiti ang binata na halos ikatunaw ng puso niya. There's the smile that she really missed.
"Don't worry about me. Ako na bahala."
Tumakbo na siya pabalik sa kwarto pagkatapos magpasalamat. She took a quick shower at mabilis din na nagbihis. She chose a pale-yellow Sunday dress. She blow-dried her shoulder-length hair at hinayaan na lang iyon na nakalugay. Tanging powder at lipstick lang ang in-apply nya sa mukha. Nang makuntenyo, dinampot na ng dalaga ang sling bag at lumabas na ng kwarto.
Pagbaba nya ay may nakahanda nang pagkain sa mesa. Hindi sila umalis hangga't hindi kumakain si Jasmine. Kaya para umabot sila sa misa, mabilisan na lang na inubos ng dalaga ang pagkaing niluto ni Jake.
The mass has already started when they arrived. They chose the seat in the middle. Doon na lang kasi may bakanteng upuan na kasya ang dalawang tao. They silently listened to the homily. Maganda ang sermon ng pari. It was about forgiveness and acceptance. Nakarelate ng husto ang dalaga. Dahil doon ay mas lalong gumaan ang pakiramdam niya at natulungan din sya na magdesisyon sa mga bagay na kailangan nyang gawin.

BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomanceJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...