Chapter 17
It was an early Sunday morning when Jasmine received a text message from Bryan. Akala nya pa ay namamalikmata siya nang makita ang pangalan nito sa screen ng cell phone. Noon nya lang din narealize na hindi pa pala nya nabubura ang number nito sa phone niya. Curious, she opened the message. He wanted to see her. She didn’t think twice, pumayag siya agad. She was really thinking of seeing him. Nauna lang ito na magsabi sa kanya. Maybe it was the right time to talk to him and settle things out. They did have a proper break up. Pero punong-puno iyon ng galit. Gusto lang niya na magkausap silang dalawa ni Bryan, iyong maayos. Besides, they were once friends. Alam ng dalaga na hindi na maibabalik pa ang dating samahan nilang dalawa bilang magkaibigan kaya kahit maayos man lang ay okay na sa kanya.
May lakad talaga sila ni Jake nang araw na iyon pero nang magtext si Bryan ay sinabi niyang ireschedule na lang muna ang lakad nila. Nagdahilan na lamang siya na may importanteng aasikasuhin. She wanted to tell Jake about it. Pero naisip niya na hindi na rin mahalaga na malaman pa iyon ng binata. Sandali lang naman silang mag-uusap.
After choosing what to wear, she drove off to the mall where they decided to meet. Naroon na sa isang kilalang café si Bryan nang dumating ang dalaga. It was their favorite café. Masarap kasi ang kape doon at parang nasanay na rin ang dila nila sa timpla. Malapad ang ngiti nito nang makita siyang pumasok sa entrance. She smiled back and walked to him.
“Hi.” He greeted as he pulled a chair for her.
“Thank you.” She responded and smiled. Bumalik na rin ang binata sa upuan na nasa tapat niya ng tuluyan siyang makaupo.
“I was actually expecting you to say ‘no’. But I’m happy you’re here.” sabi nito.
“Makikipagkita naman talaga ako sa’yo. Nauna ka lang magsabi.”
Ngumiti si Bryan habang siya naman ay nag-iwas ng tingin ng mapansin ang matamang pagtitig sa kanya ng kaharap.
“Shall we order? What do you want?”
“Coffee na lang. Hindi rin naman ako magtatagal.” Sagot ng dalaga.
“The usual?” he was referring to the same coffee na palagi niyang inoorder sa tuwing kakain sila doon.
Tumango si Jasmine. Tumawag naman ang binata ng waiter at ibinigay ang order nila. Nang makaalis ang waiter ay tumitig na naman si Bryan sa kanya.
“Don’t look at me that way.” She said.
“Why? I used to look at you this way for two years.” Sagot ni Bryan.
“Iba na ang sitwasyon ngayon, Bry.”
“I know, Jas.” Napakamot sa batok ang binata at bahagyang natawa. Minutes later, dumating na ang order nila. Agad na itinuon ng dalaga ang atensyon sa kape. She already prepared herself for this. Pero ngayon ay nahihirapan siya kung saan magsisimula. Naging mabuting magkaibigan din kasi sila ni Bryan kaya kahit paano ay ayaw niya saktan ang binata.
“How are you?” ang binata na ang bumasag sa katahimikan.
Nag-angat siya ng tingin dito at saka sumagot. “I’m good. I feel better actually. Ikaw? Kumusta ka na?”
“I wanted to say ‘I’m good’. But no. I don’t feel fine, Jas. Mula noong naghiwalay tayo. Kung pwede lang na ibalik ang dati, ginawa ko na.” he said as he smiled bitterly.
“Ganun talaga, Bry. Wala naman kasing permanente sa mundo. Only change is constant.” She grabbed her a coffee and took a sip. “Yung… girlfriend mo, kumusta?”
“Greta?” he asked and she nodded afterwards. “Wala na yun. We broke up a month ago.”
“Oh? What happened?”

BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomanceJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...