Chapter 8
"Huy, okay ka lang ba? What's wrong with you?" Natatawang tanong ni Jasmine kay Kim. Kasalukuyan silang kumakain ng lunch sa isang Japanese restaurant.
"Yeah, kanina ka pa hindi mapakali dyan." Segunda ni Helga. "And you look... different today. Blooming ang lola mo!" Dumampot ito ng sushi gamit ang hawak na chopsticks at wala sa sariling inisawsaw sa wasabi saka isinubo. Huli na para pigilan ito ni Jasmine. Nailuwa naman agad ng kaibigan ang isinubong sushi. "Argh! Bakit hindi mo ako pinigilan!"
"Naisubo mo na eh." Natatawang sagot ni Jasmine habang inaabutan nya ng tissue ang kaibigan. "Oh, tubig." Agad naman na tinanggap ni Helga ang baso na inabot nya at mabilis na ininom. Gusto na nila ni Kim na matawa ng malakas dahil sa ginawa ni Helga. They both know how she hates wasabi. But that doesn't stop her from eating Japanese food.
"Whooo!" napabuga ng hangin si Helga sabay abot ng tissue at pinunasan ang naluluhang mata.
"Isa pa?" Natatawa pa rin na tanong ni Kim. Inirapan lang ito ni Helga.
"Wag mong ibahin ang usapan. Anong meron?" muling tanong nito kay Kim. Sashimi na lang ang pinagdiskitahan nito ngayon. Inilayo naman ni Jasmine ang wasabi dito dahil baka magkamali na naman ito ng sawsaw.
"Well... Last Friday, Romeo surprised me with a dinner date. Surprise kasi wala naman talaga kaming plano na kakain sa labas that day."
Napanguso si Jasmine. "Eh ano namang bago dun? Madalas ka naman isurprise ng dinner date ng jowa mo."
"Eh kasi nga..." Ibinitin nito ang kwento sabay angat ng kanang kamay at pasimpleng nangalumbaba. Sobrang lapad ng ngiti nito.
Napatitig naman dito si Jasmine at Helga. Parehong nakakunot noo habang naghihintay na ituloy ng kaibigan ang kwento. Kulang na lang ay hilahin nila ang dulo ng buhok nito dahil sa kakaibang arte nang araw na iyon.
Wala pa ring puknat ang malapad na ngiti ni Kim. It took seconds for the two girls to get it.
"Teka---may... nagpropose na sayo?" Si Jasmine ang unang nakabawi sa kabiglaan. Nanlalaki ang mata ng dalaga sa gulat at excitement.
"OMG! Engaged ka na din!" Helga exclaimed.
Sunod sunod na tango ang isinagot ni Kim sa kanilang dalawa. Masayang nagyakap ang tatlo. Ang ingay nila sa mesa. Mabuti na lang at nasa sulok sila at kakaunti na lang din ang tao doon dahil nagsibalik na sa opisina.
"Patingin nga," sinipat ni Jasmine ang singsing na suot ng kaibigan. Kuminang sa liwanag ang malaking bato. "Ang ganda ganda. Bagay na bagay sayo, bakla. Congratulations!" muli nyang niyakao ang kaibigan.
"Thank you, bakla!"
"Bakla ka! Dalawa na tayong engaged! Akalain mo may nagtyaga talaga sa kabaliwan natin." Masayang sabi naman ni Helga na ikinatawa nilang tatlo.
Kinuha ni Jasmine ang baso na nangangalahati sa iced tea at iniangat sa ere.
"To the soon-to-be-brides," sabi ng dalaga.
Napangiti ang dalawang kaibigan nya. Dinampot din ng mga ito ang kanya kanyang baso at itinaas sa ere.
"To the most beautiful bride's maid," sabi ni Kim.
"Cheers!"
Nagtoast sila at sabay na ininom ang iced tea saka nagkatawanan. Hindi nila tinigilan si Kim hangga't hindi nagkukwento sa nangyari. Fair enough dahil ganun din ang ginawa nila kay Helga noong ito naman ang na-engage. Natutuwa si Jasmine sa dalawang kaibigan dahil sa wakas bubuo na ang mga ito ng kanya kanyang pamilya. Alam nya kung ano ang pinagdaanan ng mga ito kaya masaya ang dalaga na mauuwi rin sa kasal ang kwento ng mga kaibigan.
"Ikaw, kumusta ka?" Helga asked.
"Ako?" turo ni Jasmine sa sarili na nagtataka. "Okay naman ako. Bakit?"
Helga just shrugged. Isinubo nito ang natitirang salad sa plato. "Natanong ko lang. Magkaaway kayo ni Jake? Hindi ka nya sinundo nung Friday diba?"
Umiling ang dalaga bilang sagot saka lumagok ng tubig. Mukhang sa kanya mapupunta ang topic ngayon dahil tapos na nila i-hot seat si Kim.
"Himala, umabsent sya. Consistent na tagasundo mo yun the few weeks ah." React ni Kim.
"Hindi sya pumunta sa office pero paguwi ko ng bahay, nandun sya sa loob." Sabay na napatingin ang dalawa sa kanya.
"Sa loob?" tumango sya sa tanong ni Kim.
"What was he doing there? Akyat bahay ba sya?" Tanong ni Helga.
"How did he get in?"
Natawa si Jasmine sa mga tanong. Ikinwento na lang nya ang nangyari sa dalawang kaibigan minus the kiss of course. They don't need to know that. Hindi makapaniwala ang mga ito sa ikinwento nya. Kahit naman talaga sino ang makakarinig sa nangyari, iisiping akyat bahay ang binata. Kung bakit ba kasi naman naisipan pa nitong sungkitin ang lock ng pintuan nya.
"Aba, at hindi rin pala nagpahuli ang isang yun, May pa-gimik din."
"Ano naman ang ginawa nyo bukod sa nagkwentuhan?"
Alam ni Jasmine ang tinutukoy ni Helga. Based sa nakakalokong ngiti nito, alam na nya ang tumatakbo sa isip ng kaibigan.
"Kumain kami, ano pa ba?"
"Ng...?" dugtong naman ni Kim.
"Syempre, pagkain!" natatawang sagot ng dalaga.
Napasimangot ang dalawang babae sa sagot nya.
"Hindi kayo nagsex?"
"Hoy, anong tingin nyo sakin? Cheap?" ni hindi nya nga ibinigay ang sarili sa ex nya na ilang taon nyang nakasama. Eh di lalo na ngayon. Hindi naman nya boyfriend ang malanding Jake na iyon.
"Nagtatanong lang, ito naman."
"Kahit kiss wala?" hirit pa ni Kim.
"Tigilan nyo na nga akong dalawa. Bumalik na tayo sa office, natambakan na tayo ng trabaho. Gusto kong umuwi ng maaga ngayon. Waiter!" sumenyas si Jasmine sa waiter para mag-bill out.
"Uy, napapadalas na ang pag-uwi nya ng maaga. Palibhasa, may sumusundo na ulit."
Napailing na lang ang dalaga sa pang aasar ng mga kaibigan. Hindi nya pa sinasabi sa mga kaibigan ang kakaibang setup nila ni Jake. Baka pagtawanan lang sya ng mga ito dahil pumayag sya. Ayaw nyang isipin ng mga ito na 'show' lang ang lahat ng meron sa kanila ng binata. And aside from her friends, she's also trying to convince herself that Jake was showing his true self. Hindi lang dahil may agreement sila.
Matapos mabayaran ang bill, bumalik na sila sa opisina. But in Jasmine's mind, scenes from last night flashed. Naroon na naman ang kakaibang kiliti sa tyan nya.

BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
RomanceJasmine came from a traumatic heartbreak. Naroong isumpa nya ang lahat ng lalaki sa mundong ibabaw. Sa mga oras na iyon, tahimik na nagmamasid lamang si Jake Alegre sa dalaga. At nang mapalingon ito sa kanya, halos bawiin na ni Jasmine ang lahat ng...