Chapter 2

4.7K 110 4
                                    

Chapter 2

"If anything happens to her, don't hesitate to call me. Oh my gosh!" Sinundan pa ni Kim ng pagtili ang sinabi. Walang humpay ang mga kaibigan nya sa pagkukwento tungkol sa lalaki na nakilala nila sa bar noong isang weekend. Nasundan pa ng maingay na asaran ang ginawang iyon ng kaibigan na ikinailing na lang ni Jasmine. Mula nang pumasok sya kaninang umaga ay hindi na tumigil ang mga ito sa pang-aasar dahil sa nangyari noong Friday night.

"Grabe! Ang gwapo talaga nya, girl!" Kinikilig din na sabi ni Helga. Mga haliparot! Makaasta ang mga ito, akala mo mga single.

She rolled her eyes. "Kelan ba naman nakalagpas sa paningin nyo ang gwapo?" Balik nya dito. "Saka masyado nyong binibigyan ng kulay ang ginawa ng lalaking yun. Malay natin, sya pala ang may-ari ng bar na iyon. Syempre, ayaw nyang madungisan ang reputasyon ng business nya dahil sa mga nangyayari sa customers nya."

"I beg to disagree. Ano yun, lahat ng lasing na customer ng bar nya, bibigyan nya ng calling card at sasabihin nyang, tawagan sya kapag may nangyaring hindi maganda? I doubt, girl." Madaming nag-agree sa sinabi ni Kim.

"Bakit kasi binibigyan mo ng benefit of the doubt ang knight-in-shining-armor mo? Naku, ikaw ha?" Pang-aasar pa ni Helga. Tiningnan nya ito ng masama.

"Ano?"

"Siguro bet mo sya," si Helga ang sumagot. "Sabagay, mukhang bet ka din naman nya. Base sa mga tingin, kung hindi kami dumating baka naiuwi ka na noon. Kakaiba yung titig nya sayo e. May something. Diba, Kim?" Napabuntong-hininga na lang ang dalaga. Pinagtutulungan na naman sya ng mga ito.

Hindi na nya pinansin ang sagot ni Kim dahil tumunog ang telepono nya sa station na mabilis naman nyang sinagot.

"Hi, this is Jasmine from SkyLine Travel and Tours. Good morning!" Masiglang bati nya sa tumawag.

"Good morning, Jas." Kilala nya ang boses ng babae. Isa sa mga receptionist iyon sa building nila. "May delivery dito para sayo. Paki-receive na lang." Napakunot noo sya.

"Para sa akin?" Napatingin si Kim at Helga sa kanya na hindi nya alam, kanina pa nakikiusyoso sa call nya. "Okay. I'll be there in a minute." Pagkatapos ay ibinaba na nya ang telepono.

"Ano daw yun?" Curious na tanong ni Kim.

"May delivery daw para sakin." Sabi nya at saka tumayo. "Bababain ko muna."

Tumayo na ang dalaga at naglakad palabas ng opisina papunta sa hallway kung saan naroon ang mga elevator. Napaisip sya kung sino ang magpapadeliver para sa kanya?

Isang magandang ngiti ang sinalubong sa kanya ng receptionist nang makita syang naglalakad galing sa elevator.

"Hi, Jas. Hindi na sana kita tatawagin. Kaso kailangan yung pirma mo." Itinuro nito sa kanya ang delivery guy na nakatayo sa may reception desk. Agad naman nitong ibinigay sa kanya ang papel at pinirmahan nya.

"Salamat. Anong ipinadeliver?" Maang na tanong nya.

"These..." Turo ng receptionist sa malaking bouquet ng ibat ibang bulaklak.

Napakunot ang noo nya. "Sure ka?"

Hindi nya mapaniwalaan na para sa kanya ang bulaklak. Una dahil wala naman syang boyfriend. Wala na. Pangalawa, kung si Bryan man ang nagpadala, hindi rin sya maniniwala. Wala itong hilig sa ganitong surprises.

"Ikaw lang naman ang Jasmine Grace Sullivan dito." Nakangiting sagot ng receptionist. "Mukhang may admirer ka na matindi ang tama sayo. You're lucky."

Kinuha na rin nya ang bulaklak kahit may doubt pa rin sya na para sa kanya ang mga iyon. Awkward na naglakad sya pabalik sa elevator dahil napapatingin ang mga tao sa kanya. Nakahinga lang ng maluwag ang dalaga nang wala syang makasabay sa loob noon. Nang magsara ang elevator, saka nya kinuha ang maliit na sobre na nakaipit sa bulaklak.

Perfectly ImperfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon