Kabanata 36.5: You Caught Me

17.8K 418 123
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl

Kabanata 36.5: You Caught Me

Writtenby: JoeyJMakathangIsip

**
Fear De Guzman
"Hell ang pangalan mo?" pasigaw kong tanong sa kanya habang hawak-hawak ang isang stick ng isaw. Nandito kami sa isang night market ngayon, sa may isawan. Nasa harap kami ng isang vendor na nagtitinda ng mga sari-saring streetfoods.

Dito n'ya ako dinala. Sabi n'ya libre raw kaya go naman ako kahit pa nagmukha akong kaladkarin.

"Oo, hemm fomfumado," sabi n'ya habang nginunguya ang kinakain n'yang isaw. Natawa naman ako sa sinabi n'yang iyon. Ang cuuuuute kasi e. Hahaha.

Siya si Hell Fortunado, isang 3rd year student ng Psychology department. Kaka-transfer palang niya nung isang araw sa Wilson University kaya hindi siya masyadong pamilyar sa paningin ko kanina nung nagkabungguan kami.

Isa rin siyang working student at part time job niya ang pagiging gasoline boy tuwing gabi. Muntikan pa nga akong hindi maniwala, mukha kasi siyang model ng brief e.

"Isa pa," sabi niya sa manong tapos kumuha siya ng isa pang isaw at isinaw-saw sa sukang may sili.

Matapos niyang gawin 'yon ay agad naman niya akong hinarap at agad na nagpatuloy sa pagsasalita, "E ikaw, sino ka?" medyo may kyuryusidad n'yang tanong, ngumuya naman ako ng isaw at kagaya ng ginawa niya ay nagsalita ako habang ngumungya nito, "Ferm De Gumzmam! Hihi!" sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang ay nagagaanan ako ng loob sa taong ito. Pareho kasi kami ng estado sa buhay. Hindi kami mayaman at wala sa dugo namin ay ang pagiging maarte.

Pareho kaming jeprox at batang kalye na laki sa hirap kaya eto, nagkakasundo kami ngayon, hindi katulad ni Heaven, mayaman siya mahirap ako. Oh ano? Revive na mamin ang Meteor Garden? Haay!

Hindi naman talaga 'yun ang issue e, wala namang kinalaman ang estado sa buhay sa nangyayari samin ngayon. Estado sa puso meron! Iniwan n'ya ako e! Tss. Pero nah! Bakit ko ba siya iniisip? May fafa akong bago ngayon oh!

Heart: Oo may fafa kang bago, pero si Heaven, siya pa rin nasa puso mo! Beehlat!

Aba! Lokong puso 'to? Nakikipagdebate sa akin! Tss.

"'Yung serysoso?" seryoso n'yang tugon habang simpleng nakangiti. Yay! Hahaha. Wala lang. Hihihi.

"Fear De Guzman," sabi ko sa kanya sabay abot ng kamay ko. Nang inilahad ko ang kamay ko sa kanya ay tinignan n'ya lang ako na tila nagdadalwang isip na hawakan ang kamay ko sa kadahilang may karumhian ang kamay n'ya dahil sa isaw. Lilinisan niya pa sana 'yung kamay niya ng panyo kaso hindi na niya nagawa nang abutin ko ang kamay n'ya at tahasang idinikit sa kamay ko.

"Nice to meet you," sabi ko sa kanya.

"Ahh, ako rin. Nice to meet you," sabi niya sabay bawi sa kamay niya at agad na tumigin sa malayo na tila nahiya bigla. Ang cute!

"Psst!" sabi ko sa kanya tapos napatingin naman siya. Ang cute talaga ng taong 'to. Huuy. Hahaha.

"Crush mo ko noh?" tanong ko sa kanya na naging dahilan upang mamula ang pisngi n'ya pati 'yung tenga n'yang may piercing.

Nagawa kong sabihin  'yun kasi alam ko namang malabong mangyari 'yun. Itong guwapong nilalang na'to magkaka-crush sa'kin? Tss. Malabo!!

"Ayeeee! Ikaw ah! Aminin mo na!" sabi ko kanya sabay tusok sa may tagiliran n'ya, napapakislot naman siya sa ginagawa ko kaya ang nagyayari e hinaharang niya  'yung kamay niya sa mga darili ko.

"Uys! Uys!" sabi niya habang umiiwas.

"Sabihin mo na kasi," tawang-tawang sabi habang sinusundot pa rin siya sa tagiliran niya.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon