Kabanata 19.0: Ang Matres

18K 607 183
                                    

When A Gay Fall Inlove With A Girl
Kabanata 19.0: Ang Matres
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

FEAR
Itinakip ko ang mga kamay ko sa mga mata ko at ibinuhos sa pamamagitan ng pag-iyak ang sama ng loob na nararamdaman ko. Nagi-guilty ako. Nakakainis! Ang sakit sakit sa pakiramdam, simpleng bagay hindi ko pa nagawa? Pa'no na lang 'yong mga taong maapektohan ng contract signing? Pa'no na lang?

Napahinto ako sa pag-iyak nang may biglang sumabog hindi kalayuan sa kinakupuan ko. Sa sobrang lakas ng pagsabog, akala ko may nagbabarilan sa fire exit. Nilingon ko kung saan iyong sumabog at sobrang nagulat ako nang makita kong umuusok 'yong karton ng sinturon ni Hudas na sinindihan ko at makalipas nga ang ilang sandali ay sumibol ang isang malapad na ngiti sa mukha ko nang makita kong nagpuputukan 'yong mga paputok na sinindihan ko.

Mabilis akong nagpunta malapit sa karto. Hinawakan ko iyong parteng hindi pa pumuputok at noong nasigurado ko ng hindi na mabibitawan iyon ng basta-basta ay agad akong tumakbo pabalik sa pintuan ng fire exit.

At nang makarating nga ako roon ay mabilisan kong binuksan ang pinto ng fire exit. Hinarap ang mga seryosong tao na nakatutok sa pagpipirmahan ni Mr. Zunaga at ng Daddy ni Heaven. Lumunok ako ng kaonting laway, inihanda ang sarili at maya-maya pa ay sumigaw na ako ng ng pagkalakas-lakas.

"MGA DEMONYOOO!"

Matapos kong isigaw ang lipon ng dalawang ng salitang iyon ay agad kong binato ang nagpuputukang sinturun ni Hudas sa lamesa kung saan nakalapat ang mga kontratang papel.

Sa pagbato ko ng mga nagpuputukang sinturon ni Hudas sa parteng iyon ay agad na nagsitakbuhan ang mga tao sa loob. Rinig na rinig ko ang mga maarteng pagsigaw ng mga tao sa loob. Tss, grabe! Kahit ba nasa kalagitnaan sila ng bingit ng kamatayan ay pinapairal pa rin nila ang pagiging sosyal nila? Tss! Ang OA ha?

Sa pagtakbo ng mga tao ay mayroong mga nadapa. Pero ang pinakamalalang nangyari ay mga natanggalan ng panty. Hindi ko alam ko pa'no nangyari iyon pero may nakita talaga akong panty na may Dora The Explorer na design. May mga bra rin na nalaglag. Pero ang mas malala e mayroong mga napkin na nagsisiliparan.

"Tara na!" 'Di ko pa nililingon ang may-ari ng boses na iyon ay agad na niyang hinila ang palapulsuhan ko.

Sa pagtakbo namin ay rinig na rinig ko pa rin ang pagputok ng mga sinturon ni Hudas sinindihan ko. At kahit sobrang hinihingal na ako sa sobrang bilis ng pagtakbo namin ay 'di ko naiwasang mapaiyak sa tuwa. Nagawa ko! Nagawa ko nga!

"Nakita ba ako ng Dad mo?" naiiyak na tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami. Ngayon, nasa 23rd floor na kami. Dumaan kami sa fire exit.

"Hindi, pero nakita ka ng mga bodyuards n'ya at..." Huminto siya sa pagsasalita.

"Ano?" tanong ko sa kanya habang hinahabol ang hininga ko dahil sa sobrang bilis ng pagtakbo namin.

"Hinahabol nila tayo." Sa sinabi nyang iyon ay napalingon ako sa may likod namin at nakita ko ang mga naghihingalong bodyguards ng Daddy n'ya na hinahabol kami. Sa nakita kong iyon ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo kasama si Heaven hanggang sa lumabas na kami ng fire exit at napadpad na kami sa 19th floor. Takbo kami ng takbo sa floor na iyon nakarating kami sa tapat ng isang elevator.

"Ba't ang tagal?" nangangatog at naiihi ko ng tanong kay Heaven. Sobrang tagal kasing magbukas ng pinto ng elavator! Napalingon ako sa likuran namin ni Heaven at nakita ko ang mga paparating na bodyguards ng Dad niya na sa tansiya ko ay 10 meters na lang ang layo.

"Bilis!" Hinila ulit ni Heaven ang palapulsuhan ko. Mabilis kaming nakapasok sa elavator kaso iyong pinto ay hindi pa rin nagsasara.

Kamuntikan na akong mapadasal na makita ko na iyong mga mukha ng body guards.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon