When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 35.0:Paglisan
Written by: JoeyJMakathangIsip**
Fear De Guzman
"Chansing!" Maarteng tugon niya nang yakapin ko siya kaya agad naman akong napabitaw at agad na ring pumasok at pinagsarhan s'ya ng pinto. Tss! Ang arte!Siya na nga 'tong hinintay ko, siya pa 'tong babarahin ako? Chansing? Chansing agad? 'Di ba pwedeng nanamantala lang muna? Waa! Anong sabi ko? Tss.
"Hoy! Choco Girl! Ano ba? Nagbibiro lang ako."
Tuluyan ko na sanang isasarado 'yung pinto kaso bigla siyang napasigaw.
A-aray!" Nag-panic naman ako kaya agad kong hinila ang pinto at agad na lumapit sa kanya, "Okay ka lang?" medyo natataranta kong tanong sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa sahig at nakayukyok 'yung mukha n'ya sa tuhod n'ya at tila tahimik na dumadaing sa sakit. Hindi naman siya umimik sa tanong ko kaya kinabahan ako lalo. Patay! Anong ginawa ko?
"Hoy! Heaven? Okay ka lang ba? Ikaw kasi ee! Tsk! Ano bang gusto mong gawin ko? Tatawag ba ako ng doktor? Ambulansya? Ano?"
"Hug me," he said. Ano raw?
Loading..
Loading..
Loading..
<*Engk!*>
<*No brain found.*>
"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. Hindi ko kasi gets ang sinabi n'ya kaya tinanong ko siya.
"Hug.. wait? Ilang beses ko ba dapat ulitin ang mga sinasabi ko sa'yo? Once is enough. Alam mo ba kung gaano kahirap sabihin ang bagay na 'yun? Inaabuso mo na ako," tugon n'ya na medyo ngumingiwi sa sakit. Namula naman ako bigla. Actually, dinig ko naman talaga. Kinukumpirma ko lang kung totoo. Ilusyunada pa naman ako kaya mahirap na.
"Teka, naipit lang 'yung tuhod mo ah? Ba't kailangan pang yakapin kita? Anong akala mo sa'kin? Bandage? Ikaw ah! Inaabuso mo na ako!" hindi makatinging tugon ko sa kanya. Spell, UKWARD? With the U! Tss. Napapout naman ako dun. Kainis talaga!
"Slowpoke," he said with an empty facial expression! Aba! Sinabihan ako ng slowspoke? 'Di n'ya ba alam na palagi akong winner sa quiz bee nung elementary ako? Napanguso ako bigla.
"Stop pouting! Para kang kuhol!" Umakyat naman bigla ang lahat ng dugo ko papunta sa hypothalamus ko dahil sa sinabi n'ya. Walang hiya! Sa lahat ng pwedeng i-kumpara sa akin, kuhol pa talaga ha?
"Kung mukha akong kuhol, ba't gusto mo akong yakapin?" tanong ko sa kanya sabay cross-arms na medyo napapangiti. Wahaha! Sapul!
Hinihintay ko naman siyang sumagot pero makalipas ang ilang sandali..
"Ugh! Ansakit! Ughh!" Nakita ko namang dumaing si Heaven habang hawak-hawak 'yung tuhod n'ya. Nakakaiyak. Ba't n'ya ba ako kinokensya?
"Ano pang hinihintay mo?" Heaven said na naka-extend ang mga braso sa ere na animoy naghihintay na yakapin ko siya. Nagdalawang isip akong yakapin siya pero sa bandang huli..
"Shet." Napangisi ako nang malawak nang mayakap ko siya. Ambangoooo! Amoy axe! Hehe. Teka? Nag-iba ata amoy nito ah?
Tatanungin ko sana siya kung anong nang-yari sa perfume n'yang strawberry scented nang biglang may ngumawa sa likuran namin, napalingon naman agad ako at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko si...
"Mamang?"
<*NGANGA!*>
* * *
Third Person
Ngumangawa ang Mamang ngayon ni Fear sa harap ng hapagkainan. Nakita n'ya kasing magkayakap ang anak n'ya at ang binatang si Heaven sa harap ng parlor nila.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...