FEAR
"I jumped," walang emosyong sabi ko kay Cheesy habang nakahalumbaba sa table ng upuan ko."You what?" gulat na tanong ni Cheesy.
"Bingi ka ba? Ang sabi ko, tumalon ako sa bintana ng bus!" Ngayon hinarap ko na talaga si Cheesy. Nakakainis 'din 'tong babaeng 'to minsan e. Kunwari, hindi n'ya naririnig 'yong sinabi ko tapos uulit-ulitin ko lang ang sinasabi ko na parang tanga.
"You what?" Dahil inulit na naman ni Cheesy ang tanong niya ay sinampal ko siya bigla.
"Ouch! You slapped me!" Nakangiwing tugon ni Cheesy habang hawak-hawak ang namamaga niyang pisngi.
"I.. what?" tanong ko sa kanya. This time, ako naman ang mang-iinis sa kanya.
"You slapped me!" she answered.
"I what?" tanong ko ulit.
"Bingi ka ba? Sabi ko, sinampal mo ako!" Tapos inirapan n'ya lang ako. Tss! 'Tong tomboy na'to! Ang iksi na nga ng buhok, antaray pa! May regla 'to for sure!
Bumalik naman ako sa dati kong posisyon nang hindi na ako pinansin ni Cheesy. Nakahalumbaba ako at palipat-lipat ang tingin sa apat na sulok ng classroom na ito. Hayy! Pakiramdam ko, mamimiss ko 'to na ewan. Pakiramdam ko, hindi ko 'to makikita ng matagal. Tss. Nagiging weirdo na yata ako.
"Why did I jumped?" Napatanong ako bigla sa sarili ko. Akala ko hindi ko na matatagpuan ang sagot sa katanungan ko pero buti na lang ay naalala ko ito bigla. Well, sino bang hindi makakalimot sa pangyayaring halos matroma na ako?
Last two days, kasama ko sa isang bus si .. ohh? Ba't ang hirap bigkasin ng pangalan n'ya? Tss! Kasama ko si Heaven. Magkatabi kami. Though Heaven was his name, sitting beside him feels like hell. Naiinis kaya ako sa kanya. Ang kitid-kitid ng utak pagdating sa sekswalidad. Tss!
I was with him in one seat, and I wasn't talking to him nor giving him a glance. Uhh! Okay, I will not lie. I often stare at him. And.. he often caught me staring at him. And... uhmm... that's really.. awkward.
Tae! Ba't ako nag-eenglish?
Oo, inaamin ko 'yon. Kahit anong gawin kong pag-iwas sa kanya e para bang automatic na gumagalaw 'yong leeg ko para harapin siya. At hindi ko alam kung bakit ganun. I hate him. No, mali. I hated him pala. Tapos na akong magalit sa kanya. He already aplogized and I guess that's enough. Hindi naman ako ganung klaseng tao e. Hindi ako 'yong tipo na nagtatanim ng galit. Oo, nagagalit ako pero nawawala rin naman. Mabalilis akong magpatawad.
Naiinis lang ako sa kanya kasi dikit siya ng dikit sa'kin. Alam n'ya bang parati akong napapahamak sa tuwing lumalapit siya? Na andaming babaeng pinupuntirya ako kasi naiinis sila kasi lapit siya ng lapit sa'kin?
At alam n'ya bang hindi ako mapakali 'pag magkasama kami? Na nagpapanic ako sa loob 'pag naririnig ko ang boses n'ya? Na namamaga ang ovary ko 'pag kinakausap n'ya ako? Na nagkaka-heart failure ako 'pag nahuhuli n'yang... tinititigan ko siya?
At alam niya bang siya ang wallpaper sa cellphone ko naging dahilan upang maibato ko ang cellphone ko sa bintana ng bus na siya ring naging dahilan upang tumalon ako sa mismong bus na 'yon?
Alam n'ya ba 'yon?
Sana hindi!
Oo tumalon ako.
Tumalon ako kasi gusto kong masalba 'yong cellphone ko na hindi ko nagawa kasi noong tumalon ako, direstso akong napunta sa isang garbage truck. Saktong naloblob kasi ang katawan ko sa may pampers at used napkins na portion ng garbage truck. Kaya, a'yon! Ansarap sa feeling!
At pangalawang dahilan kung ba't ako tumalon, e dahil sa gusto kong takasan ang hiya na naramdaman ko sa mga oras na 'yon! Nakita n'ya ang mukha n'ya na wallpaper ng cellphone ko! Ano na lang ang mukhang ihaharap ko sa kanya ngayon? Ano na lang? Buti na lang absent siya kahapon at pati ngayon. Hindi pa ako ready na makita siya.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomantizmHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...