Madilim. Malamig. Ang mga katangi-tanging salita na maisasalarawan sa kuwarto kung saan humahagulhol na nakagapos sa si Angelie Chavez---ang ina ni Heaven Chavez. Gusto n'yang kumawala sa silid na ito pero hindi n'ya magawa. Ikinulong siya ni Edison. Ikinulong siya.
Naghihinagpis na napatayo mula sa pagkakahiga sa malamig at maduming semyento ang ginang nang biglang nagbukas ang pinto. Unang bumungad sa kanya ang takot na mga mata ang isang itim na pigura ng isang matangkad na lalake. Nang biglang nagbukas ang kulay kahel at mapusyaw na ilaw ng silid ay agad siyang napaatras na tila isang tutang nababahag ang buntot. Bumungad sa kanyang mga mata ang isang Wilson Chavez. Ang unang anak ni Sunny Chavez sa una nitong asawa. Si Wilson Chavez na kilala rin sa pangalang... Edison Bermundo.
"Maawa ka, pakawalan mo na ako, maawa ka!" umiiyak at nagmamakaawang sigaw nito. Kung titignang mabuti, maisasalawarawan ang sitawasyon ng ginang sa isang preso na ikinulong sa isang madumi at masikip na selda. Nagkalat din sa sahig ang mga inuuod ng pinagkainan niya.
Napangisi naman si Edison, tila natutuwa sa sitwasyon ng ginang. "Sa loob ng tatlong taon, kailan kaya kita pinakawalan Mrs. Chavez?"
Tatlong taon. Tila kampanang tumunog ang mga dalawang pares ng salitang iyun sa parehong tainga ng ginang. Tatlong taon. Hindi n'ya lubos maisip na tatlong taon na pala siyang nakakulong sa silid na ito para pagbayaran ang kasalanang minsan ay hindi n'ya naman sinadya. Ang mismong kasalanan kung saan ay pinakasalan niya si Sunny Chavez na hindi n'ya alam na mayroon na palang naunang asawa na mismong ina ni Edison. Ang mismong ina ni Edison na malapit na kaibigan ng ginang noong pareho pa silang kolehiyala.
"Oo nga pala," Ngumisi si Edison. "Dalawang buwan na ang nakakalipas, pinakawalan pala kita." Sa sinabing iyun ni Edison ay biglang nagbaliktanaw ang ginang sa isang sitwasyon dalawang buwan na ang nakakalipas. Ang mismong araw kung saan ay nakita niya si Heaven sa isang sa isang theme park kasama ang dalagang si Fear. Masaya siyang makita ang anak niya sa oras na iyun kaso, nahuli siya ni Edison. Nahuli siya.
"Pero? Tanga ka kasi Mrs. Chavez e. Ba't ka nagpahuli, aber? Kawawa ka naman." Parang batang iniinis ni Edison ang ginang na sinundan n'ya ng malademonyong halakhak nang makita niyang lumuha ang ginang dahil sa galit at inis na nararamdaman nito. At oo, sa bawat pagtatangkang pagtakas na ginagawa ng ginang ay palagi siyang nahuhuli ni Edison. May isang pagkakataong naging babysitter siya ng isang pamily sa Romblon ngunit nahanap pa rin siya nito.
"Hindi pa ba sapat? Hindi pa ba sapat sa'yo ang lahat ng ito? Sabihin mo? Bakit hindi mo na lang ako patayin?" puno ng sakit at hinagpis na tugon ng ginang. Oo gusto na niyang mamatay. Sa bawat pagtakas niya sa silid na ito ay iyun lagi ang pumapasok sa isip niya. Gusto na niyang mamatay pero sana, kagaya ng mga nauna niyang pagtakas ay makita niya ulit ang mahal niyang anak na si Heaven bago siya mawala.
"Akala mo ba ganu'n lang kadali ang lahat?" Lumapit si Edison sa ginang, sinabunutan ang buhok nito habang idinidiin ang ulo sa matigas na pader. "Papatayin kita tapos ano? Masaya ka nang pupunta sa langit? Hindi ganu'n Mrs. Chavez. Hindi ganu'n kadali ang lahat. Kailangan mo munang maranasan ang lahat ng sakit na naramdam ko bungad ng sinulot mo ang pesteng tatay ko mula sa mahal kong ina," nagngangalit ang mga mata ni Edison habang mariing nakatitig sa ginang. Gusto na niyang pumatay. Gusto niya.
"Ngunit huwag kang mag-aalala Mrs. Chavez, malapit ng matupad ang hinihiling mo." Bumitaw si Edison sa pagkakasabunot sa ginang, tumalikod siya at iniwan itong umiiyak ngunit bago siya makalabas ay inihabol n'ya ang isang mensahe.
"Isa-isa ko kayong papatayin. Uunahin ko muna ang anak mo."
"Huwag Wilson, maawa ka. Ako na lang. Ako na lang ang patayin mo," parang hayop na nagmakaawa si Angelie. Lumuhod siya sa likuram ni Edison at ikiniskis ang parehong palad sa isa't-isa bilang paghingi ng tawad. Blangko namang siyang tinignan ni Edison at nang lumabas na nga ito sa madilim at maruming silid na iyun ay napahagulgol na lang siya.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...