Kabanata 46.0: Ang Pagtatagpo

11K 314 38
                                    

FEAR

Maraming nangyari sa gabing iyun. At kadalasan sa mga pangyayaring naganap ay hindi ko lubos maintidihan. Apat na putok, tatlo ang natamaan. Si Niko Satto, Si Heaven at si Papang. Agad silang itinakbo sa pinakamalapit na ospital sa oras na iyun. Umiiyak ako habang dinadala sa ospital ang tatlong tao na malapit sa buhay ko. Napaisip ako bigla sa mga puntong iyun; bakit sa kaarawan ko pa? Bakit?

Si Papang at si Niko, daplis lang ang inabot nila at okay na sila. Habang si Heaven naman ay hindi pa ako sigurado basta't ang alam ko ay may tama siya sa braso niya.

Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos maganap ang trahedyang iyun at kanina lang ay nakalabas na si Papang pati na rin si Niko. Nanatili muna ako sa ospital sa kadahilanang may gusto pa akong malaman. Gusto kong malaman ang kalagayan ni Heaven.

"Nurse?" pagtawag ko sa Nurse na kakalabas lang sa room ni Heaven. "Pwede po ba kayong matanong?" Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo sa upuan kung saan madalas nakaupo ang mga kamaganak ng pasyente.

"Ano po iyun?" nakangiting sagot ng nurse. Hawak-hawak niya ang isang folder kung saan nakaipit ang isang itim na ballpen.

"Ahh," medyo nag-aalangan kong bulalas, "Kamusta na po iyung pasyente sa loob? Si Heaven Chavez? Okay na po ba siya?"

"Ahh oo, mabilis naka-recover ang pasyente mula sa operation."

Operation. Bigla akong nag-alala nang marinig ko ang salitang iyun.

"Operation?" nagtatakang tanong ko.

"Opo Ma'am. Nag-karoon po kasi tama 'yung pasyente sa braso nito. Hindi naman ganoong kalala. Kailangan lang pong ayusin 'yung mga veins na na-damage nang sagayon ay hindi magkaroon ng impeksyon ang pasyente," nakangiti at malumanay na tugon ng nurse. Agad naman akong nagpasalamat at agad na rin siyang umalis.

Lumapit ako sa may pinto ng room ni Heaven, bahagya itong nakabukas kaya naengganyo akong sumilip.

Nakita ko siya. Bigla akong nasaktan.

Nasasaktan ako kasi sa kabila ng mga pinagsasabi ko sa kanya ay nagawa pa rin n'yang sagipin ang buhay ko. Nagui-guilty ako.

Pumasok ako sa room niya. Unang bumungad sa paningin ko ang isang Heaven Chavez na nakahiga sa patient bed, may benda ang braso at parang anghel na natutulog.

Umupo ako sa upuan na nasa tabi lang ng hinihigaan n'ya, napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan siya. "Thank you, Heaven, thank you sa pagsagip mo sa buhay ko." 'Di ko namalayan ay napaiyak na pala ako, hinawakan ko ang kamay n'ya at mas lalo pang bumuhos ang luha ko. Pakiramdam ko ay may kung anong bumara sa lalamunan ko.

"Ilang beses kitang pinagsalitaan ng masasakit na bagay pero, nandiyan ka pa rin sa tabi ko," Naipikit ko ang mga mata ko at agad na nagpunas ng luha, muli akong humarap sa natutulog na si Heaven, "Mahal din kita," sabi ko sabay halik sa noo n'ya.

Umalis na ako sa kwarto n'ya at tahasang naglakad palabas ng ospital. Blanko pa rin ang isip ko at tila naglalakad lang na parang wala sa sarili. Tila may kung ano kasing bumabagabag sa kalooblooban ko. Mga bagay na gusto kong liwanagin.

Kagabi, habang binabantayan ko si Papang, sumagi bigla sa isip ko kung bakit nagkaroon ng putukan sa gabing iyun. Tatlo ang natamaan pero sino... sino ang target? Maari kayang ako?

Napahinto ako sa paglalakad nang maisip ko ulit ang ideyang iyun. Bigla akong kinilabutan. Bigla akong kinabahan.

Kung maaring ako nga ang target ay ano naman ang kasalanan ko? Ni minsan ay wala akong inagrabyadong tao. Wala ni isa.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon