Kabanata 30.0: Ang Misteryosong Lalake

19.3K 484 82
                                    

When A Gay Fell In Love With A Girl
Kabanata 30.0:Ang Misteryosong Lalake
Written by: JoeyJMakathangIsip

*HideOut Motel*
FEAR
"Goodevening sir and ma'am, ikinagagalak po namin ang pagdating n'yo! Ang Hide Out Motel po ay mayroong tatlong klase ng rooms. Una po ay ang non-shaking room na kung saan ay hindi po mararamdaman ng kabilang kuwarto ang mga gagawin n'yong pagkilos. Pangalawa po ay ang boiling room na kung saan ay pareho po kayong pagpapawisan sa gagawin n'yong laro. Pangatlo naman po ang ay ang soundproof room na kahit anong sigaw ang gawin n'yo hindi po kayo maririnig ng kahit na sino man."

Sa sinabing iyon ng cashier ay pareho kaming napalunok ni Heaven ng laway.

Anong klaseng mga kwarto 'yon? Bakit parang kakaiba?

Non-shaking, boiling at sound proof room? A-ano 'yon?

"Soundproof," medyo nahihiyang tugon ni Heaven, habang ako, ito umiinit na obaryo! Ihing-ihi na ako e.

"Kung soundproof po ang pipiliin n'yo ay tiyak na hindi po kayo maririnig ng kahi---"

"Shut up! Just give me the keys!" istriktong sabi ni Heaven. Nabato naman ako bigla. Ganito pala siya 'pag nagiging istrikto? Nakakatakot!

"S-sir, hindi po nag-ooffer ang Hide Out Motel ng kiss. Pasensya na po!" Medyo nauutal na tugon ng cashier habang namumula ang pisngi.

"I said, keys! Susi! Not kiss!" Ayan! Sumigaw na naman siya.

Binigay naman agad ng cashier ang kiss, este keys kay Heaven pati na ang room number. Tapos noong naglakad na siya kaya sumunod naman ako.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin ay bigla kaming napahinto nang tinawag ako ng cashier.

"Miss!"

"Bakit po?" Lumingon ako. Lumapit ako sa kanya.

"Ito oh, proteksyon n'yong dalawa," she said whisphering tapos binigyan n'ya ako ng isang maliit na bagay na hindi ko naman alam kung ano.

"A-ano po 'to?" utal kong tanong. Medyo kinakabahan ako kasi unti-unti ko ng nakikilala ang bagay na binigay sa'kin ng cashier. Pinag-aralan namin 'to sa social studies!

"Condom, isuot mo 'yan sa kanya." Naglip-point siya kay Heaven.

"P-pa'no po ba'to sinusuot?" tanong ko sa cashier na siyang ikina-nganga niya.
*   *   *
"Ano ba! Ba't ang tagal mo! Ihing-ihi na ako ee!"  sigaw ko sa kanya habang pinupukpok ang pinto ng banyo ng room namin. Actually, kakapasok palang talaga n'ya pero eto, minamadali ko siya. Ihing-ihing na talaga ako e.

"Pigilan mo muna. Pinapatuyo ko pa damit ko!" sigaw n'ya sa loob. Arrg! Nagpapatuyo pa siya ng damit? Kainis ah!

"Ano ba! Ihi na nga lang ang nagpapakilig sa'kin, pipigilan ko pa?" sigaw ko sa kanya habang ngumi-ngiwi-ngiwi na. Grabe! Hindi ko na talaga kaya 'to!

Makalipas ang ilang sandali ay biglang nagbukas ang pinto na naging dahilan upang mangudngud ako sa.. sa chest n'ya.

"Get off," he said tas napabitaw naman agad ako.

"Ba't hinubad mo sando mo?" tanong ko sa kanya sabay turo sa a-a-abs n'ya! Leshe! Nagiging si Angry tuloy ako e, kung anu-ano na lang ang tinuturo!

Pero grabe talaga! Ba't ba kasi sobrang ganda ng hubog ng chest n'ya, pati biceps, pati a-a-abs? Tapos mamulamula pa? Waaaa! O my! I'm fantasizing him in my mind.

"Natural, basa!" pabagsak n'yang tugon. Uh oh! Nawala bigla ang call of urination ko nang makita ko ang katawan n'ya. First time kong makakita ng a-a-abs sa malapitan e. At nag-iinit talaga ako! Pakiramdam ko nga umuurong 'yong fallupian tubes ko e.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon