FEAR
Nandito pa rin kami ni Heaven sa loob ng cubicle ng ferris wheel ngayon. Nandito pa rin kami sa pinakatuktok at nakadantay pa rin 'yung ulo ko sa balikat n'ya.
Makalipas ang ilang sandali ay biglang may umilaw sa kalangitan, biglang nagakaroon ng fireworks display. Nagsitayuan 'yung mga balahibo ko sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala. Sobrang ganda.
"Akala ko hindi mo magugustuhan." Bigla akong napatingin kay Heaven.
"Ibig sabihin..."
"Yeah. I organized everything for this date. For you, Fear. Just for you."
"Pero Heaven, hindi naman kaya sobrang laki ng ginastos mo?"
"Some are from my pocket, pero ang iba ay pinag-ambag-abagan naman ng Five Fingers. Pati si Lukrecia, nag-ambag din. Ganyan kalaki ang support nila sa atin," nakangiti n'yang sabi tapos niyakap n'ya ako bigla.
Magkayakap lang kami ngayon habang nakatingin sa kalangitan na pinamumugaran ng iba't-ibang kulay ng fireworks.
"Heaven?" malumanay na tawag ko sa kanya.
"Hmm?" he replied.
"Ano ang ambisyon mo sa buhay?"
"To own an aviation company at to be your loyal husband and to be a good father to our children."
"Children? Bakit? Ilan ba ang gusto mong maging anak natin?"
"I want four," diretso n'yang sabi, natawa naman ako.
"E di eere din ako ng maraming beses? Ang sakit nun?"
"Its okay. Its a part of being a wife," sagot niya.
"Walang hiya ka!" malambing na sabi ko sa kanya.
"How 'bout you? I mean, what's your ambition?" tanong niya.
"Ako? Hmm. Siyempre, gusto kong makatapos tayong dalawa sa pag-aaral tapos magtatayo ako ng maraming salon tapos pagkatapos nu'n ay tutuparin ko 'yung ambisyon mo." Sa sagot kong iyun ay ngumiti si Heaven ng mapait. Bigla siyang nalungkot.
"After 3 minutes, the fireworks display will end," malungkot niyang sabi.
"Ang bilis naman."
"Yeah, and I hope I can stop the time."
"Sana," malungkot na sabi ko sa kanya. Makalipas ang tatlong minuto ay unti-unti na ring nawawala ang mga ilaw sa ere. Mas lalo akong nalungkot. Hindi ko na rin namalayan na napaiyak na pala ako sa balikat ni Heaven habang dahan-dahang bumababa iyung cubicle namin. Sana humaba pa ang oras. Sana.
* * *
HEAVEN
"After 3 minutes, the fireworks display will end." and also... I am taking you home.
Ayokong madamay ka sa gulo ng pamilya ko kaya ibabalik muna kita.
Hihintayin ko ang araw na magiging okay na ang lahat tapos matutupad na nating dalawa ang pangarap natin para sa mga sarili natin.
I want you to be happy Choco Girl and I don't want you to suffer.
Ayokong mangyari sayo 'yung napanag-inipan ko na malulunod ka sa isang glass container. I don't want that to happen on you.
![](https://img.wattpad.com/cover/26866988-288-k667014.jpg)
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...