Kabanata 46.5: Ang Madilim na Panag-inip

13.4K 341 64
                                    

THIRD PERSON

"Saan ang kwarto ng anak kong si Heaven?" tanong ni Sunny Chavez habang naglalakad sa pasilyo ng ospital.

"Male Ward Room 19. This side sir." Itinuro ng bagong sekretarya ni Sunny Chavez ang daan papunta sa kuwarto ni Heaven. Agad naman silang naglakad sa walang kaingay-ingay na pasilyo ng ospital.

Habang naglalakad ay naikuyom ni Sunny Chavez ang kanyang kanang kamay sa loob ng kanyang bulsa at panandaliang ipinikit ang mga mata. Nakaramdam si Sunny Chavez ang matinding puot sa kanyang sarili. Dalawang araw na ang nakakalipas, nagpadala siya ng isang tauhan sa kaarawan niFear De Guzman para patayin ito. Subalit tila nag-iba ang ikot ng mundo, imbes na si De Guzman ang masaktan ay mismong anak niya ang naagrabyado.

At oo. Ang responsable sa tatlo pang putok na puminsala ng tatlong ka-tao sa kaarawan ni Fear De Guzman ay walang iba kundi si Sunny Chavez.

Maliban kay Edison Bermundo ay nagpadala rin si Sunny Chavez ng isang tauhan sa araw na iyun. Hindi para maagrabyado ang anak niyang si Heaven kundi ang mapaslang ang dalagang siFear De Guzman.

"Sir Sunny---" Magsasalita pa sana ang sekretaryang lalake nang biglang napahinto si Sunny Chavez sa kanyang paglalakad nang kung may ano itong nakita sa kanyang harapan. Napadilat siya ng mga mata. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa katawan. Bigla siyang nanlamig.

Si Fear De Guzman. Ang witness sa krimeng kinasangkutan n'ya apat na taon na ang nakakalipas ay nasa harapan n'ya ngayon, buhay na buhay at dilat na dilat lang na nakatitig lang sa kanya.

Dahan-dahang ibinaba ni Sunny Chavez ang kamay na nasa bulsa n'ya. Kitang-kita ng kanyang mga mata mula sa salaming suot n'ya ang babaeng iyun. Si Fear Deguzaman. Ang high schooler na saksi sa pagtulak n'ya sa una n'yang asawa na si Tanya Quezon na ina ni Edison.

Tila walang kaide-ideyang pinagmasdan ng sekretarya ang kanyang Boss na tila nakakita ng multo sa oras na ito. Wala siyang kaide-ideya na ang babaeng nasa harapan pala nito ay ang mismong babae na maaring magpabagsak sa sarili n'yang boss.

Tila nag-iba rin ang temperatura ng mundong ginagalawan ni Sunny Chavez. Mula sa 'di gaanong kalamigan ay mas naging malamig pa ito--naging mas madilim--mas naging katakot-takot para sa kanya.

Makalipas ang ilang saglit ay biglang tumakbo si De Guzman, biglang nanghina ang tuhod ni Sunny, muntikan na siyang matumba sa flooring ng ospital at mabuti na lang ay naalalayan agad siya ng kanyang sekretarya para makabalanse.

"Huwag mo akong hawakan!" nabubwesit na sabi ni Sunny sa sekretarya n'ya. Yumuko lamang ang sekretarya niya at pinagmasdan lamang ang kanyang boss na ayusin ang sarili nito.

Napahawak si Sunny sa pader upang alalayan ang sarili sa pagtayo. Inayos n'ya ang kanyang salamin at muling nag-umpisang maglakad. Habang gumagalaw ang kanyang mga paa ay tila humihinto naman ang kanyang isipan.

Dilat ang mga mata, hindi makahinga ng maayos.

'Bakit? Bakit pa kailangang mabuhay ng babaeng iyun?' giit ni Sunny sa sarili. Hindi n'ya lubos maisip ang kakahantungan n'ya 'pag nalaman ng buong mundo na minsan ay kamuntikan na siyang pumatay ng tao. Na minsan ay tinangka n'yang patayin ang kanyang asawa. Ang mismong ina ni Edison na para na ring patay sa oras na ito. Ang ina ni Edison na commatose pa rin ngayon at kahit anong oras ay pwedeng mawalan ng buhay.

Napaisip ulit si Sunny. Lahat ng kanyang pinag-paguran, mga ari-arian, ang mga business at pati na rin ang limpak-limpak na pera ay maaring mawala sa isang kisap-mata. Maari iyung mawala ng dahil kay Fear De Guzman.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon