When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 40.5: Maskara
Writtenby: JoeyJMakathangIsip**
Third Person
"Please," nanganatog kamay na tugon ni Charnel Fate habang hawak-hawak ang telepono na kasalukuyang dina-dial ang isang unregistered na numero, ang mismong numero na tumawag sa kanya apat na araw na ang nakakalipas. Ang mismong araw na kung saan ay pumunta siya sa isang ospital para bisitahin ang pasyenteng nagngangalang Tanya Quezon. Si Tanya Quezon na apat na taon ng comatose. Si Tanya Quezon na ina ni Wilson Chavez. Si Wilson Chavez na nagtatago sa pangalang... Edison Bermundo."Please don't answer my call. Please..." Naipikit bigla ni Charnel Fate ang mga mata niya upang labanan ang mga luhang nag-uunahang rumagasa palabas sa kanyang bilugang mga mata. Ngunit sa kabila ng pagpipigil ay kusang lumabas ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan nang makita niyang napatingin si Edison sa sariling telepono. Si Edison na nasa loob ng isang fastfood chain. Si Edison na kasamang kumakain ni Heaven. Si Heaven na kapatid ni Edison.
"No! Its not you! Hindi ikaw si Wilson! Don't answer the call Edison! Don't bother to answer it!" natatangang sigaw niya sa sarili nang nakita niyang tumayo si Edison at---
"I'm sorry, but I am." Biglang nabingi ang governor nang tumagos sa kanyang tenga ang boses na iyon. Ang pinaghalong boses ng telepono at ng reyalidad.
Mabilisang inilaan ng governor ang kanyang namamagang mata sa loob ng fastfood chain. Wala na Si Edison doon.
"I'm here."
Napalingon sa likod si Charnel Fate nang marinig niya ang boses na iyon. Agad namang sumalubong sa paningin niya ang isang lalaking may hawak-hawak na .32 calibre gun na nakatutok sa may ulo niya.
Si Edison.
"Ikaw?" nagagaral, nanginginig at nababalisang tanong ni Charnel Fate kay Edison na nilalaanan siya ng walang ka-emo-emosyong tingin. 'Ikaw', ang katangi-katanging naiusal ng dalaga. Ang paghihinalang kaytagal na niyang tinatago-tago ay natuldukan na. Paghihinalang ayaw niyang paniwalaan sa kadihalang, unti-unti na ninyang natutunan na mahalin si Edison.
"Hindi. Hindi ikaw si Wilson. Please! Sabihin mong hindi ikaw! Hindi!" Umiling-iling na tugon ni Charnel Fate habang umiiyak nang lubusan at hindi man lang natatakot sa baril na nakatutok sa ulo niya.
"Gustuhin ko man pero, wala akong magagawa. Ako si Wilson Chavez," malamig, kasing lamig ng hangin ng gabi na usal ni Edison.
Walang emosyon, walang kulay at tila napapalibutan ng hindi mabasang aura ang mukha ng binata. Ni pagkabigla o pagkagulat ay wala. Inaasahan na niyang dadating ang panahon na mangyayari ang ganitong tagpo. Ang mismong tagpo na makakaharap niya ang babaeng hadlang sa plano niya. Ang mismong babae na humahadlang sa puso niyang gawin ang paghihiganting inaasam.
Si Charnel Fate Cazro, ang mismong babae na madalas niyang makita sa isang ospital kung saan naroroon ang kanyang inang si Tanya Quezon. Ang mismong babae na palihim niyang minamahal bago pa man siya makapasok sa Wilson University. Si Charnel Fate Cazro.
"Tita Tanya? Sabi ni Mommy, you have a son daw? Hmm. Pero bakit ganu'n? Bakit hindi ka niya dinadalaw?"
Sa pagitan ng Room 34 at 36 ay napahinto ang isang binatang nagbabalat-kayo bilang doktor 4 years ago. Isang dalawanpung taong gulang na binata ang nagtatago sa puting suit at puting face mask.
Papasok na sana siya sa hinintuang pinto nang magdalawang isip siyang gawin ito. "Nandito na naman siya?" tanong ng binata, pinapatungkulan ang dalagang nasa loob ng kwarto ng kanyang ina na magdadalawang buwan ng comatose.
"Uhmm, Tita Tanya, if your son will visit you, uhm, kindly tell him that I want to see him, uhmm. No! Bakit ko ba nasabi 'yun! Goshh! Haha. Tita Tanya! Just forget it! Uhmm, so mauna na po ako? Byee! Babalik po ako next time."
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...