Kabanata 18.5: Piccolo

18.6K 494 38
                                    

When A Gay Fell Inlove With A Girl
Kabanata 18.5: Piccolo
Writtenby: JoeyJMakathangIsip

FEAR
"Heaven? How are you?" maluwalhating bati ng isang babaeng nasa mid 50's kay Heaven na nakasalubong namin nang pumasok kami sa 26th floor. Nakasuot siya ng isang eleganteng pulang damit na pinaresan ng mamahaling kwintas. Bakas na bakas rin sa kanyang mukha ang tuwang naramdaman n'ya ng makita n'ya si Heaven.

"Okay lang po ako Tita Helen, kayo po ba?" tanong ni Heaven matapos silang magbeso.

"I'm fine too. By the way, maligayang karaawan, Heaven. You've really turned into a man. The last time I saw you, you were just a kid, ngayon, ang laki mo na," masayang tugon ng Tita Helen ni Heaven sa kanya.

"Thanks Tita," sagot naman ni Heaven sa Tita Helen n'ya na pinaresan n'ya ng matamis na ngiti. Matapos nitong pagmasdan si Heaven ng matagal ay napunta naman sa akin ang atensyon n'ya.

"By the way, who's this beautiful lady with you?" Bigla namang bumuka ang atay ko sa sinabi ng Tita Helen n'ya. Ano raw? Beautiful? Wow! Buti pa 'tong Tita n'ya, naapreciate ang kagandahan ko e. Itong Heaven na 'to, mag-aapreciate na nga lang, may dala pang criticism? Sinabihan ba naman ako na sobrang plane lang daw ng make-up ko? So? Anong gusto n'ya? Ilagay ko lahat ng foundation sa mukha ko para magmukha akong polboron?

"Ahh. She's Fear De Guzman, she's my girl friend," tugon ni Heaven sa Tita Helen n'ya. Medyo na-shock naman 'yong Tita Helen n'ya sa sinabi ni Heaven. Pero ako, hindi na na-shock at naging chill na lang. Alam ko naman e. Alam ko naman kasing girl friend n'ya ako. Girl space friend. In tagalog, babaeng kaibigan.

"Tita this is Fear," pagpapakilala ni Heaven sa'kin sa tita n'ya with a hand gesture.

"And Fear, this Tita Helen, close friend ng family ko," he added while pointing his Tita Helen in a well mannered way.

"Hi po?" bati ko sa Tita Helen n'ya sabay ngiti.

"You look gorgeous hija, bagay na bagay kayo ni Heaven," pagpupuri ng Tita Helen ni Heaven. Hindi naman naka-alma si Heaven sa sinabi ng Tita Helen n'ya. E pa'no ba naman? Pinakilala akong girlfriend e.

"Thanks po," magalang kong sabi sa kanya. Kinirot naman ni Heaven ang tagiliran ko. Ouch! Ansakit nun ah! Ano bang problema nito? Kasalanan bang magpasalamat?

"You're welcome my dear," tugon nito sa'kin at muli na namang ibinaling ang atensyon kay Heaven.

"I'm sure tuwang-tuwa ang mama mo ngayon Heaven na may girlfriend ka na, ano? By the way, nasaan ang mama mo? Hindi ko pa siya nakikita." Sa tanong na iyon ng Tita Helen niya ay biglang natahimik si Heaven. Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tila nabato si Heaven sa tanong na iyon. Pakiramdam ko ay nalungkot siya bigla nang nasali sa usapan ang Mama n'ya.

"Helen, andito ka lang pala. I've been searching you." Lumapit naman ang isang lalaking nakabusiness attire sa Tita Helen ni Heaven. Medyo may katandaan na ito, siguro nasa 65 plus na ang edad. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Ni isang daplis ng ngiti ay hindi mo mababakas sa mukha nito.

"O Heaven? You're dad had been waiting for you. He's in the private room right now, I think kailangan mo na siyang puntahan," tugon ng lalaking naka-business attire. Binigyan naman ng lalaking iyon ng seryosong tingin si Heaven. Tila may pagbabanta ang mga tingin nito. It seems like he know something about Heaven.

"Yes Tito Rex. Uhmm Tita, Tito, alis po muna kami," tugon ni Heaven sa Tito Rex at Tita Helen n'ya. Tumango naman ang dalawa.

Hinila ako ni Heaven sa may left side ng 26th floor kung saan makikita ang isang mini pool na mayroong fountain sa gitna. Mayroon itong LED lights na sumasabay sa pag-sayaw ng tubig sa gitna ng pool. Grabe! Ang ganda!

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon