Kabanata 7.0: Classmates

27.5K 774 108
                                    

FEAR
"The next step after getting the median is getting the mode. The mode is represented by this symbol." Nagsulat ang profesor namin sa whiteboard gamit ang isang pentelpen. Palihim akong sumisilip sa may bintana. Nnaghihintay ako ngayon ng tiyempong makapasok sa una kong subject na Statistics na kung saan ang professor namin ay 'yong mismong professor na aksidenteng nabato ko ng slam book sa ulo at mismong professor na kinaiinisan ako ng sobra.

Late na kasi ako ng 7 minutes kaya nandito pa rin ako sa labas ng room namin, gustuhin ko mang pumasok e wala talaga akong mahanap na tiyempo. Sirado rin kasi iyong pintuan.

"It has a formula of caret x equals lower boundery of the modal class plus the quantity of the difference of the highest and lowest frequency represented as triangle one divided by the sum of triangle one plus triangle 2." Muli na naman siyang nagsulat sa white board. Naisip ko bigla na pagkakataon ko na 'to na makakapasok ako ng palihim pero sumagi sa isip ko na napaka-informal naman yata ng gagawin ko. Kaya ang ginawa ko, hinawakan ko ang door knob at pinihit ito hanggang sa magbukas. Pumasok ako at lakas loob na sibabing...

"Good afternoon sir, I'm sorry I'm late." Dinig na dinig ng buong klase ang boses ko. 'yong iba, parang nagulat pa nga dahil may mga nalaglag sa silya nila.

Nagtinginan naman lahat ng kaklase ko kaya napayuko na lang ako. Nakakahiya 'to. Absent ako last day dahil sa nangyari kahapon. 'Yong pinapunta ako sa office ng dean dahil sa nambato ako ng sapatos sa isang estudyante. Buong araw akong absent kahapon. 'Di na ako pumasok sa afternoon class ko sa kadahilang medyo sumakit 'rin ang ulo ko nun e, dala na rin siguro ng sobrang pag-iyak.

"Class? May naririnig ba kayo?" tanong ng professor namin sa klase. Nagtawanan naman 'yong mga kaklase ko. Napahiya ako ng wala sa oras.

"Ms. De Guzman ba't ka nalate?" tanong niya.

"Traffic po kasi papunta rito kaya nahuli ako sa klase n'yo," sagot ko.
    "Well, your reason is accepted. Pero," Tumigil s'ya sa pagsasalita, "Bago kita paupuin, kailangan mo munang mahanap ang upuan mo." Ano? Pa'no ko gagawin 'yon? Tinignan ko ang buong room at mukhang may seat plan na ang pagkakaupo ng mga kaklase ko.

"Bibigyan kita ng isang minuto para mahanap ang upuan mo. Kung hindi mo man mahanap ay papalabasin kita." Nakangising tugon ng Professor namin. Pinapahirapan n'ya talaga ako.

"At nagsisimula na ang oras mo ngayon." Nag-hiwayan naman bigla ang mga kaklase ko, lalo na 'yong mga lalaki. Pininipigalan kong hindi magpanic pero sa loob ko ay sobrang gulong-gulo na ako. Marami-rami rin ang bakanteng upuan kaya nalilito ako lalo.

   'Huminahon ka Fear,' bulong ko sa sarili ko habang nilalabanan ang panic sa loob ko.

"Woa! Bilisan mo hoy!" Naririnig ko naman ang malakas na hiwayan ng mga kaklase ko pero hindi dapat ako magpa-apekto. Kaya ko 'to.

Parang isang logic ang sitwasyon ko ngayon. Inaanalisa ko ang pattern ng pagkakaupo ng mga kaklase ko. At nang makuha ko na ang pattern, umupo na agad ako sa bakanteng upuan sa harapan ng isa pang bakanteng upuan sa first row. Paniguradong sa likod ko ay ang bestfriend kong si Cheesy Demoiselle na absent ngayon dahil suspended siya. Sa likod naman ng upuan ni Cheesy ay upuan ang kaklase kong may apelidong Donisya at sa harapan ko naman ay si.... Chavez! Heaven Chavez.

Chavez.

De Guzman.

Demoiselle.

Donisya

"Vertical Line Pattern ang tawag sa pattern na'to, kung saan uupo ang estudyanteng may apelidong nagsisimula sa letrang A. Sa likod naman ng estudyanteng may apelidong A ay uupo ang estudyante may apelidong nagsisimula sa B, hanggang sa C, D o kung saan matatapos ang bilang ng unang row." Napatahimik naman 'yong mga kaklase ko, 'yong iba napa-wow. Tss! At 'yong professor ko naman, halatang nainis s'ya. Akala n'ya siguro 'di ko mahahanap ang upuan ko. Huh! Napa-flip ako ng hair ng wala sa oras. Feeling bad ass tuloy ako.

When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon