FEAR
Mag-a-alas dos na ng umaga, madilim pa rin sa kuwarto namin at tanging ilaw lang ng mumurahing lampshade ang nagbibigay ng mapusyaw na liwanag sa kwadradong kuwarto ng aming pamilya. Tahimik ang buong gabi at ako lang ang maingay. Kung bakit? Simple lang, umiiyak pa rin kasi ako. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa muntikan ng paghalay sa akin ng mga bwesit na manyak na 'yun o dahil ba sa hindi pagdating ni Heaven. Hindi ko alam.
Pinawi ko 'yung mga luha ko nang makatanggap ako ng text galing kay Hell.
Hell Savior: Isaw? Tulog ka na?
Agad namang akong nagreply.
Ako: Oo, tulog na. zzzZZZZZ
Hell Savior: Haha. Ang galing, nakakapagtext ka pa rin kahit tulog. Hmm.
Ang kulit din nitong si Hell. Mabuti na lang talaga at bumalik siya kanina sa Mini-Park kasi kung hindi baka tuluyan na akong nababoy ng mga hayup na 'yun hindi na ako nakauwi ngayon.
Ako: Salamat ulit Hell. :D
Hell Savior: Oo na. Paulit-ulit ka na e. Isaw talaga oh. :D
Magre-reply pa sana ako kaso nakatanggap na ulit ako ng text kay Hell.
Hell Savior: Bakit mo ko hinalikan?
Napahinto ako saglit pero napangiti ulit at agad na nag-reply.
Ako; Sa cheeks lang naman 'yun, ano ka ba! Pa-thank you 'yun para sa pagsagip mo sa akin.
Hell Savior: Ah, okay.
Ah? Ano naman 'yun?
Ako: Good Mornight Hell. :) Maraming salamat ulit. <3
Sent! Tapos, 'yun, hindi na siya nag-reply.
Napalingon ako sa may gilid ko. Si Angry, si Papang at si Mamang, sila agad ang sumambulat sa paningin ko. Napatingin ako sa kaliwa at nakta ko 'yung study table ko. Agad akong bumangon at pumunta roon, pinihit ang case at agad na kinuha ang panyo ni Heaven at 'yung picture naming dalawa na nakaipit sa slum book ni Cheesy.
Sinirado ko 'yung case at agad na pinagmasdan ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kay Heaven.
"Bakit hindi ko magawang magalit sa'yo sa kabila ng nangyari?" tanong ko sa sarili ko habang nakatingin pa rin sa panyo at sa litratong hinahalikan ng liwanag ng buwan na tumatagos sa bintana.
"Bakit hindi ka dumating?" Dahil sa tanong kong iyun ay napaiyak ulit ako.
"Simula bukas, kakalimutan na talaga kita. Promise 'yan!" sabi ko at agad nang ibinalik ang panyo at litrato sa case ng study table at muling bumalik na sa kama para matulog.
Bago ko ipinikit ang mga mata ko ay naramdaman ko na lang na may dumaloy na masasaganang luha sa pisngi, "Last na lang talaga 'to, promise! Last na lang!"
Napatingin ako sa may bintana. Agad namang bumungad sa paningin ko ang malungkot na buwan na pinapalibutan ng malungkot na mga bituin, "Last na lang talaga 'to, at hindi na ako iiyak ng sa'yo. Last na lang talaga," sabi ko sa sarili ko at makalipas ang ilang sandali ay tumigil na ang pagdaloy ng luha mula sa mga mata ko.
Heaven, makakalimutan din kita.
* * *
LUKCRECIA
Nandetu kame ni Ser sa may balcony ngayon ng CONDOM niya. Iwan ko kung anu ang trep ni Ser para hendi matolog at mag-sente deto sa may balcony sa ganetong uras. Alas dus na oh? Malapet nang mag-alas-tris.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...