"Sir, may nagpadala ng package para sa inyo."
"Kanino 'to nanggaling?"
"Kay Fear De Guzman."
Biglang nabato si Sunny Chavez. Agad namang inilagay ng sekretaryang lalaki ang kahon sa mesa ng boss n'ya at pagkatapos niyun ay agad na siyang lumabas.
Dahan-dahang binuksan binuksan ni Sunny ang kahon. Maya-maya pa ay na bumungad sa kanya ang isang lumang camera at ang dalawang litrato na na kuha noong tintulak n'ya ang ina ni Edison sa isang bintana ng isang museo apat na taon na ang nakakalipas.
Napangiti ng mapait si Sunny Chavez, hindi n'ya inaakalang ibibigay iyun ni Fear De Guzman sa kanya. Ibinalik ng tumatandang businessman ang mga litrato sa kahon. Wala na itong halaga sa kanya sapagkat sa puntong ito ay siya na mismo ang magpapakulong sa sarili n'ya.
Oo. Napagdesisyunan na ni Sunny Chavez na isusuko niya na ang mismong sarili n'ya. Matapos ang nangyari kay Heaven nitong mga nakaraan araw ay napagisipisipan n'ya na wala ng patutunguhan ang ginagawa n'ya. Ang mamuhay sa isang marangya ngunit sa maduming paraan ay lubos na ikinisama ng kanyang loob. Masyado ng nakakapagod. Pagod na si Sunny Chavez sa ganoong buhay.
"Sir, may bisita po kayo." Agad na itinabi ni Sunny ang kahon katabi ng mga papael na nakapatong sa kanyang mesa. Umayos ito sa pagkakaupo at humalumnaba, hindi rin ito lumilingon at pinapakinggan lang nito ang yabag ng pares ng sapatos ng naglalakd niyang bisita. Nang itinaas niya ang kanyang mukha ay bumungad sa kanyang paningin ang isang babaeng may suot na itim na sapatos, paldang itim at blusang itim. Pormal ang pagkakasuot nito at tila may pupuntahang burol.
Hindi n'ya tinignan ang mukha ng bisita. Ganito si Sunny Chavez kapag hindi n'ya kilala ang taong pumapasok sa kanyang opisina.
"Labas," ang malamig na sabi ni Sunny habang hindi pa rin tinitignan ang mukha ng bisita.
Magsasalita pa sana si Sunny Chavez nang biglang humalakhak ang babae nasa harapan n'ya. Matapos itong humalakhak ay yumuko ito ng kaunti para pantayan ang mukha ni Sunny. "Katulad ka pa rin ng dati, Sunny. Tinataboy mo pa rin ako."
Biglang natigilan si Sunny. Ang babaeng minsan na niyang pinatay ay nasa harapan niya. Paanong nabuhay ito?
"Namiss mo ba ako?" sarkastikong tanong ng babae at makalipas ang ilang sandali bigla itong humalakhak. Nanatiling nanlalaki ang mga mata ni Sunny.
"Sunny. Sunny..." Napakagat ng labi ang ginang. Lumapit ito kay Sunny, hinipan ang tainga at bumulong, "Nagulat ka bang nabuhay ako? Nagulat ka bang hindi mo pala ako napatay ng tuluyan?"
Hindi makapagsalita si Sunny Chavez sa puntong ito. Pinaghalong takot at kaba ang nararamdaman n'ya. "T-t-tanya? Paanong nabuhay ka?" nanginginig na tanong ni Sunny na siyang ikinahalakhak ni Tanya.
"Alam kong itatanong mo 'yan, Sunny. Alam ko." Tinignan ni Tanya si Sunny sa mga mata nito. Nakita naman ni Sunny na parang may kakaiba sa mga mata ni Tanya. Wala itong emosyon.
"Na-coma ako ng isang buwan matapos mo akong ihulog sa Sunny."
"Tanya, alam mo namang hindi ko iyun sinasadaya at--"
"Shhh." Tinakpan ni Tanya ang mga labi ni Sunny sa pamamagitan ng kanyang daliri.
"Pagkatapos ng isang buwan, nagising ako pero hindi ko iyun pinaalam kahit kanino, kahit sa anak nating dalawa," bumibilog matang tugon ni Tanya.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...