(Joey's Note: I miss you all! Maraming salamat at hanggangang ngayon ay nagbabasa pa rin kayo ng mga gawa ko. As a gift, here's a special chapter sa pinakaunang story na gawa ko rito sa Wattpad. Enjoy! And please add me on Facebook 'Joey Joy Lopez', pm me para makasali kayo sa groupchat namin. Thanks!)
7 Years Ago
AND he's still the same Heaven Chavez I know. The same Heaven Chavez na palagi kong nakakabayangan sa mga simpleng bagay kagaya ng pag-aaway namin kapag gusto niyang mag-celebrate ng monthsary tapos ang gusto ko lang i-celebrate ay ang ika-fourty days or pa-siyam namin, para maiba naman. Kagaya na rin ng pagbili niya sa'kin ng kape sa Starbucks tapos ang gusto ko lang ay simpleng Choco drink, sabi ko nga sa kaniya palagi 'Choco drink lang sapat na'. Kagaya na lang ng pagpapatuyo niya ng pawis pagkatapos ng basketball practice nila tapos tatawan niya lang ako at hahagisan ng sando niyang basang-basa tapos sisigawan ko siya ng 'Hinayupak ka! Timang ka ba?' kahit na ang totoo ay kilig na kilig ako at gusto-gusto ko naman talaga iyung amoy ng pawis niyang may halong amoy ng strawberry perfume na ginamit niya.
He's still the same Heaven Chavez. Ang Heaven Chavez ng pamilya De Guzman. Gustong-gusto siya ni Mamang at Papang hindi dahil boyfriend ko siya kundi dahil sa kanya ay parang may anak na rin silang lalaki. Naainis nga ako kapag pumunta siya sa bahay at kasabay namin siyang kumakain. Mas marami iyung kanin na nilalagay nila sa plato niya, pero kinikilig naman ako sa tuwing iyung kanin niya ay nililipat niya sa plato ko.
Some may say na cheap daw puntahan ang Luneta Park pero para sa akin, iyung park na yata na iyun ang pinaka-gusto kong puntahan lalo na kapag kasama ko si Heaven at karga-karga niya si Angry na parating gustong magpabili na kulay pink na cotton candy.
Naiinis ako kapag si Angry lang 'yung binibigyan niya ng cotton candy pero kinikilig ako kapag binibilhan niya ako ng choco drink. Choco drink lang sapat na.
Inis na inis din ako sa bagal niyang mag-ayos sa sarili niya. Bago kami pumapasok sa university, inaabot siya ng dalawang oras kakahagod sa buhok niya. May kung ano-ano rin siyang sun protection, mostiorizer at BB Cream na nilalagay niya sa mukha niua. Samantalang ako itong babae't minuto lang na mag-ayos ng buhok at pulbo ay tapos na. On the go na!
He's still the same Heaven Chavez na noong October 28 ay niyaya niya akong mag-cutting class para magliwaliw sa labas kahit na tirik na tirik ang araw.
"Saan ka ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Basta," iritado niyang sabi.
"Kailan ba ang birthday mo?" tanong niya sa akin.
"Malay ko," sagot ko.
"Anong malay mo? Birthday mo, 'di mo alam kung kailan?"
"Malay ko nga! At tsaka mahalaga ba 'yung birthday ko out of the historical events na nangyayari araw-araw? Parang timang 'to," sabi ko sa kanya habang nakataas ang kamay sa ibabaw ng noo ko para hindi masilaw ng liwanag ng araw. At tsaka, wala talaga akong pakialam sa birthday ko kasi feel ko, hindi naman mahalaga kaya hindi na ako nag-effort na ime-morize pa kung kailan.
"It's important to me because its your birthday. Kung wala ang araw na 'yun, wala ka rin dito. Hindi kita kasama," eksplika niya.
Pinamulahan ako ng pisngi at inirapan siya, "Oo na! Ngayong araw ang birthday ko!"
Ngumiti siya. "Good. Labas tayo. Treat ko."
At 'yun nga, nanuod kami ng movie kaso sobrang na-badtrip ako kasi sobrang haba ng pila sa ticket booth. Lagpas hanggang labasan ng mall. Pa'no ba naman kasi, Fifty Shades 'yung papanuorin namin.
BINABASA MO ANG
When a Gay Fell in Love with a Girl (Part One)
RomanceHe has all the attributes that a prince could have. Piercing eyes, nakakaliyab panty na ngiti, six pack abs! Check! Check! check! Naglalaway ka na ba? Gusto mo na ba siyang haranahin ka? O jowain ka na niya? Pero pa'no kung sabihin ko sa'yong bakla...