Chapter 44: Aftermath

146 14 3
                                    

Chapter 44: Aftermath

Humigpit ang hawak ko sa baril ko ng makita ang itsura niya. Kahit malayo kitang-kita ko ang mga pasa niya sa mukha at ang magulong buhok at damit niya. Siguradong nanlaban siya para protektahan si Zann.

“Ang nawalang anak ni Alessandro at ang manugang ni Gregory.” nakangising usal ni Rhino

Napaismid ako.

Kung hindi ka lang Ama ng kambal, pinatay na kita ngayon.

Nakatutok pa rin sa kanila ang mga baril namin habang naglalakad kami papunta kina Dad na may hawak na ring baril ngayon. Tumabi ako kay Dad at nasa kaliwa ko naman si Ate Eva.

“Stop this, Crisostomo. Hindi natin kailangang humantong sa ganito-” Lolo was cut off by Crisostomo

“Tumahimik ka! Rhino!” sabi niya at tinawag ang anak niya

Tumalikod siya at nagpunta sa kinaroroonan nila Ivvo at Zann sa likod na bantay sarado ng apat na lalaki. Nakatayo naman doon si Rhino at tinignan ang mga lalaking nasa harap namin ngayon bago tanguan.

Kapag talaga makaharap kita sisiguraduhin kong babalian kita ng buto bago ka makulong, Rhionoso Aguillard.

“Take care.” bulong ni Dad at ngumiti naman ako

“Kayo rin ni Lolo.” bulong ko pabalik

Napunta ang tingin namin sa harap ng bigla silang sumugod.

“Zann, anak! Close your eyes!” rinig kong sigaw ni Ate Eva

Napatingin naman ako kay Zann na masunuring pumikit. Tama, dapat hindi niya makita ang mga magaganap dito. Masyado pa siyang bata.

Mabilis kaming tumakbo at sinalubong sila.

Agad akong tumalon at umikit sa ere kasabay ng pagtama ng paa ko sa balikat ng isang lalaki ng malakas. Napaluhod siya at napahawak sa balikat niya. Hinawakan ko ang mukha at pinatagilid ito kasabay ng pagpukpok ko ng malakas sa leeg niya. Binitawan ko siya at sumubsob naman ang walang malay niyang katawan sa sahig. I lifted my arms above my head. Ang malaki niyang braso ay tumama dito at napaigik ako sa sakit. Hinawakan ko naman ang kamay niya at dalawang beses siyang tinadyakan sa tiyan at sa ‘baba’ niya bago pilipit sa likod ang kamay niya. Napaluhod siya sa sakit at napasigaw kasabay ng pagpukpok ko baril sa batok niya.

From my peripheral vision I can see them fighting with this bastards with all their strengths and that's all we do for about half of an hour.

Hinihingal na tumigil kami. Marahas na pinahid ko ang dugo na dumadaloy sa bibig ko dahil sa malakas na suntok na tumama sa mukha ko kanina.

“Damn. Bakit hindi sila nauubos?!” I hissed

Mapupuno na dito ng mga taong walang malay at puros duguan pero heto’t sige pa rin ang pasok ng iba.

“Pinaghandaan nga nila ‘to. They really want us not to get out of here alive!” inis na sabi ni Tito Greg

Inis na napasinghal ako bago naunang sumugod.

Marami na kaming natamong pasa at sugat and if this continues we may not be able to get out of here alive dahil mauubusan kami ng lakas at dugo.

Bodyguard of a NuisanceWhere stories live. Discover now