Chapter 38: Babysitting

152 19 15
                                    

Chapter 38: Babysitting

I yawned. Damn, inaantok pa’ko.

“Ai...Aishiteru, Biah.”

I groaned in frustration when I thought about it again.

Iyan ang dahilan kaya hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, tangina. Hindi naman ako ganito kaapektado kung hindi ko alam ang Ibigsabihin niyan. Kaya hindi talaga siya mawala sa isip ko kagabi.

Magkatabi kami sa kama pero may distansya. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniisip ang mga binigkas niyang salita buong gabi hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Anong ibig niyang sabihin dun? Napanood ko yun sa isang site when I’m trying to learn how to speak their language kaya alam ko ang kahulugan nun, and yeah, nagaaral akong magsalita ng nihongo. Pano ba naman, gustong-gusto ko malaman kung anong mga pinagsasasabi niya kapag nagsasalita siya ng hapon.

Napabuntong hininga ako sa inis at nag-focus sa niluluto ko. Kung dati hotdog, sausages, egg, bacon and adobo lang ang alam kong lutuin ngayon may nadagdag na. Nagsimula akong matutong magprito ng manok, magulam ng nuggets, at magluto ng sinigang. Madali lang pala magluto ng fried chicken at nuggets, pero nahirapan ako sa sinigang. Ilang beses akong nag-try hanggang sa naging maganda na ang lasa nito.

Ang ulam na niluluto ko ngayon ay bacon and egg for sandwich, and fried chicken. May natira pang manok sa ref ko eh. Kailangan kong mag-grocery mamaya na naman.

Linagay ko na ang mga ito sa plato ng maluto na ito nang may magsalita sa likod ko.

“Biah...”

“Ai...Aishiteru, Biah.”

Tumikhim ako at napailing at winaglit yun sa isip ko bago lumingon sa likod ko.

Nakatayo siya pinto at pasimple ko naman akong natawa ng makita ang itsura niya. Magulo ang buhok, inaantok na mga mata at magulong damit.

Cute.

“Good morning, upo ka na.” seryosong sabi ko

Pinatong ko sa mesa ang mga ulam na naluto ko na pati na rin ang ginawa kong sandwich.

“Milk?” tanong ko habang nakatalikod sa kanya

“Y-yes.” sagot niya

Thought so. Palaging gatas ang iniinom niya sa umaga eh.

Matapos magtimpla ng gatas niya umupo na ako sa tapat niya at binigay ko naman sa kanya ang gatas niya.

“Eat.” utos ko

Tumalima naman siya at naglagay ng pagkain sa plato niya at ganon rin ang ginawa ko. I looked calm outside pero hindi na talaga ako mapakali sa loob loob ko nang mapansin ang maya’t mayang pagsulyap niya sa’kin.

Napalunok ako ng kinakain ko at uminom ng tubig. Seryoso ko siyang tinignan at napaayos naman siya ng upo habang nakatingin sa’kin.

“What? Bakit ka tingin ng tingin sa’kin?” diretsong tanong ko

It caught him off guard and blinked several times.

“Uhm...tungkol kagabi—”

“Naaalala mo ba ang ginawa at mga sinabi mo kagabi?” seryoso kong tanong

Ang alam ko pagnalalasing siya minsan nakakalimutan niya ang mga nangyari sa mga oras na yun kaya yun ang kinababahala ko kagabi pa.

Paano kung bawiin niya lahat ng sinabi niya kagabi? Paano kung iwasan na naman niya ako?

Bodyguard of a NuisanceWhere stories live. Discover now