Chapter 19: Comfort

175 21 2
                                    

Chapter 19: Comfort


“Kuya! Wait for me!” I shouted and run faster to him

Lumingon ito sa ‘kin pero hindi ko makita ng malinaw ang mukha niya. Kahit paligid namin hindi ko makita ng malinaw pero isa lang ang sigurado ako, nasa isang hallway kami.

Tumigil siya sa pagtakbo. “Sorry, come on they’re already waiting for us! You want to play with our youngest, right?” he said

I nodded with a smile. “Of course! Shes very adorable!” I snickered

He pinched my cheeks softly. “Like you! So let’s go now!” sabi niya at naglakad kami papunta sa isang nakabukas na kuwarto

Nang makapasok kami naaninag ko ang dalawang tao na naka-upo sa isang kama at ang babae naman ay may karaga na isang batang babae na sa tingin ko ay nasa dalawang taon gulang pa lamang.

“Mom! Dad! Princess!” sigaw ko at tumakbo papunta sa kanila

“Princess, your Ate and Kuya are here!” sabi ng babae sa batang babae

The little girl giggles and reached her tiny hands to me. Inabot ko naman ito.

“Hi, princess.” malambing na sabi ko dito

She giggles again that made my heart melt in so much happiness.

“Hey, Biah! Nasaang planeta na ba ang isip mo ha?”

Napaigtad ako nang bigla nalang akong sikuhin ni Ivvo.

‘Di ko napansing natulala na pala ako dahil sa pagalala noong napanaginipan ko kanina.

I deeply sighed.

Kumuha ako ng tsitsirya na kinakain ni Ivvo at napasandal sa puno na nasa likod namin. Nasa harap naman namin ang dalawa.

Nasa field kami ngayon at vacant hours namin. Nag-r-review kami para sa paparating na exam next week for the first quarter. Another month just passed by at buwan ng agosto na ngayon.

Maraming naganap sa nakaraang buwan. Ang balita ko naman kay Khave at Nath ay hindi pa rin sila nagkakaayos. Nath's still ignoring Khave. Hindi ko namang masabing deserve niya ang treatment na iyon dahil nakikita ko namang nagpupurisige siya para magkaayos sila ni Nath. Magulo ang mga buhay nila kaya ‘di na ako nanghihimasok dahil may sarili din akong mga problema.

Nakakapagusap pa naman kami ni Nath at nagkakasabay din kami minsan sa mall, pagpasok at nagkakasalubong din kami dito sa school.

Napatingin ako sa mga pagkain namin na nakalatag sa ibabaw ng cellophane na lalagyan ng mga pinamili namin at naghanap ng maiinom dahil inuuhaw ako.

I frowned. “Nasaan yung sprite ko?” tanong ko at napatigil naman ang dalawa sa pagchichismisan

Tumingin sila sa mga pagkain namin at umuling.

“Huy hindi ako ang kumuha!” agad na tanggi ni Vince

“Me too.” sabi naman ni Caleb at bumalik ulit sila sa pagchichismisan tungkol sa nagaway kanina doon sa gymnasium

Napasimangot ako at wala sa sariling napatingin kay Ivvo. Umiinom siya ng sprite—sprite?!

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Coke yung sa kanya hindi sprite! This jerk.

Agad kong hinatak ang mahaba niyang buhok dahilan para muntikan na siyang mabilaukan sa iniinom.

“Putangina mo talaga! Akin yan eh! Ba’t ka kumukuha ng hindi sa ‘yo?! Argh! Mangaagaw ka talaga kahit kailan!” inis na bulaslas ko habang hatak hatak ang buhok niya

Bodyguard of a NuisanceWhere stories live. Discover now