Chapter 47: Together
Lumipas ang mga araw at na-discharged na rin si Ivvo sa ospital. Palagi kaming bumibisita ng tatlo doon at kalaunan lang ay nakausap ko na rin sina Nath at Khave. Nagkakamabutihan na ang dalawa buti naman.
Nagkaroon din kami ng family dinner with Ivvo’s family. Nakilala ko na rin ang Lolo ni Ivvo, si Lolo Treonn. Kaya pala siya pamilyar dahil kapag may okasyon kaming pinupuntahan palagi siyang nandoon.
Unti-unti na rin bumabalik ang mga ala-ala ko at may weekly check-up rin ako.
“Ate! Hindi ka pa ba tapos? Kanina pa tawag ng tawag si Kuya Ivvo baka daw hindi ka sumipot sa birthday niya!” rinig kong sigaw ni Shan sa labas
Bakit ba mainipin ang boyfriend ko?
Boyfriend ko. I smiled unconsciously. Boyfriend ko na talaga siya.
Tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin matapos ko mag-make up.
I’m wearing a v neck sleeveless gray gold below the knee dress, same color of my stilettoe. Inayos ko muna ang buhok ko bago kunin ang purse ko at binuksan ang pinto ng kuwarto ko. Nang makalabas ako bumungad sa’kin si Shan na nakasuot ng off-shoulder violet and gold dress.
Napangiti kami habang tinitignan ang suot ng isa’t isa.
“You’re beautiful.” sabay naming sabi
Natawa kami at napalingon sa likod niya ng magsalita si Kuya.
“And I’m handsome.” nakangising sabi niya
Hinawakan ni Shan ang braso ko at tsaka ako hinila at linagpasan namin si Kuya.
“Nakita mo ba si Kuya, Ate?” inosenteng tanong niya
“Hindi eh. Nasaan na ba yun?” pakikisakay ko
Napangisi kami ng marinig ang pagrereklamo ni Kuya sa likod bago kami hinabol. Pumagitna siya at inakbayan kaming dalawa.
“Brats.” komento niya
“Torpe.” nakangising bawi namin ni Shan at nag-high five
Natahimik kami at patagong natatawa ng samaan niya kami ng tingin.
Apektado, pfft.
“Tara na. Baka ngumangawa na ang boyfriend mo, Zari. Katatawag lang sa’kin kanina, baka daw hindi ka sumipot sa birthday niya.”
Zari na talaga ang tawag nila sa’kin. Yun naman talaga ang nickname ko. Ngayon may tatlo na akong nickname, Zari, Zab at Biah(na si Ivvo lang ang gumagamit).
Napangiwi ako. Yun rin ang sinabi ni Shan kanina. Talagang mainipin talaga ang boyfriend ko, tsk.
12th of October. His 18th birthday. Kahapon niya pa ako kinukulit ma pumunta, anong akala niya sa’kin hindi dadalo? Importanteng araw ‘to ng boyfriend ko tapos hindi ako dadalo?
Speaking of birthday, nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi pinagkait ni Nonno sa’kin ang birthday ko. 3rd day of Marcch, kung kailan nakilala ko rin si Aracosta.
Naabutan namin sina Mom, Dad at Ate Denise sa salas. Sa kotse nila Dad ako sumakay kasama si Shan habang sa kotse naman ni Kuya si Ate Denise. Susunod nalang sila Lolo, Lola at Nonno doon.
Habang nasa byahe papunta sa mansion ng mga Aracosta, naalala ko bigla ang mga ala-alang bumalik sa’kin ilang araw na rin.
Mabilis akong tumakbo papalabas ng gate. Hinihingal man at pagod na nagawa ko pang tumawa na tila sayang saya na nakalabas ako.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Teen FictionZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...