Chapter 41: Who am I?
Umalingawngaw ang sigaw niya sa buong silid ng tumama sa kaliwang balikat niya ang bala mula sa baril ko.
“A-anong...” nagtaas siya ng tingin sa’kin habang nanlalaki ang mga mata
Hindi makapaniwala sa ginawa ko sa kanya. Nakita ko ang pag-bahid ng sakit sa mga mata niya habang hawak ang balikat na natamaan ko.
“W-why—?” I cut him off
“Fvcking shut up. I know your lying, bastard.” madiing sabi ko sa kanya at tinignan siya ng walang emosyon
“I’m telling the truth! He's—”
“No you’re not! Shut the fuck up, Aguillard. Alam kong ikaw—kayo ng ama mong si Crisostomo Aguillard ang may kagagawan ng lahat!” galit na sigaw ko
“Lalo na ang mga Ureñzala, hindi pa rin nila alam na kami ang nay pakana ng lahat.”
“At hawak rin ng mga tauhan namin ni Fernando ang isa sa mga babaeng anak ng mga Vriosos at Vuentes.”
“Magbabayad silang lahat, dahil sa kanila namatay ang asawa’t ama ko, bumagsak ang kompanya namin at itinapon nila ang pagkakaibigan ng pamilya namin!”
“Paano mo naman nasasab—”
“Narinig ko kayo. Sinabi mong kayo ang may kagagawan ng lahat ng nangyari sa mga Ureñzala, Vriosos at Vuentes. Sinabi ng Ama mo na makakapaghiganti na kayo sa pagkamatay ng asawa’t ama niya at pagbagsak ng kompanya niyo.” diretsong sabi ko
“Ano? Paano...” unti-unting lumaki ang mga mata niya na tila may naalala
“I-Ikaw...Ikaw yung babaeng—”
“Yes. That was me.” nakangising sabi ko
Itinaas ko ulit ang baril ko na naibaba ko kanina at muli itong itinutok sa kanya. Handa na sana akong puruhan siya ulit ng magsalita si Tito Sandro.
“K-kayo? Pinagkatiwalaan ka namin—” Tito Sandro was cut off when Aguillard laughed like a psychopath
“And you’re all fools! Yes, kami nga ang may pakana ng lahat. Maghihiganti kami. Tama lang ang ginawa namin sainyong lahat—”
Nagulat ako ng bigla nalang sugurin ni Tito Sandro si Aguillard. Sinuntok niya ito sa mukha na nakapagpatigil dito. Napaatras siya at tumama ang likod niya sa pader. Agad naman siyang naka naka-bawi at nanlaki ang mga mata ko ng may pinulot siyang pot.
Agad akong kumilos at pupunta na sana sa kanila ng bigla nalang niya tinulak ang mesa ng malakas.
“Tito Sandro watch out—fuck!” daing ko
Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ko sa pader. Napamura ako ng maramdaman ang sakit sa likod at tiyan ko na naipit ng mesa.
Tila bumalik naman ako sa katinuan ng may marinig akong sumigaw na nakapag patulos sa’kin sa posisyon.
“Fvck you! Don’t fucking hurt my daughter!”
Nararamdaman ko ang pagbilis ng puso ko at ang kaguluhang tumatakbo sa isip ko. Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Tito Sandro na sinuntok ulit si Aguillard.
“Daughter?” mahinang usal ko
Napatigil siya sa pag-gulpi kay Aguillard at napatingin sa’kin, and when our eyes met, I can see the emotion dancing in his eyes.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
JugendliteraturZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...