Chapter 26: Her Birthday
Nathalie came at sabay kaming nagayos. We just put a light make up and fixed our hairs into messy bun(Nath) at nag-blower lang ako ng buhok.
Ang suot ko ngayon ay sleeveless cream dress na hanggang tuhod ang haba. Simple lang ito pero eleganteng tignan. The patterns of the dress are beautiful too. Ang pinaka nagandahan ko sa dress na ‘to ay ang pagkakabuhol sa likod ng tali. It was crisscrossed into a ribbon. Hapit na hapit ito sa katawan ko at hindi pa masyadong kita ang ilang parte ng katawan ko hindi tulad ng ibang napili ko.
Nath is wearing an off-shoulder pastel cream dress. She’s really stunning tonight. Hindi pa kaya mahulog ng tuluyan si Khave sa kanya? Ayaw patinag ng baklang yun eh. Buti na lang okay na sila ulit.
Nasa kuwarto ko kami ng marinig namin ang tunog ng doorbell.
“Ako na,” presinta ni Nath at lumabas na ng kuwarto ko
Narinig ko ang ingay sa labas ng kuwarto ko at nangibabaw ang boses ni Khave. Mukhang nandito na ang susundo sa ‘min.
Naglagay ako ng pabango at kinuha ang pouch ko bago lumabas ng kuarto ko.
Pagdating ko sa sala naroon na sila—wait where’s Ivvo?
Si Vince ang unang nakapansin sa ‘kin.
“Zab’s here! Ganda naman! Rampa ka nga,”
Napailing ako bago natawa. “Siraulo.”
“Where’s lv-” naputol ang pagtatanong ko ng lumingon ang isa sa kanila
My eyes widen in shock when I saw his face.
“Oh shit...” my voice trailed off
He’s very familiar at hindi ako pwedeng magkamali.
“I...vvo?” ‘di makapaniwalang wika ko habang naglalakad papalapit sa kanya
I reached for his face and observed him. The fuck.
“What did you...” I touched his hair using my right hand
“What did you do to your hair?” hindi makapaniwalang tanong ko
I gently stroke his hair. So soft and it’s curly. Kung hindi ko lang talaga siya kilala hindi ko siya mamumukhaan dahil sa gupit niya ngayon.
He cut his hair. Yes, you read it right. Nagpagupit siya...yung mahaba niyang buhok wala na.
Wala na...
“Do I look good?” nahihiyang tanong niya at ngumiti
“Wala na yung buhok mo...” I said in disappoinment
“Hindi ba bagay?”
“Wala na akong sasabunutan at hahatakin ng buhok...”
Bagsak ang balikat na umupo ako sa couch habang dismayadong nakatingin pa rin sa bagong gupit na buhok niya.
Nagtawanan naman sila Vince.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Fiksi RemajaZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...