Chapter 13: Pissed
Mas pinabilisan ko pa ang pagpapatakbo ng motor ko ng bumilis din takbo nila.
Damn! Bakit nila kinuha si Shan?!
She’s very innocent at walang kakayahang gumawa ng masama kaya anong rason nila para kunin si Shan?!
She’s like a sister to me kaya gagawin ko ang lahat para mailigtas siya sa kamay ng mga damuho na ‘yon.
After a minute of chasing, tumigil din sila sa isang...bahay.
My brows crunched.
Sa mga taong gustong mangdakip, sa isang normal pa talaga na bahay nilang gustong itago ang biktima nila? So they are just normal abductors. Hindi tulad ng mga may classic kung mang-abduct.
Malayo ako sa kanila kaya alam kong hindi nila ako mapapansin. Hindi nga nila ako napansing sumusunod kanina eh.
What a dumbass idiots.
Mula sa rurumihin nilang lumang kotse, lumabas ang apat na lalaki bitbit ang walang malay na si Shan.
Napakuyom ako ng mga kamao ko. Wag nilang gagalawin o sasaktan si Shan dahil mapuputol ko talaga ang mga kamay nila.
Linibot ko ang tingin sa lugar. Hindi magkakalayo ang mga bahay dito at nainis ako ng makitang nakatingin lang ang mga iilan na nakatira dito wala man lang sila ginagawa para pigilan ang mga gagong animal na ‘to.
“May bago na naman silang biktima.”
Agad akong napalingon sa gilid ko ng bigla na lang may magsalita na babae.
“May bago?” gulat kong tanong at lumingon naman siya sa ‘kin
“Oo. Halos linggo-linggo...minsan nga araw-araw silang nagdadala ng biktima riyan. Lahat babae. Mga adik din ang mga yan,” sabi niya at napailing, “w-wala kaming magawa dahil tiyak paaalisin nila kami dito. Wala kaming mapupuntahan o matitirahan dahil sila ang may ari ng lupa dito. Sapat lang ang perang pangbayad namin kaya’t nagtitiis nalang kaming manirahan dito k-kahit gumagawa sila ng mga krimen.” nanunubig ang mga mata niya habang sinasabi ang mga iyon
Binalot naman ako ng awa sa kanila at galit sa mga animal na ‘yon.
“T-teka po...a-ano po ang ginagawa nila sa mga biktima nila?” tanong ko
Tumingin naman siya sa ‘kin ng seryoso at nakikita ko ang awa, galit at takot doon.
“Binibihag at humihingi sila ng pera kapalit ng mga biktima nila sa mga pamilya nito, inaalila...o binebenta nila.”
Nanlaki naman ang mga mata ko at nanigas sa kinatatayun.
Si Shan! Kailangan kong iligtas si Shan!
Bago pa ako makatakbo papunta sa bahay ng mga ito pinigilan ako ng babae.
“T-teka! Ikaw...parehas kayo ng uniporme ng batang iyon. Wag mong sabihing pupunta ka doon?” nagaalala at nababahalang tanong niya
Liningon ko naman siya at ngumiti ng tipid. Wag kayong magalala sa ‘kin. Kaya ko ang sarili ko. Kaibigan ko yun at para ko na ring kapatid. Kailangan ko siyang iligtas,” mariing sabi ko at agad tumakbo papunta sa lungga ng mga hayop
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Teen FictionZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...