Chapter 9: Quadro in a Nutshell

229 29 1
                                    

Chapter 9: Quadro in a Nutshell

It’s Friday already at papunta kami ngayon ni Ivvo sa gym. 4:12 pa lang ng hapon, maaga ang dissmisal. Nalaman kong mahilig pa lang maglaro ng basketball si Caleb, nauna na sila doon ni Vince habang ako ay pumunta muna sa cafeteria para bumili ng pagkain dahil nagutom ako during class, pero sumama ‘tong lalaking ‘to.

He said. “I hate sports. Wala akong alam sa mga sports-sports na ‘yan at wala akong balak matuto. Mas mabuti pang matulog na lang ako kesa magpagod.”

Hindi ako sporty pero nag e-enjoy ako manood. I even tried to play some of them when I'm bored. Hindi ako kagalingan pero alam kong maglaro ng basketball just the basics, and even the other games too.

Nang makapasok kami sa gym sumalubong agad sa paningin namin ang mga lalaking naglalaro ng basketball sa kalahati ng court habang naglalaro naman ng badminton ang kalahati nito.

Agad kaming lumapit kung saan naroroon ang dalawa na halatang nag-e-enjoy sa paglalaro kaya nga hindi kami napansin eh. Umupo kami sa malapit na bench. Hindi naman ganoon karami ang nandito ngayon sa gym.

Habang nanonood narinig ko ang bulungan ng tatlong babaeng estudyante sa likod namin.

“Hindi ba siya yung tinatawag na troublemaker ng Section Alpha sa STEM?”

“You’re right! They said mahaba raw ang buhok nun, tall and have a scary yet hand some face.”

Usap-usapan din siya sa TVL dahil sa nangyari last week.”

Napaangat ang isang kilay ko. Umabot pala sa labas ng department namin ang mga kagaguhan ng lalaking ‘to.

“Kung ang iba pinag-uusapan siya dahil sa mga pinaggaga gawa niya ibahin niyo sa mga freshmans, sophomores at juniors.”

Napakunot naman ang noo ko roon. Anong meron sa mga nasa lower grade?

“Ah oo! Alam ko yan! Pinagpapantasyahan nila yan. Gwapo raw kasi at mala-badboy.”

Napaubo-ubo ako ng mabilaukan ako sa chichirya na kinakain ko sa narinig ko. Agad naman akong inabutan hi Iwo ng tubig habang tumatawa.

“Tatanga-tanga kasi.”

Sinamaan ko lang siya ng tingin habang umiinom ng marinig ko na naman ang usapan ng tatlong chismosa sa likod.

“Narinig ko nga yung paguusap ng dalawang babaeng freshmans na icha-chat niya raw yang si Ivvo Aracosta sa facebook. Age doesn't matter daw.”

Kung kanina nabilaukan ako, ngayon naman nabuga ko yung iniinom ko—sa mukha ni lvvo na kanina lang tumatawa pero ngayon gulat na gulat na sa nagawa ko sa kanya.

“Putanginang y-yan.” sabi ko dahil ‘di kinakaya ng sistema ko ang mga naririnig ko.

“Zabrianna!” galit na sigaw ni Ivvo at tinignan ako ng sobrang sama.

Agad kong kinuha ang panyo ko sa bulsa ng skirt ko at hinagis sa mukha niya.

“Sorry naman, ayan magpunas ka.” sabi ko at sumunod naman siya habang masama pa rin ang tingin sa ‘kin.

“Oh, andyan na pala kayo,” rinig kong sabi ni Caleb na naglalakad na papunta saamin kasama si Vince.

I gesture him to give the ball to me at pinatalbog niya naman ito papunta sa ‘kin. Nang masalo ito, nag-drible ako.

Bodyguard of a NuisanceWhere stories live. Discover now