Chapter 16: Worried
What a chaotic morning. Isip isip ko habang tamad ko silang tinignang tatlo na nakalumpasay sa carpeted floor.
It’s saturday at balak kong mag-grocery ngayon dahil mauubos na ang stock ko ng pagkain. Saktong katatapos ko lang maligo at magayos nang bigla nalang may nag doorbell at bumungad silang tatlo na naka-pangtulog pa may mga muta pa nga. Hindi man lang nagsihilamos!
Nasabi ko kasi kahapon na mag-g-grocery ako at balak ko na rin bumili ng regalo para kay Khave kaya gusto na rin nila sumama. Akala ko naman maaayos silang tignan na pupunta rito pero—aisht nevermind.
“Puwede ba? Magsihilamos muna kayo! Doon! Doon sa CR!” reklamo ko at tinuro yung banyo
Humarap sila sa ‘kin. “Bakit? Hindi ba kami guwapo, Zab?” tanong ni Vince
“Hindi,” walang paligoy-ligoy na sagot ko,“kaya tumayo na kayo diyan at maghilamos na kayo.” sabi ko at bagsak ang mga balikat at nakasimangot silang sumunod
Makalipas ang ilang minuto, nakalabas na din kami ng building at sumakay na sa sasakyan ni Ivvo. Nasa passenger seat ako habang si Caleb at Vince nasa backseat.
We headed to the nearest mall and decided to buy first our gift to Khave.
Napabuntong hininga ako nang makita ang tatlo na nagsusukat ng mga gamit.
“Nandito tayo para bumili ng regalo para kay Khave hindi para sainyo.” bilin ko sa kanila at tumalikod para mamili ulit
Sa ilang minutong paglilibot nakabili na rin kami ng ireregalo namin. T-shirts yung binili ng tatlo na mga branded, yung napili ko naman ay relo.
Nakapag-grocery na kami at silang tatlo ang may bitbit ng mga yun. Habang papunta sa fast food restaurant na kakainan sana namin nakasalubong namin si Nath.
“Zab!” bati niya at ngumiti naman ako
“Hi Nath!” bati ko at bumaba ang tingin sa paper bag na dala niya, “hulaan ko. Para kay Khave yan ‘no?”
Natawa siya ng marahan bago tumango.
“Yes! Sobrang saya ko ng sabihin niya na puwede akong pumunta mamaya!” malaki ang ngiti na sabi niya
Mukhang sobrang saya niya nga.
“Gusto mo sumabay sa ‘min mag early lunch?” tanong ko
“Puwede?” nahihiyang tanong niya kaya natawa ako
I nodded. “Of course! Let’s go!” sabi ko at lumingon sa likod namin at sinenyasan ang tatlo na sumunod
—
Nasa isang fastfood restaurant na kami ngayon at kumakain na. Kinukuwento ni Nath kung paano siya imbitahan ni Khave sa birthday party nito mamaya.
“He personally went to your house?” ‘di makapaniwalang tanong ko
Nakangiting—nope. Kinikilig na sumagot naman siya.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Teen FictionZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...