Chapter 5: Met Again
Unti-unti akong dumilat ng magising ang diwa ko ng maramdamang may nakadagan na mabigat na bagay sa tiyan ko. Napakusot ako ng mga mata ko at bumaba ang tingin sa tiyan ko.
Muntik na akong mapa tayo ng makita kong ano ang nandoroon.
“Cavalo!” Holy crap!
Anong ginagawa ng kupal na ‘yan sa tiyan ko?!
Nasa tiyan ko lang naman ang ulo ng kupal na lalaking ‘to. Tinignan ko ang pinagkakahigaan niya kanina at nakitang wala na ang unan niya at ang unan na pinagitna ko saming dalawa. Pagtingin ko sa sahig ay nandoon na ang mga ito. Ang mga paa niya rin ay nakabukaka at nasa dulo na nga ang mga yun ng kama ko.
‘Di makapaniwala na tumingin ako sa kanya. The hell with this guy! Sumama na nga lang sa ‘kin, niligtas ko pa ang buhay niya at pinakain ko siya dito tapos ganito pa ang gagawin niya?! Sisirain ang tulog ko?!
Naiinis na napasuklay ako sa buhok ko at uupo na sana nang bigla nalang siya gumalaw at tumagilid ng higa kaya kitang kita ko na ang nakakatawang itsura niya ngayon.
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilang tumawa habang nakatingin sa mukha niya. Bahagyang naka bukas ang bibig niya at nakikita ko din ang kokonting muta niya sa mata. Gulong gulo din ang kulay tsokolate niyang buhok. Dumagdag pa ang mga pasa niya sa mukha kaya mukha siyang tanga.
Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang nagudyok sa mga kamay ko at kinuhaan siya ng litrato. Nang ma-realize ang ginawa ko ay agad akong napatigil.
Why the hell did I do that?!
“Puwede namang pang blackmail ‘to. Right!” sabi ko sa sarili ko at basta nalang tumayo at hinayaan ang ulo niyang mahulog mula sa tiyan ko.
Akala ko magigising na siya pero hindi man lang siya gumalaw. Napairap nalang ako sa ere at tinignan ang oras sa cellphone ko.
6:10 am
Agad akong lumabas ng kuwarto ko at pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas and toast a bread. Nagluto din ako ng bacon at itlog. When it’s all done umupo ako sa upuan and nagsimulang kumain. After I finished eating kumuha ako ng mga susuutin ko sa kuwarto at pumunta sa banyo para maligo.
Nang matapos magbihis agad akong pumunta sa kuwarto at naabutan siyang nakaupo sa kama at mukhang disoriented pa siya kaya ‘di ko na kinibo. Ayaw kong masira ang mood ko ngayon.
Kinuha ko ang contact lens na binili ko pa sa Italy at naupo sa kama. Nagsusuot ako ng lens sa kabilang mata ko ng may bigla nalang may nagsalita sa likod ko. Mukhang bumalik na kaluwa niya.
“What are you doing? Bakit naglalagay ka ng ganyan sa mata mo?”
Agad kong nilayo ang mukha ko ng bigla nalang niyang sinilip ang mukha ko habang nakaupo pa din sa kama. Dahil sa gulat ay natampal ko ang pisnge niyang may sugat sugat kaya napalayo ang mukha niya at hinawakan ang mukha niya habang umaaray.
“Fvck!” daing niya at tinignan ako ng masama
“Pake mo!” singhal ko at tumayo na ng matapos ko ng mailagay ang contact lens sa mga mata ko.
Tumayo na ‘ko at kinuha ang backpack ko na nakasabit sa pinto ng kuwarto ko. May laman na din itong mga gamit and Nannu bought me these things.
Lumabas ako ng kuwarto at nagtungo sa pinto para sana lumabas na pero lumingon ulit ako sa kanya. ng magsalita siya.
“Where the hell are you going? liwan mo ‘ko dito?!” di makapaniwalang wika niya kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.
“Yan sana ang gagawin ko kung ‘di ka pa gising but you’re fully awake now...” I opened the door, “...puwede ka nang umalis pero kung ayaw mo naman...” I shrugged my shoulders,“...suit yourself. Ma-l-late na ‘ko.” I said at nauna nang lumabas
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Fiksi RemajaZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...