Chapter 22: Quit as his Bodyguard

173 20 39
                                    

Chapter 22: Quit as his Bodyguard

Nagising ako ng nasa kuwarto na ako ni Ivvo. Noong una hindi pa malinaw ang paningin ko pero ng umayos na ito tsaka ko nilibot ang paningin ko. Tumigil ito sa isang lalaking nasa gilid ko.

Napansin niya atang gising na ako kaya lumingon siya sa ‘kin.

“Buti naman at gising ka na. I just stitch your wounds and cleaned them. Hindi naman sila malalim at hindi naman gaano kalaki pero marami rin ang naubos na dugo mula sayo.” he said at nakinig lang ako

Hindi ako dinala sa ospital ni Ivvo pero nagtawag naman ng doctor. Buti naman dahil hindi naman talaga ako napuruhan.

“By the way, I’m Dr. Silvann Aracosta.” sabi niya

Bumaling naman ng mabilis ang tingin ko sa kanya at napakunot ng noo.

Aracosta?

Ngumiti siya ng mapansin ang reaksyon ko.

“I’m Ivvo’s older brother. So you’re his bodyguard? Nakuwento ka na ni Mom and Dad sa ‘kin.” sabi niya at natawa siya ng bahagya

Sa sinabi niya ngayon ko lang napansin ang mukha niya. Magkamukha nga sila ni Ivvo at ni Tito Greg. Mas matanda lang tignan ‘to kay Ivvo—siyempre mas matanda siya dito eh.

Ngayon ko lang rin nalaman na may nakatatandang kapatid din pala siya. ‘Di ko kasi nakikita ang Kuya niya kapag pumupunta ako dito.

“Ah yes po, Zabrianna...Zab nalang.” sabi ko at ngumiti dito

“Zab, nakuwento na ng kapatid ko ang nangyari sayo. You’re really doing your job pero magiingat ka pa rin. Hindi dahil pinoprotektahan mo ang kapatid ko ay papabayaan mo na ang sarili mo.” seryoso nitong sabi

Pakiramdam ko pinapagalitan ako ng nakatatanda kong kapatid. So ganito pala sa feeling?

Tumango naman ko. “Yes...” napatingin ako sa kanya dahil hindi ko alam ang itatawag ko sa kanya

He smiled. “Just call me Kuya or whatever you want.” sabi niya

Ngumiti naman ako at tumango. “Okay...K-kuya.”

Hindi ako masyadong sanay tumawag ng Kuya sa kahit na sino. Si Freno palang ang natatawag ko na Kuya.

He ruffled my hair. “I like you already.” sabi niya at hindi ko naman alam ang isasagot ko

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto at pumasok si Ivvo na sobrang seryoso ang mukha.

“You can’t fvcking like her. May asawa kana at anak,” sabi niya at ng nasa harapan na siya nito nagsalita siya ulit habang mata sa mata silang nagtitinginan, “Kanojo wa watashi no monoda.” madiin niyang sabi

Amusement dance in Kuya Silvann’s eyes at ‘di kalaunan ngumisi ng malaki.

“I know, little brother. What I mean is watashi wa anata no tame ni kanojo ga sukidesu.” sabi naman ni Kuya Silvann

Unti-unting ngumisi si Ivvo. “Of course you will.”

Nagpapalipat lipat ang tingin ko sa dalawa at napasimalmal. Magusap ba naman ng nihongo sa harapan ng isang katulad ko na walang alam?

Bodyguard of a NuisanceWhere stories live. Discover now