Chapter 37: Drunk Aracosta
“Put your gun now!” rinig kong sigaw mula sa likod ko at ang pagkasama ng mga baril
Oh shit. I’m doomed.
“Itaas mo ang mga kamay mo!” sigaw ulit nila
“Fvck...” I mumbled
Hindi ako makagalaw sa puwesto ko, one wrong move and I’ll be dead in this cruise. Wala pa akong planong mamatay, putangina.
Mabilis kong binuksan ang purse ko at kinuha sa loob ang smoke grenade na dala ko.
Buti at nagdala ako nito!
I pulled the pin and threw it to on the floor. Kumalat ang usok sa loob ng kuwarto at wala na akong inaksaya pang oras at tumakbo papunta sa pinto.
Tinandaan ko talaga kung saang direksiyon ako dadaan para wala ng aberya sa paglabas ko.
“Wala akong makita!”
“Nasaan na siya?!”
“Find her, damn it!”
Mas binilisan ko ang takbo hanggang sa makalabas ako ng kuwartong iyon. Mabilis kong hinubad ang suot kong takong at sumampa sa railings ng barko. Hinihingal na bumaba ang tingin ko at ‘di ko mapigilang mapalunok sa takot.
“Damn. Ang taas...” I mumbled while catching breath
Ilang metro ba ang taas nitong barkong ‘to?
I can feel my body shaking in fear as I stared at the water below.
Ito ang unang beses na tatalon ako sa isang mataas na lugar, fvck.
Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ilagay ang lakas pababa sa paa ko at hinanda ang sariling tumalon.
“One...”
“Tw—”
“Ayon siya! Tatakas siya! Pigilan niyo!”
“Putangina!” talon!
Mataas akong tumalon sa ere habang nakatingin sa babagsakan kong tubig. Ilang segundo lang ang lumipas ay naramdaman ko na ang pagtama ng katawan ko sa malamig na tubig, nahatak ako nito paibaba pero agad ko namang kinumpas ang mga binti’t kamay ko para lumangoy pataas.
Habol ang hiningang nakaahon ako sa tubig at nagpatingin sa taas kung saan nandoon silang lahat at nakatingin sa ‘kin.
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Shit. Pano na? Paano ako makaatas sa kanila? Ang layo ng pangpang! Ano lalangoy ako papunta dun?!
I groaned in frustration. No choice—
“Eivearai, hope in! Faster!”
Nagtaas ako ng tingin sa nagsalita. Napasinghap ko ng makita si Cez.
“Cez...” tawag ko at agad na napangiti
Inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito. Hinatak niya ako hanggang sa mapaupo ako sahig ng speedboat na dala niya.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Teen FictionZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...