Chapter 8: Bodyguard
May balat ba ‘to sa puwet at parati na lang siyang minamalas?
Nung isang araw lang muntik na siyang makuha at ngayon naulit na naman?! Wala bang kapaguran ang taong gustong kumuha sa kanya?!
I keep tailing them at napadpad na kami sa tahimk na daan at walang masyadong ilaw.
Kung balak nilang dalhin si Ivvo sa gustong kumuha sa kanya ibig sabihin malalaman ko na kung sino siya at ano ang kinalaman niya sa totoong pagkatao ko.
With that thought, mas pinabilisan ko pa ang takbo ng motor ko pero biglang may tatlong motor ang sumalubong at humarang sa daan ko kaya wala akong choice kundi itigil ang motor ko lalo na't may mga dala silang baril.
Agad akong napababa mula sa pagkakasakay ng walang atubli silang nagpaputok ng baril sa direksyon ko. Nagtago ako sa likod ng motor ko ng gawin ko itong pangnanggalang.
Mabilis akong nagisip ng paraan para makaalis. Kinuha ko ang baril na nakatago sa gilid ng motor ko at isang smoke grenade. I pulled the pin and threw it to them and I immediately run to the opposite direction.
Agad kumalat ang usok at nagsimula akong magpaputok sa kinaroroonan nila.
“Argh!”
Rinig ko ang mga sigaw nila at paghingi ng tulong pero hindi ako tumigil. Base pa lang sa kung paano sila makipaglaban, humawak ng baril, kung paano sila magsalita na nakakasindak, at sa mga katawan nila masasabi kong sanay na sila sa ganitong trabaho. Ang tumugis at pumatay. Kaya ‘di na dapat binibigyan ng pagkakataon ang mga ‘tong mabuhay. Ang pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga lumalabag sa batas.
Wala ako sa trabaho ngayon kaya tiyak na pagagalitan ako ng supreme’s kapag malaman nila ito, pero nandiyan naman si Nonno to back me up. Isa pa, parte sila ng misyon ko.
Unti-unting nawala ang usok at nakatutok pa rin ang baril ko sa kanila. Nang makitang nakalumpasay na sila linapitan ko agad ang motor ko na pinagpapasalamat kong hindi malala ang damage at pinaandar ito.
“The fvck, where the hell are they?” inis na wika ko at pilit inaaninag sa madilim na daan ang van at nahanap ko rin sila tatlong metro ang layo mula sa ‘kin.
My brows crunched when I noticed someone—sino siya?
Nakatigil ang van at may iilang lalaki ng nakahandusay sa kalsada habang ang iba naman ay kinakalaban ang hindi ko kilalang tao. Babae ba siya o lalaki?
Sinipa niya ang tiyan ng lalaking lalapit sana sa kanya tsaka yumuko at mabilis na humarap sa isa pa at malakas itong sinuntok sa mukha—malakas nga dahil tumama ang likod nito sa pinto ng van.
Matapos niyang mapatumba lahat ay mukhang naramdaman niya ang presensya ko dahil humarap siya sa direksyon ko.
Pinilig niya ang kanyang ulo sa kabila kung saan naroroon ang van na parang pinapalapit ako and so I did. Nang makalapit ako agad akong lumapit kay Ivvo na walang malay sa loob ng nakabukas na pinto ng van sa likod. Tinapik tapik ko ang pisnge niya pero wala pa rin kaya ang ginawa ko ay sinampal ko siya ng malakas.
YOU ARE READING
Bodyguard of a Nuisance
Novela JuvenilZab was sent to the Philippines to do her mission, only to be a bodyguard of a hard-headed troublemaker guy named Ivvo Aracosta. *** At the age of 14, Zabrianna Levin already experienced a not so normal life like the other kids in her age do. An orp...