-Nina-
As usual nasa kwarto ako at nakatitig sa isang maliit na litrato. Hindi ako makapaniwala na uuwi siya ulit dito sa Pinas.
Marco dela Rosa is finally coming home after five years!
Naalala ko ang unang pagkikita namin noong ikalabintatlong kaarawan ni Trixie. It was a wish come true!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga tapos pumunta sa aparador ko. Napangiti ako nang kinuha ko ang jacket ni Marco.
It has been five years yet it still has his lingering scent. Nilagay ko kasi siya sa sealed na garment bag na bigay ni Felicity noon.
"Sa wakas magkikita din tayo after five years aking mahal." Niyakap ko ang jacket tapos narinig ko ang sigaw ni Felicity sa labas.
We were practically neighbors kasi sa loob ng hacienda Felicia ako nakatira. Ang tatay ko kasi ay nagtatrabaho bilang tagapamahala ng hacienda. Noon magsasaka lang si Tatay pero umangat ang posisyon niya dahil sa sipag at tiyaga.
Dahil sa matalino at masipag ako ay binigyan ako ng scholarship kaya nakapag-aral ako sa Ace Academy at ngayon sa Ace University taking up Education kasi iyon lang makakaya namin ni Tatay.
Nagiging part time secretary din ako ng tatay ni Felicity para may extra income din ako. Ngayon sa kolehiyo at part time din akong lounge singer sa Brewmance tuwing sabado at linggo kapag walang masyadong school work.
So going back dali-dali kong ipinasok ang jacket at lumabas sa kwarto.
"Ang aga mo naman Cee."
"Hello? Di ba bukas ng gabi ang party ni Trix so dapat maghanap na tayo ng gown!" Hinila niya ako palabas ng bahay.
"Teka magbibihis muna ako. Nakashorts lang ako eh."
"Kanina pa kaya kita tinatawagan?"
"Sorry na okay? Heto magbibihis na."
Pumasok ako ulit sa kwarto at kumuha ng sleeveless na summer dress tapos lumabas na.
"Ano ba yan! Nagmukha ako tuloy na tomboy niyan." Natatawang sabi ni Felicity kasi naka-jeans at tshirt lang siya.
Medyo boyish noon si Felicity kasi noong bata ay palagi niyang kalaro noon si Sir Dominic na nakatira sa isang hacienda malapit dito.
Noonh grade three lang kami naging magkalapit ni Felicity kasi di siya noon lumalabas sa mansyon nila. Noong taon na iyon ay naging magkalapit din kaming tatlo nila Trixie then our sorrority called the Trinity was born.
Sumakay kami sa kotse ni Felicity na regalo ng ama niya noong nakaraang buwan sa debut niya. Si Felicity kasi April ang birthday while Trixie was on May at sa akin ay June. Magkakasunod lang di ba?
Anyways, patungo kami sa boutique ng sikat na Fashion Designer na si Pia Pascual. Felicity was one of her high clientele kaya VIP kami kapag nandoon kami.
Si Felicity at Trixie ang sasagot sa gown ko as usual. Nakakahiya pero spoiled ako sa dalawa kasi di naman kami mayaman.
"Hello girls! May gosh noon mga pang-prom lang binibili ninyo ngayon for debuts na!" Bati ni Pia na as usual ay very hyper and friendly pa din.
"Mrs. Pia gusto kong kulay is blue." Sabi ni Felicity.
"Ano ka ba Cee! That's my fave color eh!"
"Sorry Nins nauna ako."
"Maputi ka naman eh kaya kahit anong kulay bagay sa iyo." I pouted pero nagbehlat lang si Felicity.
"Now now girls. Nina I have a gown especially for you. It's canary yellow and this while definitely highlight your morena beauty." Sabi ni Pia at kumuha ng isang sleevless yellow mermaid gown.
BINABASA MO ANG
The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceBook Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How can she tell them when Marco was bound to marry someone else?