Chapter Twelve

7.8K 211 9
                                    

-Nina-

Halos araw-araw si Marco na umuuwing lasing or madaling araw na sabi ni Mrs. Carol.

Ang masakit pa ay minsan nakita ko ang polong ginamit niya kagabi na may lipstick at amoy babae.

Ayokong pangunahan siya na nambabae siya kaya gabi-gabi akong nag-aantay ngunit naging mailap siya.

Minsan nararamdaman kong andiyan siya pero paggising ko, ay wala naman pala.

Tuwing umaga mag-isa lang ako sa mala-palasyong bahay nila na wala man lang makausap. Hindi man lang ako makapag-internet kasi wala silang connection at di man lang ako makatawag sa kanila sa Pilipinas.

Tila nahihibang na ako sa aking pag-iisa at pag-aalala kay Marco. He became a stranger who doesn't even remember he has a wife.

Ayon kay Mrs. Carol ay matagal pa bago bumalik ang mga Dela Rosa sa France kaya nanlumo ako. Naisipan ko na lang maglibot at buti na lang nakahanap ako ng library. Naghanap ako ng French dictionary at mabuti meron sila para kahit papano maintindihan ko naman sila. Ang mga kasambahay kasi nila ay di marunong mag-Ingles kaya nahihirapan akong kausapin sila.

A few days after, Marco stopped coming home na nagworry ako kaya nagtanong ako kay Mrs. Carol.

"Have you seen Marco?" Tanong ko sa kanya habang nagluluto siya sa kusina.

"He has left for Paris. Sir Marco usually goes there for business. Did he not tell you?" Tanong ni Mrs. Carol tila nagtataka bakit di man lang ako sinabihan ni Marco.

"Oh yes. I had forgotten." Sabi ko naman at ngumiti ng pilit.

"You don't have to hide from me Miss Nina. Did you fight?"

Napailing ako kasi ayaw kong maglabas ng loob dahil di ko naman siya kilala talaga at tauhan siya ni Marco. I just wish may telepono ako para matawagan ko man lang sila Felicity or si tatay para may makausap ako tungkol sa amin ni Marco.

"In case you need something, just tell me okay?" Sabi ni Mrs. Carol at naghanda na ng makakain ko.

Usually sa main dining hall nila ako pinapakain pero naiilang ako kasi mag-isa lang ako doon kaya nagpumilit akong kumain sa kusina.

"Actually, I need a phone to call my father in the Philippines." Sabi ko.

"I'm sorry ma belle but we have no phones to call internationally. We have local phone." Nalungkot naman ako sa sinabi niya.

Naalala ko bigla na may ibinigay si Luc na calling card kaya kinuha ko iyon at tinanong si Mrs. Carol kung local yung numero niya. Nagtataka si Mrs. Carol bakit gusto kong tawagan si Luc at hindi si Marco.

"You friends with Luc?"

"Yes. I just needed help with something." Pagrarason ko pero nagdududa si Mrs. Carol.

"In case you have to call Marco, here's his phone number." Inabot ni Mrs. Carol at umalis na.

I'm sure kung anu-ano na ang iniisip ni Mrs. Carol kasi di ako pinapansin ni Marco, hindi ko alam nasa Paris siya, wala akong phone number niya at ngayon, balak kong tawagan si Luc.

Hinayaan ko na lang siya na mag-isip ng kahit ano pero desperada na akong makahanap ng paraan para ma-contact si tatay.

Pumunta ako sa library kasi may telepono pala doon at tinawagan ko si Luc.

"Hello?"

"L-Luc?"

"Nina? What's wrong?"

"It's Marco..."

The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon