-Nina-
Napangiti ako habang tinititigan ang singsing sa aking kamay dahil may engrave na "Mon Amour Nina" which is "My love Nina" in English. Hindi ko na isinuot yung unang engagement ring which was meant for Trixie noon kasi it just brought unhappy memories. My new ring was more better kasi it was simple just like me.
After the surprise engagement party ay tumira na ako sa bagong bahay with Marco. We have been living as husband and wife in our own house in Sta. Ana.
Si tatay ayaw tumira kasama namin at andun pa rin sa hacienda sa lumang bahay namin na binili ni Marco ang lupa para maipangalan sa kanya bilang regalo kay tatay sa 50th birthday niya noong nakaraang buwan.
Tumigil na rin ako sa pagtuturo dahil gusto ni Marco na magkasama kami palagi at mabawasan ang stress ko daw para healthy si baby. He would always cook for me and take me out for some shopping therapy. Kadalasan ay binibisita namin si Trixie sa Makati.
Everything seemed to be perfect especially when I look at Marco's eyes full of love and admiration for me. Nakakapanibago at di mawala na kiligin ako tuwing nakatitig siya or hinahalikan ako sa harap ng madaming tao.
Several months after...
"Ma cherie! Are you ready? We have to go! You're in labor!" Narinig kong sigaw ni Marco mula sa baba at napailing ako sa tawa.
Yes, in labor na ako at lalabas na ang aming princesa pero I was taking my time. Masakit pero alam ko mamaya pa siya lalabas at si Marco in panic mode na. Lagi siyang cool or composed pero ngayon di ko mapigilang maaliw dahil kabado siya.
"What are you doing there smiling my love? We have to go because Natalie is coming!" He asked exasperated.
"Labor takes time, Marco. Saka nababagot ako sa ospital." I reasoned.
"Yes but we have to be there so the doctor can monitor you. If you're too lazy to go, I'll carry you." Sabi niya at kinarga ako bigla. Alam kong mabigat na ako kasi para akong nakalunok ng jumbong unan.
"Marco mabigat ako! Baba mo ako at maglalakad ako."
"You have been dallying all day long and we need to go. Tatay is coming too and has been waiting at the van. Felicity and Trixie are on their way as well. Mama and Papa are flying back here."
"Ano ito party? Can they wait until Natalie's born?"
"I'm afraid not, my little one. They've been waiting for the princess." He smiled and kissed me.
Inupo ako ni Marco katabi ni Tatay na mukhang naiinip na kinakabahan din. Kinuha ko ang kamay niya na puno na ng ugat at kalyo dahil sa pagsasaka. Ang mga kamay na nagtustos sa akin sa pag-aaral at para makakain kami araw-araw. Muntik na akong mapaiyak pero pinigilan ko. Malaki ang utang na loob ko kay tatay na kahit iniwan ako ni nanay ay pilit niya akong pinalaki bilang mabuting tao.
"Tay, okay ka lang po ba?" Tanong ko dahil hindi siya mapakali.
"Okay lang ako anak." Sagot niya pero alam kong hindi.
"Kinakabahan kayo ano? Wag kang mag-alala at magiging okay kami ng apo mo."
"Naku hindi talaga ako mapakali anak kapag ganito. Basta tawagin mo ako kung ano man ha?" Sagot niya at pinisil ang aking kamay.
"Ano ba yan! Ang bagal mong magmaneho!" Reklamo ko kasi usually mabilis magmaneho si Marco and the hospital was like 30 minutes away.
"I can't drive fast, okay?" He answered and I laughed. Naku ang dalawang ito napakanerbyoso.
Finally after an hour, nakarating kami sa Sta. Ana Medical Center at nasa suite room kami. Gusto sana ni Marco sa St. Luke's sa may Taguig pero umayaw ako kasi andito ang OB ko. We had the biggest room and when I arrived, halos lahat andun na. Si Trixie ay karga-karga si Trixel kasama ni Axel samantala si Felicity panay kuha ng litrato or video.
BINABASA MO ANG
The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceBook Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How can she tell them when Marco was bound to marry someone else?