-Nina-
I woke and saw Marco sleeping beside me. Nag-antay ako kagabi sa kanya pero nakatulog ako.
Feeling bold, I went to kiss him on the lips then I felt him smile.
"Nina." He said and opened those mesmerizing eyes of his.
As the sunlight poured in our room, the color of his eyes changed.
Whenever I look into those eyes, I felt I can get lost in it. It was like a paradise of its own.
Green and brown like a secret garden waiting to be explored.
"Marco, pwede ba nating bisitahin si Tatay?" Tanong ko pero hindi siya sumagot kaagad tila nag-iisip.
"Why?" He asked.
"So he can meet my husband." I said and smiled.
"Oui." Ang tanging sagot niya which means "Yes" in French.
Tumayo siya bigla at pumunta sa bathroom para maligo. Pagkatapos niya ay sumunod na rin ako.
Pagkabihis ko ay wala na siya sa kwarto kaya bumaba na ako.
We joined his parents and Monique for breakfast.
Tahimik lang si Marco tila wala sa mood kaya hinayaan ko na lang. He was always moody kaya sinusubukan kong intindihin siya.
Nagpaalam kami at nagtungo na sa may Hacienda Felicia. Wala raw si Felicity kaya di kami nagkita na dalawa kaya hinanap ko na si Tatay.
"Tay!" Sigaw ko mula sa may bungad ng orchard ng mga Lopez.
"Nina anak! Nakung bata ka!" Sabi ni tatay at niyakap ako.
"Sorry po if nag-alala po kayo." Mangiyak -ngiyak ako dahil alam kong nag-alala si tatay sa nangyari.
"Ang mabuti ay andito ka."
Sabi ni Tatay na naluluha din pero nagtaka nang makita si Marco sa likuran namin.Hinila ko si tatay para ipakilala kay Marco na tila ayaw lumapit sa amin.
"Tay, siya nga pala si Marco dela Rosa, asawa ko po."
"Nice to meet you." Pormal na sagot ni Marco pero nakipagkamay kay tatay.
"Halika at doon tayo sa bahay para makapag-usap tayo."
Naglakad kami patungo sa bahay at sinubukan kong abutin ang kamay ni Marco pero umiwas siya.
Sobrang tahimik niya tila wala sa mood ang itsura niya.
Naupo kami sa may balkonahe ng bahay at naglagay ako ng kape sa may mesa.
"Natutuwa ako na ikaw ang napakasalan ng anak ko."
Tumaaas ang kilay ni Marco tila nagtataka sa sinabi ni Tatay.
"Alam mo kasi na mahirap lang kami at masaya ako na ikaw ang napangasawa niya. Maibibigay mo ang pangangailangan niya na di ko maibigay." Sabi ni Tatay at napatango lang si Marco pero walang emosyon sa mukha.
"Saan pala kayo pipirme? Para makabisita ako kapag may apo na ako." Nakangiting sabi ni tatay tila di nahahalata na wala sa mood si Marco.
Naiinis ako dahil kinakausap siya ni Tatay pero pilit lang mga sagot niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya ganoon kahapon?
"Siyempre dito po tay para magkasama tayo." Sagot ko at tiningnan ako ni Marco.
"It will depend as we might be living in France." Sabi naman ni Marco.
"Bakit sa ibang bansa pa? Pwede naman kayong manirahan dito."
"Where I go, Nina goes too. We will visit whenever necessary."
BINABASA MO ANG
The Trinity Sorority Series: The Arranged Marriage (COMPLETED)
RomanceBook Two Nina Cortez has been in love with Marco Dela Rosa all her life pero that's her greatest secret that even her Trinity sisters don't know. How can she tell them when Marco was bound to marry someone else?